{a/n: actually guys, to'ng part na 'to ay hindi dapat kasali sa story pero napag isip isip ko na malaking twist din to kaya sinali ko na ;)}
~~~ooo~~~
(at pinagdrive nga ni elmo si Julie at pia, malapit na sana sila sa bahay nila Julie ng biglang may tumawid na bata at muntik na itong masagasaan.....)
Mrs. P.: oh my God, moe! Ano ba’ng nangyayari sayo?
Elmo: ay sorry, ma.
(bumaba agad sya para tignan ang bata, ‘di nya maaninag ang mukha nito dahil madilim na.)
Elmo: (nagaalala) okay ka lang? (tinayo nya ang bata)
(sa totoo lang, ang ganda ng bata na inaalalayan ni elmo ngayon, mukhang mayaman ito dahil naka bihis ito ng maayos, tapos maputi ito at may dala pa’ng maliit na bag. The girl is around 2-3 years old kaya nagaalala si elmo dahil hindi ito nagsasalita tapos baka may masakit na pala sa katawan nito. Dahil di na rin naka tiis si Julie, bumaba ito ng sasakyan at tinignan ang dalawa)
Julie: is she hurt, moe?
Elmo: i don’t know. She’s not talking but her eyes is open.
Julie: baka naman na –shock.
Elmo: wait lang jules, mabuti pa, pumunta muna kayo sa condo ko ihahatid ko lang muna si mom. Alam mo naman kung saan yung condo ko diba? Mag taxi ka nalang.
Julie: ok. (kinarga ang bata at nagsimula ng maglakad sa terminal ng taxi)
(pinaliwanag naman ni elmo sa ina nya ang plano nila ni Julie, sumang ayon nalang ito at nagpa hatid na sa kanilang bahay.)
**Elmo’s Condo:
(nandito na silang tatlo sa kwarto ni elmo, si Julie, pinupunasan nya ang katawan ng batang ito habang naka tingin lang si elmo sa dalawa)
Elmo: ano’ng gagawin natin sa kanya? gusto mo tumawag na ako ng pulis?
Bata: (umiling at napayakap kay Julie) mommy...
Julie: (nagulat) ah.. eh.. teka lang, hindi ako ang mommy mo. (pinipilit nyang tanggalin ang kamay nito ngunit mahigpit ang kapit ng bata)
Bata: Mommy Julie!
Julie: hah? Pa’no mo ko nakilala?! (gulat na gulat)
Bata: (pumunta kay elmo at niyakap rin ito) Daddy Elmo!
(at sabay na napanganga si Julie at elmo sa pinagsasasabi ng batang ito.)
**Kinabukasan
Julie: (pumunta sa kwarto ni elmo, nakita nyang naka yakap si elmo sa bata at yung bata naman nakayakap din kay elmo kaya ‘di nya mapigilang hindi matawa) mukha silang mag ama! Hahaha! Magising na nga ‘to. (ginising si elmo) elmo! Moe! Moemoe! (‘di pa rin magising) Daddy Elmo!
