Bea,
"Gusto kong malaman mong, wala akong ibang minahal at mamahalin kundi ikaw lang. Pero sana pagbigyan mo ako sa hiling kong hanapin muna ang sarili ko. Mahal, marami nang nangyari, at hindi kayang isalba ng pagmamahal natin ang lahat. Maraming nasaktan, maraming naapektuhan. Tao lang tayo, lahat tayo may pangit na nakaraang pinaggalingan, pero pinili parin nating magmahal sa kabila ng lahat ng ito.
Marami akong natutunan mula nung araw na inamin ko sa sarili kong mahal kita. Natutunan kong mahalin lahat ng bagay na mahal mo.. naging parte ng pagkatao ko ang lahat ng tao sa paligid mo. Pero hindi iikot ang mundo dahil lang sa mahal mo ko at mahal kita.. Mahal, sa sandaling paglayo ko, gusto kong malaman mong hindi ito pag-iwan sa iyo. Sadyang maraming sugat lang ang kailangang paghilumin na tanging panahon lang ang makapagpapagaling.
Sa dulo ng mundo, sa lugar kung saan hindi tumitigil ang pagmamahal, kung saan nag-umpisa at magtatapos ang lahat, doon mo ako makikita. Sa lahat ng una at huli, sa lahat ng masaya at malungkot, doon mo ako mahahanap.
Siguro sa susunod na buhay, sa ibang mundo, o sa ibang pagkakataon, mas magiging madali nang sabihing akin ka, at iyo ako. Walang maraming tanong, walang maraming gulo, Ikaw at ako lang sa harap ng buong mundo. Pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa kayang ibigay ang buong ako sa'yo dahil kailangan ko pang buuin ang sarili ko para naman sa susunod na makita mo ako, walang pag aalinlangan kong maiaabot sa'yo at ipapatago ang puso ko.. kaya naman, antayin mo ako, ibigay mo sakin ang lahat ng panahon na kailangan ko at tsaka mo ako hanapin, at balikan."
I was smiling while folding the letter, It's been a year and it's been the greatest year of my life.. Mom and Dad bought a new house and we are now living together. Mom, Dad, Kuya Loel, Marci and me. It's been the greatest feeling knowing that everything's fine between Marci and kuya. Cole's gonna be here too later on for Dad's birthday celebration. He's also a part of the family. so can you imagine me, having 3 brothers? I mean 3 bully brother's..
knock..
knock..Bea - "come in."
The door opened and it's Marci he saw the book at the table.
Marci - "Reading the letter again?"
Bea - "Yeah.."
Marci - "It's been a year.. ate, hanapin mo cya.."
I looked at him..
Marci - "For god's sake ate, stop thinking about me. You've been the best ate in the world..It was my fault for not seeing it.. Don't feel so torn please?"
Bea - "I don't know where to start.."
Marci pointed his finger on my heart.
Marci - "You know you can always start here..You can always find her here.."
I smiled and he stood up to leave, He looked back and said.
"Panahon na ate para ikaw naman yung maging masaya, isang taon na oh, pero yung tawa mong walang lungkot sa mata, hindi ko pa ulit nakikita..so pls? Find her.."
_______
Jho's POV
Isang taon, ambilis rin ng takbo ng oras.. mula nung araw na nagdesisyon akong hanapin ang sarili ko. At ngayon, wala akong pinagsisihan.. nahanap at nabuo ko ang sarili ko sa pagbalik sa lugar kung saan ako lumaki. Araw araw akong nandito sa bahay ampunan. Naririnig ang mga tawa ng bawat batang nakikita kong naglalaro. Marami ng nagbago, maraming bagong mukha bagong pangalan, mga bagong tao. Lahat ata bago pwera sa nararamdaman ko.