Will finish this soon. :)
New cover~! Hope you like it^^
----------------------------------------------------------------
"Rianna! Stop that~!"
"No, let's dance!" patuloy ang malakas na tugtog sa bar.
Pilit akong hinihila ni Jessa palabas pero hindi ako magpapaawat.
"Ano ba! It's not the time to get wasted! Wake up, Riri!"
"Noooooo!"
We were half way through the exit door nang bigla niya akong sampalin.
"Ang kulit mo bahala ka dyan!!" Sigaw niya sa akin at tuluyan nang lumabas.
Tuluyan na niya akong iniwan.
Mula sa binigay niyang sampal ay nagising ako sa katotohanan.
Hinabol ko siya.
Pinilit ko ang sarili ko.
Tumakbo ako palabas ng bar.. Pilit na inaaninag ang mukha niya.
Hindi ko siya makita pa.
"Rianna." Isang mababang boses ang narinig ko mula sa likuran ko.
Napalingon ako nang maaninag ko ang isang lalaking nakatayo, hindi ko nakikita ang mukha niya.
Mistulang lumalapit ang katawan nito sa akin.
At sa isang hakbang pa niya ay nakita ko na rin ang mukha nito.
Napaupo ako nang makita ko kung sino siya.
Iniisip kong isa lang itong panaginip.
Kailangan ko lang magising.
Rianna Ortiz, gumising ka!! Sabi ng isip ko habang nakatayo pa rin ito sa akin.
Hindi ako nagkakamali kung sino siya.
The guy was my worst nightmare.
"Miss me yet? My great step-daughter?" I lift my head to see his face again.
That creepy looking eerie smile makes me shiver.
Makes my heart beats like a racing horse.
"B-bakit ka nandito?"
"Ewan ko.. Baka hinahanap KITA!" Nagulat ako sa ginawa niyang paghila sa kamay ko.
He was still the same.
His fist were as strong as I knew, maybe like the last time I was punished by him.
"Bitawan mo ako!! Ano ba! Tigilan mo na ako!" Pagpupumiglas ko.
"HHAHAHA! NO, YOU MUST DIE FIRST, JUST LIKE HOW YOUR MOTHER DIED."
Pilit kong hinhila ang kamay ko sa kanya.
Pilit kong tinatanggal sa pagkakapit niya sa akin.
Pero isang ilaw ang nakita ko.
Isang malakas na busina ang narinig ko.
Isang malakas mula sa akin.
Nawala ang lahat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Jaiden's Point of View*
"Kuya Jaiden!!!" Pagkapasok ko pa lang ng gate ay narinig ko na ang pagsigaw ni Jaira.

BINABASA MO ANG
Rosehill
Fiksi Remaja© inkedcheeks // Completed // Making choices, taking chances. Using someone would either give you a heart or a heartbreak