Author's Note:
A short update~ Baka hindi ako makaUD next week :( Periodic Test na namin. Kaya kailangan ko rin mag-aral. I'll tell you na lang kung kailan ako makakaupdate :)) Thanks readers! ♥♥
Jaiden's sister- Jaira :) On the right picture~ ♥
-Jelly'sBadgirl.
--------------------------------------------------------------
Nang nakita ni dad na pumasok na ako sa restaurant ay tumayo na siya at pinuntahan ako.
Naglakad kami sa table kung saan nakita ko si Jia..
"Here, sit here beside me." inurong ni dad yung upuan para pa-upuin ako..
Round ang table at nakapagitna ako sa kanilang dalawa.
Dumating na yung mga pagkaing inorder nila at nagsimula na kaming kumain.
"Tapos ka na mag-aral. I mean graduate ka na, Rianna?" tanong ni Jia.
"Ahh. Opo tita." eww. yuck. tita? pwede bang tawagin na lang siya sa pangalan niya?
Ngumiti siya sa akin at nginitian ko siya pabalik.
"Then you're ready to manage our company?" biglang sabi ni dad.
Bigla ring nawala yung ngiti ng Jiang yun.
"Manage? Well.." Actually hindi ko alam kung marunong ba talaga ako mamuno sa isang kompanya.
Yes.. Oo matalino ako. Pero iba na sa reality. This is the real world. Wala na ako sa school. Hindi na ito yung pa-easy easy na lang. Dahil kapag nagkamali ka, bagsak ang kompanya mo.
"I think she's not ready yet, babe." pagsingit ni Jia.
Tsss~ Sus! Gusto mo lang angkinin ang posisyon ko eh..
"No, no. I think she can manage well." giit ni dad.
Biglang nagkaroon ng moment of silence......
"I want to train you dahil pagdating ng araw you'll be the only one to get my position as CEO." sabi niya.
Lalo pang napatingin sa akin si Jia..
"And.. Oh! I remember.. Your birthday is on August 18 right?" tanong niya sa akin..
"Yes, why?"
"I'm going to introduce you to public." he said calmly habang hinihiwa ang beef na kinakain niya.
"PUBLIC?!" sabay naming sabi ni Jia..
"Yes. We're going to celebrate it."
*Jaiden's Point of View*
"Baby, saan tayo tonight?" tanong ng babaeng kasama ko ngayon..
Galing kasi akong bar at nilapitan niya ako.
Unbelievable. Ang bilis talaga ng hugot ng mga babae sa akin. HAHAHA.
"Ikaw ang bahala.." sabi ko sa kanya ng parang nang aakit.
Lumapit ang mukha niya at hinalikan ako..
Nakapikit siya habang ako mulat na mulat sa pinaggagagawa niya.
What a slut, she already fell for me.
"OY AYUN SIYA!!" malakas na sigaw ng lalaki.
Napatigil ako sa paghahalik sa babae dahil nakilala ang boses na iyon.
Tumingin ako kung saan nagmula yung boses.
"AYUN SI JAIDEN!!!" sigaw pa nito sa mga kasama niya.
"See you later baby!" sabi ko dun sa kasama kong babae at tumakbo na paalis.
Naalala pa ako ng mga mokong yun? Ibang klase talaga kapag mayaman ang nanakawan mo!
Tumatakbo pa rin ako ng mabilis habang hinahabol pa rin ako ng mga tangang yun..
"MAAABUTAN KA RIN NAMIN DELA ROSA!!!" hingal na hingal na sabi nito...
Natawa lang ako sa sinabi niya..
Sana'y na akong laging hinahabol ng mga ganyan.
Lagi ko naman silang natatakasan.
Mga bobo kasi..
"Aray naman! Bulag ka ba?" napatingin ako sa nabungo kong babae.
"Ay sorry! Sorry!" sabi ko habang bumagal na ang pagtakbo ko dahil malayo na yata ako sa mga humahabol sa akin..
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!" galit na narinig kong sabi niya..
Hindi pa ako gaanong kalayo sa kanya..
"Oh Rianna, are you alright?" may narinig akong nagsalita mula sa likod ko.
"Yes tita Jia. Ok lang ako. May lalaki kasing dumaan at natamaan niya ako." wait....
JIA?
JIA?
JIA?
The JIA I knew?
"Ahh oh sige. Pumasok ka na sa kotse at ihahatid ka na namin ng daddy mo."
Napalingon agad ako ng marinig ko ang pangalang Jia.
Siya ba yung kausap nung natamaan kong babae?
Kaboses niya si Jia na kilala ko..
Pagkalingon ko'y papasok na yung nagalit na babae sa akin sa kotse habang.......
"Jia?" biglang lumabas sa bibig ko ang pangalan na iyon.
Sa di kalayuan ay napatingin siya sa akin.
Hindi napatitig siya sa akin...
I'm sure she recognized me.
Who won't recognize the guy who saved her?
"Babe? Aren't you going inside?" sabi ng lalaking mas matanda sa kanya at hinalikan siya nito sa pisngi.
"Hahaha. Wag ka nga~" malanding sabi nito at inilayo na ang tingin sa akin..
Pumasok na silang dalawa sa kotse.
Umalis na ang sasakyan at naiwan akong nakatulala rito..
Now I've found you.
Ang tagal mong nawala Jia...
Hindi, ang tagal kong nawala.
Pinagdusahan kong hindi ka pala babalik sa akin..
Ginawa ko para sa iyo yun pero ano?
Iniwan mo ako.
You're such a BITCH.
This time. It's my turn. It's my turn to hurt you.
You'll fall for me.
You're going to fall for me.
And if I say fall, I mean it. I meant that you'll fall hard.
BINABASA MO ANG
Rosehill
Teen Fiction© inkedcheeks // Completed // Making choices, taking chances. Using someone would either give you a heart or a heartbreak