Chapter 19

1 0 0
                                    

Nandito na kami sa Manila ngayon. Hayy! Sobrang nakakapagod talaga.

"Princess, duon muna kami sa bahay mo ah, please?" Tanong ni Pierce.

"Oo naman! Atsaka okay lang kasi wala naman akong kasama dun"

"Teka! Sama din ako!" Bigla naman sumingit si Kaiden

"Oo ba. Basta magpaalam ka muna sa girlfriend mong hipon, haha!"

"Maria"

"Hahaha joke lang. Oo na. Magiging mag kaibigan din kami ni Zoey"

"So? Tara naaa!"

"Saan naman, aber?" Tanong ko kay Keith.

"Edi saan pa? Edi sa bahay mo. Tutal bakasyon na, ay a-araw arawin na namin ang pagbisita sayo duon!"

"Pagbisita o pagbulabog?" Singit naman ni Fiona, kaya nag tawanan kami. Baliw talaga hahahaha!

"Ito naman. Haha! Mabuti na din iyon para may kasama ka duon"

"Sus, eh kahit naman may pasok ay napunta pa rin kayo duon haha!"

__

Pagdating namin sa bahay ay naabutan naming may nagtatawanan? Sino kaya yun?

"Nanay Beeth--"

Pagpasok ko ay nakita ko si Nanay beth habang nagtatawanan sila ni Aubrey

"Aubreeeey! Kyaaaah! Buti naisipan mo pang dumalaw! Bakit ang tagal mong nawala?! Ang dami mo ng utang sakin ah!" Sabi ko habang yakap siya.

"Grabe ka, Sab! Eh samantalang kaka-kausap nga lang natin kagabe. Diba sabi ko sayo pupunta ako dito"

"Huh? Hindi ko matandaan?"

"Teka. Bakit hindi mo matandaan?Naglasing kaba? Bawal sayo malasing ah! Keith! Kaiden! Pierce! Nalasing ba'to?"

"Oo haha" sabi ni Pierce kaya nilakihan ko siya ng mata

"At alam mo ba, Autumn. Meron na siyang fir--" bigla ko naman sinungalngal kay Keith yung apple kaya hindi niya naituloy yung sasabihinnitang hindi na dapat sabihin.

"Diba gutom kana, Keith? Kumain ka pa ng marami niyan ah. Maraming marami"

"Aba. Nag lilihim kana pala sakin ah. At ano naman yun, aber? Sabihin mo na"

"Wala. Oy ano yun oh. Ang galing ng ilaw, may liwanag" sabay turo ko sa ilaw.

"Saan?" Lumingon naman si Keith kaya napalingon narin silang lahat sa tinuro ko.

At ako namanay tumakbo na papunta ng kwarto ko.

Jusme! Buti nalang!

Nagbihis muna ako ulit ng pajama at malaking t-shirt. Nag text ako kay Aubrey na nasa kwarto nako at mag papahinga na. Bago ako natulog.

Pagod na pagod ako sa lahat, pati sa biyahe. Gusto ko lang matulog buong araw.

Pabagsak akong dumapa sa kama. Tinodo ko din yung aircon para masarap matulog.

Naalala ko yung sinabi sakin ni Fiona dati. Na wag matutulog ng naka dapat. Dahil lalong na f-flat, kaya tumagilid nalang ako at niyakap si Baymax.

Kaya kayo mga guls. Alam niyo na ;)

_
Www

Nagising ako dahil nagising nako. Buong araw ata akong tulog. Ang haba kasi ng biyahe eh. Pag gising ko ay madaling araw na pala. Nag punta ako ng cr para tignan yung sarili ko sa salamin. Natutuwa ako kasi tuwing nag s-swimming kami ay pumupula yung dalawang pisngi at ilong ko. Ang cute! Hahaha!

Sinuot ko na ang tsinelas ko. Tumingin ako sa orasan para malaman kung anong oras na. Pagtingin ko ay 4:28 na pala. Kaya naisipan kong mag swimming nalang. Tutal palabas narin naman ang haring araw.

Nag palit na ako ng pang swimming. Pero nagpatong ako ng short.

Pag baba ko ay dumiretso na agad ako sa swimming pool. Siguro pangalawang beses ko pa lang mag swimming dito? Kasi nung una hindi pa ako marunong lumangoy. Pero ngayon ay jindi parin ako marunonf lumangoy, pero slight lang.

Nilublob ko muna yung isang paa ko sa pool. Ang lamig! Kaya tumayo ako at bumwelo.

Tumalon na ako sa pool.

"Laaaaaamig!!"

Abot ko pa naman yung pool dito. Kaya hindi ako malulunod nito. Sumisid na ako papuntang dulo.

Hindi pa ako umaangat kasi alam kong wala pa ako sa dulo. Pero sigurado malapit na ako. Dahil kanina pa ako langoy ng langoy. Mauubusan na ako sa paghinga at napapagod narin ang mga paa ko kaya umahon ako.

Ang galing!!

Hindi parin pala ako nakakaalis sa pwesto ko :)

Galing ko talaga. Galing. Ko. Talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon