Rose 18

29 1 0
                                    

"Kailangan mo ba talaga umalis?" Tanong ko sa kanya. Isang kaibigan ang mawawala.

"Kung pwede lang kita isama, sana pinagkasya na kita sa maleta ko." Pabiro nitong sabi sa akin.

"God Jess, I'll miss you and your mom-talking-mouth." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Para namang mamamatay na ako, girl~ Ano ka ba, babalikan kita." Sabi niya at kinuha ang mga bagahe nito.

"Totoo? Tatawag ka lagi." Iyon ang mga huling salitang binitawan ko sa kanya at nakasakay na siya ng eroplano.

"Bye Jessa." At naglakad na ako palabas ng airport at sumakay sa kotseng dala ko at nagpahatid kay Mang Arturo.

Biglaan ang pag-alis niya alam ko iyon.. Noong isang araw ng tinawagan niya ako at agad na pumunta ako sa bahay nila.. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya.

Gustong-gusto na niya puntahan si Wayne. Ang ex-boyfriend niya slash-boy-bestfriend. Yes, actually kilala ko silang dalawa, pero nauna si Wayne na makilala si Jessa. Hindi ko alam kay Jessa kung bakit binabalik-balikan niya pa rin si Wayne, maski na alam niyang sasaktan lang naman siya ulit nito. 

Jessa was very sure na mahal niya pa rin si Wayne kaya naman kaya nitong magpakatanga para sa kanya. Naiisip ko nga minsan na.. 'Hindi ba nagsasawa si Jess sa pananakit ni Wayne sa puso niya?' Pero siguro nga totoo ang kasabihan na kapag nagmahal ka, lahat ng bagay isusugal mo para rito.

"Ma'am, andito na po tayo." Ngumiti ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan.

Nasa OR Group Building ako ngayon and I'm on my way sa kwarto na opisina ko.

Papasok na sana ako ng may marinig akong pagsigaw ng isang lalaki na tila galit.

"Ano ba?" Lumapit ako sa.. Kwarto ni Jia?

Nasinagan ko ang mukha ng lalaki nang binuksan ko ng bahagya ang pinto nito. "Jaiden?" Mahinang tugon ko.

"Oo ginamit ko siya. Para saktan ka." sabi ni Jaiden nakatalikod ito sa akin at kausap si Jia.

"Naging masaya ka ba? Jaiden, hindi kita niloko. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa'yo." Sabi ni Jia.

"Ginawa? Hindi ko iyan kailangan. Ikaw ang may kailangan nito.. Pera, yan ang habol mo sa kanilang lahat. At ano, nasaan ka ng mga oras na nasa kulungan ako? P*cha naman Jia, narito ka at nilalandi mo ang tatay ni Rianna. Alam kong naging tanga ako Jia dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako naroon at wala ka man lang konsensya? Nawala ang lahat ng nasa akin, pati propesyon ko ay nawala ng dahil sa pagkabulag ng pagmamahal ko sa iyo. Ngayon sabihin mo, paano naging para sa akin ang mga bagay na ginawa mo?" Palaban na sabi ni Jaiden kay Jia.

"Sinakripisyo ko rin ang lahat, Jaiden. Nagawa ko siyang patayin para sa'yo. Nagawa kong patayin ang tatay ni Rianna, hindi nga lang gamit ang mga sarili kong kamay. Pero para makuha ko ang kompanya ay nagawa ko iyon. Sa tingin mo? Hindi pa ba iyon sapat?" Akmang kukunin ni Jia ang kamay nito ngunit agad itong nilayo ni Jaiden.

At sa pagkakarinig ko sa mga salitang iyon ay mistulang tumigil ng sandali ang utak ko sa pag-iisip. Totoo ba lahat ng sinabi niya? Siya? Siya ang gumawa noon?

"Huwag mo akong hawakan! Wala kang karapatan na lumapit sa akin. Sa ginawa mo ay wala na kayong pagkakaiba ng kapatid mo." Galit na sabi ni Jaiden.

Hindi ko alam pero biglang nanghina ang mga tuhod ko.Tuluyan nang naguluhan ang bukas na isip ko.

"Huwag mo akong ikukumpara sa walang hiya kong kapatid. Magkaiba kami ni Kuya Marco. Magkaiba kami dahil siya mismo, sa dalawa niyang kamay ay nagawa niyang pahirapan ang byuda na pinakasalan niya pati na rin ang anak nito. Ang babaeng anak nito na lagi niyang binubugbog..." Lalo nang tumulo ang luha ko. Base sa kwento niya at ang pangalan ng lalaki. Sa pamilyar na pangalan na iyon.

Marco Lee. Siya nga, ang step-father ko. Ang taong pinahirapan ako ng ilang taon. Ang dahilan sa pagtigil ko ng pag-aaral dati.

"At dinagdagan mo pa ang pasakit na iyan kay Rianna. Alam kong, alam mo na siya ang tintukoy na anak ng byuda. Nang inakala nilang byuda dahil hindi nila alam na buhay pa noon si Damian. Hindi mo iyon matatago sa akin." 

Ang mas nagpasakit pa sa nararamdaman ko ay ang malamang alam ni Jaiden ang lahat. Alam niya ang tungkol sa akin. Kilala niya si Marco Lee, ang sumira sa buhay namin ni Mama.

Paurong, humakbang ako ng paurong nang may tumunog na bagay mula sa likod ko.

Napatingin ako kayla Jia at nakita kong nakatingin na rin sila sa akin. Binuksan ni Jaiden ang pintuan...

Bunuksan niya ito at sapat na iyon para makita ang mukha ko.

"Rianna.."

RosehillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon