"Okay! Sa unang round para sa ating activity ay magpapaunahan kayong umikot. May isang taong nasa tubig bawat groups. Tapos kailangan niyong ikutan yung ka member niyo. Bawat isa sa inyo ay kailangan makagawa ng tatlong ikot. Okay go!"
Ayan ang unang activity na pinapagawa sa amin kaya ito na naman kami ngayon. Naka swimsuit na naman. Pinahiram na naman ako ni Fiona. Ngayon ay naka pink bikini ako. Pero nagpatong nako ng short na pink din.
Naglakad na si Kaiden para pumwesto sa tubig.
Lalangoy...
Malayo...
Malalim...
Kinalabit ko si Zion ngayon na naka beach short na kulay blue at naka sando lang. Kitang kita yung hubog ng katawan niya. Pati yung biceps niya nag h-hello! Megash! Fafa!
"Uy Zion"
"Bakit?"
"B-baka kasi ano eh. Baka hindi ako umabot dun kasi malalim. Sagipin mo ako ah"
"Haha hindi ka marunong lumangoy?"
"Wag na mang asar. Basta ah. Sagipin mo ako. Okay? Good" sabi ko at ngumiti.
Ngayon ay kakadating lang ni Zoey. Nakabikini din. Mas hot siya tignan. Pero okay lang. Mas maganda naman ako, belat!
"Hi, babe!" Sigaw ni Zoey kay Kaiden. Maraming napatingin sa kanila dahil sa pagtawag ng babe ni Zoey kay Kaiden. First time lang kasi ipagsigawan ni Zoey na pag mamay-ari niya si Kaiden. Pero kung makapag bakod kay Kaiden todo ano. Kumaway lang si Kaiden sa kanya at ngumiti.
Ang naunang lumangoy ay si Zoey. Magaling siya lumangoy kasi mabilis siya eh. Bawat ikot niya kay Kaiden ay hinahalikan niya ito. Sa unang ikot, humalik siya sa kaliwang pisngi ni Kaiden. Pangalawa sa kanan pisngi naman. At ang pang huling ikot naman ay sa labi. Yuck! Ang PDA naman ng mga hipon na yan! Itong si Kaiden naman hindi manlang umayaw.
Sarap lunurin ng dalawang 'to eh. Kaso wala akong pake kaya, sige push lang nila.
Ngayon ay ang turn ko na para lumangoy.
Nag dasal muna ako bago lumangoy. Malay ba nating last day ko na pala 'to.
Bago ako lumusong sa tubig ay tumingin muna ako kay Zion. At tumingin ulit kay Kaiden. Ang layo kasi eh. Parang hindi ko kaya--
"Ano ba, Sab! Why so slow, huh? Just finished that damn race!" Sigaw naman sakin ni Zoey. Tignan niyo oh! Diba siya yung nauuna? Pakisapak nga yang si Zoey :((
Tinandaan ko yung tinuro sakin ni Keith kanina. Kung pano mag palutang. Yung langoy ko. Ay langoy pang serena. Alam niyo yung langoy na yun? Kayang kaya ko yun haha!
Lumangoy nako ng 'langoy sirena' papunta kay Kaiden. Parang hindi nga ako umaandar eh. Habang nalangoy ako ay may naramdaman akong kumapit sa paa ko kaya napahinto ako sa paglangoy. Nalaman kong hindi ko na pala abot 'to. Pero pinilit ko parin kunin yung dumikit sa paa kong...
PAGONG?!?!??!
"Aaaaahh!!! May pagong!!!" Sigaw ko at binitawan na ang bagong at lumangoy papunta kay Kaiden. Malapit nako sa kanya pero lumulubog nako. Nag p-panic nako. Mabuti nalang at nilahad niya yung kamay niya at mabilis ko itong kinapitan. Napahawak ako sa balikat niya para kumapit at hindi malunod.
"W-wag mo a-akong bibitawan, kaiden" nanginginig na sambit ko sa kanya.
"Aaaaaahh!! Kaiden! Help meeeeee! Onygooooosh!" Narinig kong tili ni Zoey. Nagulat ako sa biglang pagbitaw sakin ni Kaiden at mabilis na pagsagip niya kay Zoey.
B-bakit Kaiden? B-bakit mo ako binitawan...
At unti-unti na akong lumubog at nawalan na ng malay.
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...