Rose 8

48 3 2
                                    

 Nahulog ka na ba sa kagandahan niya? Rianna Olivia at the side picture! ♥ Halina't ma-inlove sa ganda at alindog niya.

"Stay where you are! Don't dare go near me!" Natatakot na sabi ko sa lalaking nasa harapan ko.

Hindi ako makapaniwala, bakit nandito siya?! Anong ginagawa niya dito??!

Onayghaddd! 

"Didn't you miss me, my dear Rianna?" Sabi niya sa akin.

Fudge! Somebody help me!

Palapit siya ng palapit habang ako naman paatras na naglalakad.

Hindi ako makalingon sa likod ko dahil anytime pwede siyang tumakbo at lumapit sa akin. Ayokong tanggalin ang tingin ko sa kanya.

Ayokong...

"Wahhhh!" Sigaw ko, wala pang masyadong tao sa kalsada kaya pinatitinginan lang kami.

Hindi ba nila ako tutulungan??

"Rianna...

Oliviaaa~....

ORTIZ!!!!!" Sigaw nito sa tenga ko..

"Let me go!!! Let me goooooo~!" Alam ko sumisigaw pa rin ako..

Oo alam ko sa sarili kong sumisigaw ako, pero bat ganito ang pakiramdam ko?? Para bang...

Unti-unti nang naglaho ang paningin ko....

*♪ ♪Give it to me~ Oh baby give it to me. Oh oh oh oh oohhhh~ ♪ ♪*

Nagising ako mula sa isang tawag.

Tawag ni Jessa!

Napatayo ako nang makitang nasa office pa pala ako! At naayos ko na nga pala ang desk ko.

Buti na lang panaginip lang siya.

Yung bandang nakita ko siya ay panaginip lang?

Pero diba.. Ang alam ko kumain na kami ni Jessa eh...

Hay!! Bwisit na panaginip to~!!!

"Hello?" Sagot ko dun sa cellphone ko.

["Lokaret ka gurl! Ano ka ba? Anong ginagawa mo? Kanina pa ako tumatawag."]

"Huh? Bakit?" Pagtatanong ko.

Para kasing may tono nang pag-aalala yung boses niya.

["Nasa office ka pa rin ba?!"] hindi niya sinagot yung tanong ko.

Habang kausap ko pa siya ay may nakita nanaman akong box dito.

Ano ba naman to? Akala ko panaginip lang yun?

["Ikaw na lang ba hindi nakakabalita? Ano ba kasing ginawa mo at puyat ka ngayon?!"] nagsesermon nanaman siya. Feeling ko minsan nagreincarnate sa katawan niya si mama eh.

Kasi yung kilos at galaw niya pangnanay.

"Oo nasa office pa ako." Sagot ko.

Hindi ko na binuksan yung box. Baka makita ko lang kung ano pa laman nun.

Baka galing sa kanya yun.

Baka nakalabas na siya dun...

[" Ano pang ginagawa mo!!?! Pumunta ka na dito! Your dad!!"] biglang naging galit yung tono nang boses niya.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon