Rose 12

47 2 2
                                    

Sino yung lalaking nasa side picture? Gusto mo na ba siya makilala? ;) Malapit nang mareveal kong sino siya sa buhay ni Rianna. <3 Pogi yan eh. Wala lang akong mahanap na matinong picture niya hihihi <3

-----------------------------------------------------------

"1pm sharp. Sa bridge ng Pavilion." Text ko kay Rianna..

Yes, I got another reward from her.. I'll take this opportunity para mapalapit pa sa kanya..

Syempre kinausap ko pa rin siya maski parang naging awkward sa kanya sa trabaho para naman makilala ko pa siya nang mabuti.. Baka rin sa paraang mapalapit ako sa kanya baka mahulog na siya ng tuluyan sa akin.

*riiinnnggg* *riiinnnggg*

Biglang tumunog ang phone ko at naisip ko agad na baka si Rianna yung tumatawag.

Pero mali pala... Unknown number ang tumatawag pero... Kabisado ko kung kaninong number yun.

"Hello?" Bungad ko.

"Hello, Jaiden? Meet me now.." See? I'm right. Kilala ko nga kung sino siya.

"Bakit? Para saan pa Jia?"

"Just meet me.. Itetext ko na lang yung place."

Pagkatapos ng 2 minuto ay may natanggap na nga akong message mula sa kanya.

"Kuya Ren? Sino yung kasama mo ha ha? Akala ko ba hindi ka mambababae?" Narinig ko sila Ren at Jaira na nag-uusap.

"Ano ba Jaira? Pang-ilang beses mo na yan tinatanong sa akin."

"Eh kasi ilang beses mo na rin akong hindi sinasagot eh."

"Aaaiisshhh! Kumain ka na nga lang!" Tapos padabog na pumunta si Ren sa kwarto niya.

Ang kulit talaga ng dalawang yun. Lagi na lang nag-aaway.

Pagkalabas ko pa lang sa gate namin ay agad na akong nagpara ng taxi.

"Manong sa *********** po tayo."

Mga ilang minuto na rin ang nakalipas at narating na namin yung lugar na tinext ni Jia. Nagbayad naman na ako dun sa taxi at agad na bumaba.

Nakita ko na rin agad yung kotse ni Jia.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?"

"Jaiden! Jaiden, sinasaktan niya ako." Yumakap sa akin si Jia pero hindi ko siya niyakap pabalik.

"Wala akong pake! Ikaw yung pumili sa kanya eh. At ngayon kasal na kayo? Wala na akong pakielam sa iyo." Sabi ko sa kanya na may-galit sa mukha.

Oo naiinis ako.

Hindi.. Hindi ko na siya kahinaan ngayon.

Dahil nagising na ako sa katotohanan na.. Baka lokohin niya lang ulit ako.

Manggagamit.

"Please Jaiden, help me."

"Ayoko! Tigilan mo ako!!" Pagkasabi ko nun ay tinulak ko siya palayo sa akin.

"J-Jaide--" bigla naman siyang nahimatay sa harapan ko..

"Oy Jia!! Yaa~!" Tinapik-tapik ko siya..

Sa tingin ko inatake nanaman siya ng sakit niya..

Naalala ko kasi pareho sila ni Jaira na inaalagaan ko dati nung bata pa kami. Sakitin kasi silang dalawa.

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon