4 THE MERITXELL ORPHANAGE MARIKINA

11.8K 225 1
                                    

Jho's POV

FLASHBACK

Maaga kaming gumising ngayong araw kasi sabi ni sister dadating daw ang mga De Leon.

Matagal narin silang nagpupunta dito, naging malaking parte na ata sila ng bahay ampunan na to. Mula bata ako nakikita ko na sila na pumupunta dito para magbigay ng mga bagay na makakapag pasaya sa mga batang katulad ko dito.

Pero sabi ni sister, Iba daw ang araw nato sa lahat. Kasama daw kasi nila Mr. and Mrs. De leon yung bunsong anak nila.

"Mabait din kaya cya tulad ng mommy and daddy nya?" sa isip isip ko.

Grabe yung paghahandang ginawa nila sister ngayong araw. Balita ko kasi pipili daw ng isang batang paaaralin ang mga De Leon. Hindi ko maiwasang malungkot sa naisip ko. Kasi sa dinami dami ng bata dito, Imposibleng mapili ako. Parang pagkapanalo sa lotto.

Nakita kong dumating na ang sasakyan nila. Habang nag-aantay kami sa salita ni sister para lumabas at batiin sila, sumilip ako sa bintana.

Nakita ko si Mr. and Mrs. De Leon.

Tulad ng dati, kitang kita yung ekspresyon sa mukha ng mag-asawa na masaya sila. Hindi parin talaga nagbabago si Mrs. De Leon, maganda parin cya, simple katulad nuon mga huling taon na nagpupunta cya dito.

Nahagip naman ng mata ko ang isang bata, mukhang ka edad ko cya. Malamang ito yung bunsong anak nila.

Bata palang alam mong malaking bulas cya. Kung sakaling magka edad man kami, matangkad cya kumpara sakin.

Dito kasi sa bahay ampunan, ako na ata ang tinuturing nilang ate.. Hindi ko alam pero hiniling ko na sana magkaedad kami.

"Oh mga bata pwede na kayong lumabas, andyan na ang mga bisita." sabi ni sister Jane

Nakitulong naman ako sa paggabay sa mga bata palabas ng bigla akong tawagin ni Sister Remy.

"Jho, iha halika muna sandali," sabi nya

Lumapit naman ako agad.

"Bakit po sister?" Tanong ko.

"Baka pwede ka munang pumunta sa kusina sandali at tulungan ang iba pa sa mga ihahanda sa bisita natin." sabi nya.

"Sige po sister." mabilis kong tugon.

Naglakad naman ako papuntang kusina.

Over and Over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon