"Maria Sabrina! What the fuck you two doing here?!" Nakita ko ang galit na ekspresyon ni Kuya.
Hawak niya si Aubrey na lasing narin. Teka nasan si Fiona? Lumingon lingon pa ako
"K-kuya--"
"Go to my fucking car right now!"
"B-but--"
"No, but's!" Okay. Gewang gewang akong naglakad palabas. Inalalayan ako ni Keith. Pero gewang gewang parin kami kaya sa kabila ko naman umalalay si Kaiden. Ngayon ko lang napansin na wala si Pierce? Oh well. Patay ako kaya ayoko na mag isip pa.
Nakarating na kami sa kotse ni kuya. Binuksan niya yung back seat at duon kami pinaupo. Si Aubrey, Ako, At Kaiden. Nasa front seat naman si Kuya at Keith.
Nakayuko ako. Naantok na talaga ako. At hindi ko na kaya.
Naka tulog nalang ako.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong yumuyugyog sa ulo. Pagka dilat ng mata ko ay nalaman kong nakahilig pala ang ulo ko sa blikat ni Kaiden. Napaupo ako ng diretso at pinunasan ang konting laway sa gilid ng bibig ko.
"Gross" sabay irap sakin ni Kaiden. Aish
Bumaba na kaming lahat at kami ay umupo sa sofa. Si Aubrey ay hinatid na ni Kuya sa kwarto ko. Ako naman ay tinignan si Keith, Pierce, at Kaiden
"Tss" sabay irap niya sakin. Aish
Nakita ko namang bumalik na si Kuya kaya napayuko ulit ako. Patay!
Kaharap ko sa upuan si kuya. Nasa gilid niya si Keith at sa kabilang gilid naman niya ay si Kaiden. Nakatayo naman sa gilid namin si Manang Beth at Manong Bentong.
Uh-oh.
"So, tell me. What are you two doing there?"
"W-where?"
"At that damn bar of course"
Grabe, galit talaga si Kuya. Shiz! Nakakatakot!
"A-ano.. Nag ano lang kami. Nag p-punta" nauutal na sabi ko.
"Sabrina, alam mo naman maraming lalakeng pwedeng mag tangka sayo dun. Sa inyo. Lalo na mga babae kayo. Kung hindi ko pa nakita si Aubrey, malamang may ginawa ng masama yung kasayaw niya dun sa kanya"
Nanlaki yung mga mata ko.
"A-ano--"
"Oo, nasa may bandang dulo iyon. Mabuti nalang at malapit duon ang table namin"
"Atsaka, bakit kayo naglalasing dalawa? Lalo kana? Sinong nagsabing pinayagan kita mag punta ng bar at uminom? Kung may nagkamali manlang hawakan ka ng isa duon. God knows, baka mabugbog ko lang yun"
Nakayuko parin ako habang sini-sermonan ako ni Kuya.
"At muntikan ng mawala sa trabaho 'tong si Manang Beth at Manong Bentong ng dahil sa ginawa mo. Wag mo ng uulitin iyon. Hindi ko na'to babanggitin kay mom. Pero wag nang uulitin. Sige na, mag ayos ka muna sa kwarto at matulog na. May pag uusapan lang kami"
"S-sige kuya" tumayo nako. Pumunta ako kay Kuya at yumakap.
Bago ako umakyat ay nag sorry ako.
"Sorry ulit" sabi ko at nag bow. Umakyat nako.
Nag palit nako ng pantulog at inalis ko narin mga koloreta sa mukha ko. Bago natulog
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...