GPIMF ❤️ - Chapter 16

32.7K 1.1K 99
                                    

Chapter 16

Camille's POV

University week ngayon sa school namin ngayon kaya walang klase. Panay booths, games ng varsities and kung ano ano pang pwedeng ika enjoy dito sa school.

It's been weeks since Raffy made me realize what I am feeling for Gerard.

Pero ganun parin kami, mas lalo naging close, we sometimes date, hold hands and make out.

Pero hanggang dun lang. Wala parin label, bukod sa pagiging mag fiancee namin, wala pa ring real status kung anong meron kaming dalawa sa isa't isa.

"Ready?" Napalingon naman ako kay Gerard na kakababa lang ng hagdan. Naka Navy blue ito na sweater.

Init init sa pilipinas naka sweater. Pero sya naman mapapawisan bat ba pati yon pinoproblema ko pa.

I nod at him at sabay kaming lumabas patungo sa sasakyan nya. Pinag buksan nya ko ng pinto tulad ng lagi nyang ginagawa bago pumunta sa pwesto nya upang mag drive.

It's one of his sweet gestures.

Mabilis lang ring kaming nakarating dahil malapit lang naman ang school sa bahay namin. Pag dating namin ng parking lot pagkaparada nya ay agad syang bumaba para alalayan at pag buksan ako ng pinto.

I smiled at him and said my thanks.

Sumalubong din naman ang K4 samin kasama si Raffy.

"Bitch!" Sigaw ng bestfriend ko. Sabay kaway habang papalapit sila.

I wave back at them and faced Gerard.

"Take care." Sabi nito sabay pat sa ulo ko.

"Ikaw din." Ngiti ko dito at umalis na sya patungo sa mga kaibigan nya.

"Hi Boys." Bati ko sa mga lalaki dahil binati nila ako.

"Ano na? Balita?" Tanong ni Raffy.

Agad naman akong umiling kay Raffy. Tinatanong ako nito kung ano na ba ang status namin ni Gerard.

Gusto ko man mag sabi ng magandang balita kay Raffy pero wala talaga. Hindi namin napag uusapan kung ano ba talaga kami.

Parang ineenjoy lang namin ngayon na masaya kaming dalawa.

Masaya na walang label.

Ayokong maunang umamin kay Gerard. Pano pag biglang ayaw nya pala ng may label? Pano pag ganto lang gusto nya? Siguro tatanggapin ko yun pero mas gusto kong ganito muna kami.

Nasa cafeteria kami dahil nagugutom si Karl at Kurt. Walang masyadong tao rito dahil karamihaj sa kanila ay nasa mga booths at stalls sa labas. Kundi naman ay nasa program sa bulwagan.

Nakapila ako sa may potato corner habang ang iba ay kung san gusto nilang pagkain naka pila.

"Ate!" Sigaw ng nasa likod ko. Medyo nagulat pa ako ng onti dahil sa biglang pag sulpit at lakas ng boses nito.

Nang nilingon ko ito ay may dalawang babae sa tabi ko, isang babae na maikli ang buhok habang ang isa naman ay naka pony tail.

"Ate sumama po kayo samin!" Malakas na sabi sakin nung babaeng maikli ang buhok.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko. Bat naman ako sasama sa kanila eh hindi ko naman sila kilala?

"Ate, please please tara na!" Makaawa nung babaeng naka pony tail.

"Ano bang kailangan nyo sakin? Hindi nyo ba kilala kinakausap nyo ha?" Medyo naiinis na sambit ko sa mga ito dahil hindi ko maintindihan ang kanilang gustong gawin.

Gangster Prince is my Fiancée?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon