Jho's POV
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Ilang oras narin akong nakahiga dito sa kama ko. Hindi ako nagugutom, ayokong bumangon. Ayokong malungkot, ayokong umiyak. Galing ako kina Bea kanina. Kuya nya yung humarap sakin. Kundi pako sumadya ngayon sa kanila, hindi ko malalaman. Hindi ko malalaman na sa pangalawang pagkakataon, sinuko nya ko. Binitawan. Iniwan.
FLASHBACK
"Oh Jho," Sabi ng kuya nya na parang nagulat ng makita ako.
"Hi kuya, may sakit po ba si Bea? hindi kasi cya nagtetext, tinatawagan ko pero unavailable eh. Andyan po ba cya?" Tanong ko.
"Uhm, Jho pasok ka muna." anyaya nya sakin.
"Upo ka," sabi uli ni kuya Loel pagpasok ng sala.
Umupo naman cya sya katapat na sofa.
"Wala kasi si Bea eh." Panimula nya.
"Ah, umalis po ba? Anong oras po kaya babalik?" Tanong ko.
"Jho, nasa france kasi si Bea. Umalis cya kahapon ng maaga." Pagpapatuloy nya.
"France? kelan daw po cya babalik?" nalungkot nako at gusto ko ng umalis pero ginusto ko paring magtanong.
"Wala kaming idea lahat actually, she setteled everything, nalaman nalang namin nung ready na lahat. She told dad na she needs to find herself for a while daw." dagdag pa nito.
Hindi ko na kaya, Hindi ko alam kung magagalit bako o iiyak, tumayo ako at nagpaalam..
---
Kaya eto ako ngayon, nakatingin sa ceiling. Nakatingin sa kawalan. Anong problema bei? Bakit? Bakit hindi ko alam?
Marami pang tanong yung umiikot sa utak ko, Ganun bako kadaling bitawan? Iwanan? Mahal nya ko, sabi nya. Mahal ko cya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang dali para sakanya na iwan ako. Na bitawan ako.
Magkasing sakit parin pala. Una, pangalawang beses, pareho lang..
FLASHBACK
"Jho," Sabi ni Bea
"Hmm?" Jho
"I'm sorry." Bea
"Bei, ano nanaman yan.?" Jho
"I realized, I can't do this, I'm so paranoid, what if this doesn't work out? Pano kung masaktan kita in the end? Pano yung friendship?" Bea
"Nasaktan mo nako, actually. Ngayon lang." Ngumiti ako at naglakad palayo.
"Sorry, Jho.. But believe me I love you this much." Bea
Tumigil ako saglit nilingon ko cya at sinabi
"Ganito rin kita kamahal Bei, kita nalang tayo uli. Ingat ka pauwi."
Tumalikod nako dahil naramdaman kong tutulo na yung luha ko.
----
Unang beses, kahit pilitin kong wag ipakitang nasaktan ako, minsan nahahalata nya parin. At alam ko, kapag napapansin nya, naguiguilty cya. Kaya sinagot ko si Marci. Para ipakita na ok lang ako. Pero hindi mo pala talaga kayang lokohin yung sarili mo. Hindi ko maiwasang ikumpara cya kay Bea sa lahat ng bagay.
Una, Pangalawa, Ilang beses pa Bea. Ilang beses mo kong bibitawan...
----
Bea's POV
I've been thinking too much. I need to go out and move forward.
So I'm here at park kellerman. A place for sports and recreation. Just because I need to see a lot of people.