4th Note:
Tired? Nyahaha. Malapit na :*
(yun lang ang nakalagay dun kaya ‘di nya alam kung saan sya next pupunta, sinubukan nyang magtanong sa mga crew pero ‘di na siya nito pinansin at bumalik sa kanya kanyang Gawain)
Julie: the hell! Iissshh! (tapos may nakita syang ikinagulat nya ng sobra)
~~~ooo~~~
(elmo’s waiting here sa floating cottage, lahat na naka order, si Julie nalang ang kulang.. ng biglang may jet ski na bumangga sa floating cottage kaya nawala sa order yung mga designs and foods, maging sya ay natumba rin.)
Elmo: ano ba!? (nagsilaglagan ang mga pagkain ang designs para sa date nila ni Julie)
Guy (yung nakasakay sa Jet Ski): pasensya na, napag utusan lang! (tapos sumampa sya sa floating cottage at sinimulang bugbugin si elmo.)
Julie: ELMO!!! (sinubukan nyang manghingi ng tulong pero wala) Sh*t!
(tinanggal na nya ang heels nya at naisip nalang na lumangoy, marunong naman syang lumangoy kahit papano ng makalapit na siya sa floating cottage ay agad rin syang sumampa don, ngayon, dalawa na sila ni elmo na lumalaban dun sa guy)
Guy: (di sinasadyang malakasan ang sipa kay elmo kaya napa upo ito at nawalan ng malay)
Julie: what the hell!!!??? (pinagsususuntok ang guy tapos pinagsisisipa pa) ‘di mo kilala kung sino ‘yung binabangga mo ha! (sipa sa *toot* nung guy) get a life! (tapos tinulak na sa may dagat)
Julie: elmo! Elmo! (tinapik ang mukha ni elmo) ano nanaman ba kasing pakulo ang ginawa mo! Tsk! Sa susunod ‘wag ka ng uulit ha! Palaging epic fail eh! (ginigising si elmo) moe, ‘wag naman ganyan!
(and yeah, epic fail ang nangyari sa plano nilang dalawa ni mhiel. Si julie pa tuloy ang lumabas na nagtanggol sa kanya imbis na siya ang magtanggol kay julie para makadagdag naman ng pogi points kaya lang shunga rin ‘yung lalaking napagutusan nya. Ngayon, nasa condo na sila, si julie, nilalagyan ng cold compress ang pasa ni elmo sa pisngi at sa gilid ng labi.)
Julie: ayan! Ang dami mo’ng pasa!
Elmo: eh yung malaki dyan, galing naman sa’yo eh.
Julie: okay! Pero nadagdagan pa!
Elmo: sorry na.
Julie: sa susunod, ‘wag na ‘wag ka ng gagawa ng mga pakulo ha? Pinapahamak mo lang yung sarili mo eh!
