15

6.7K 129 7
                                    

Jho's POV

Habang nasa daan kami papunta sa bahay nila sa tagaytay, napansin kong pamilyar lahat ng bagay, daan, lugar.

O baka naman ksi hindi ko parin cya maalis sa isip ko kaya akala ko pamilyar lang.

Hinawakan ni Marci yung kamay ko.

"Hey, ok ka lang? You seemed nervous, Kalma ka lang. magiging maayos to lahat."
Sabi ni Marci.

Ngumiti ako para ipakita ang pag-sang ayon ko sa sinabi nya.

Halos oras din ang inabot namin sa byahe, bago nya sinabing malapit na kami.

Habang papalapit kami sa sinasabi nya, mas lalo kong gustong sabihin na pamilyar yung lugar. Pero sinarili ko nalang. Inisip kong malamang pamilyar kasi tagaytay naman to.

---

"Were here."

Sabi ni Marci sakin sabay baba nya ng kotse para pagbukasan ako ng pinto.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung nananaginip bako o namamalikmata. Yung bahay na nasa harap ko ngayon, Hindi ako pwedeng magkamali.

"Hey? Babe? Lika na."

Sabi ni Marci, saglit narin pala cyang naghihintay sa pagbaba ko.

Bumaba ako, pero iniwasan kong hawakan ng matagal yung kamay ni Marci para hindi nya malaman na kinakabahan ako sa lahat ng nakikita ko ngayon.

At lalo sa mga sumunod na nakita ko.

"Dad! Tita! were here!"

Nakita ko kung paanong gustong magtanong ng mga mata nila pero pinigilan ito.

"Dad, Tita, I want you to meet Jho, my fiance."

Simula ni Marci

"Babe, this is my dad and his wife, the beautiful tita Det."

"G..good evening po." Casual na bati ko.

"Goo.. good evening Iha, It's nice to finally meet you. Marci halika na pasok kayo at lalamig ang pagkain."

Sabi ng Daddy ni Marci.

Nakita ko namang nakatingin sakin si tita na parang gusto akong tanungin pero sa halip ngumiti nalang cya at sinabayan ako sa pagpasok ng bahay.

Ramdam ko ang tensyon sa bahay.

Lahat alam kong maraming gustong tanungin pero walang may lakas ng loob para magsimula. Lahat parang natatakot magsalita.

"Hey, guys you ok? Let's eat na.. The foods are getting cold."

Nagsalita si Marci.

"Ah, oo nga halika kumain na tayo. Jho, wag kang mahiya, feel at home iha."

Sinundan naman ito ng Daddy nya.

"Here, try this ako mismo nagluto nyan. wag kag mahiya ha, kain lang ng kain."

Sabi naman ni tita Det.

Bumalik ang katahimikan habang kumakain kami ng biglang magtanong ang daddy ni Marci.

"So kaylan ang kasal?"

"oh, dad, about that. We wanna take things slow, hindi naman porket engaged na kami we have to rush things dba? After all, secured na cya sakin." Tinignan ako ni Marci sabay kindat.

Tumayo naman si tita.

"I'll go get the chocolate cake first for dessert. I'll be back." Sabi nya pagkatapos tumayo dumiretso na sa kusina.

Over and Over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon