Chapter 4: "Friend Kuno"

3.5K 39 4
                                    

Chapter 4: "Friend Kuno"

Sa condo muna ni Elmo dinala si Julie, naisip niya kasi na baka wala pa sa mood umuwi si Julie, hindi naman ito umangal kahit papaano. Katunayan nga hindi ito nagsasalita at panay lang ang hikbi sa loob ng kotse ni Elmo.

Elmo: (Hawak ang isang basong tubig) Jules, inom ka muna ng water. Kanina ka pa iyak nang iyak. Baka ma-dehydrate ka na niyan.

Julie: (Kinuha ang baso ng tubig at ininom)

Tumabi si Elmo kay Julie sa couch. Inihilig niya ang ulo ni Julie sa balikat niya at sinuklay-suklay ang buhok nito gamit ang daliri niya.

Elmo: Julie, kung may problema ka, nandito lang ako. Puwede mong sabihin sa akin. I can be your friend. (Weak smile)

Julie: I don't know, Moe. Galit ako sa lahat ng lalaki. Except sa Kuya ko. Alam mo ba kung bakit ang war freak ko pag dating sa iyo? Kasi ang totoo niyan, natatakot lang ako sa iyo.

Elmo: Ano naman ang kinatatakutan mo sa akin? (Nagsalubong ang kilay)

Julie: I... I can't tell you for now. Pero soon, I guess. Kapag kaya ko na?

Napabuntong hininga na lang si Elmo at tumingin sa malayo habang nagi-isip nang malalim.

Elmo's Mind: Sana malaman ko ang totoong nangyayari sa iyo. At kung bakit galit ka sa mga lalaki. Kasi sa totoo lang, Julie, gustong gusto kitang protektahan.

*** *** ***

Julie woke up in an unfamiliar place, inilibot niya ang tingin niya pero wala talaga siyang maalala na may alam siyang lugar na ganito ang itsura. Hindi naman ito kwarto ni Sarah o ng kuya niya na si Sam. Lahat ng sulok ng kwartong iyon ay kulay blue at medyo creepy ang designs/displays kaya natakot siya. Tumunog iyong zombie clock. Doon na tuluyang naiyak si Julie kasi kamay ng zombie ang lumabas doon sa alarm clock tapos nag mo-moan pa iyong zombie clock.

Julie: AHHHH!

Biglang pumasok si Elmo sa kwarto niya dahil sa takot na baka may nangyaring masama kay Julie.

Elmo: (Nataranta) Wa—wait! What happened? May magnanakaw ba? Sunog?! (Tapos napansin ni Elmo iyong zombie clock niya tapos umiiyak si Julie)

Julie: (Tumayo at yumakap kay Elmo)

Yumakap pabalik si Elmo at pinakapit nya si Julie sa bewang niya at lumapit siya sa zombie clock niya at pinatay ito.

Elmo: Wala na, Julie.

Pinaupo niya sa kama si Julie habang siya nakatayo sa harap nito at nakayakap pa rin si Julie sa bewang niya.

Julie: Nakakainis ka, Elmo!

Elmo: (Natawa nalang)

Julie: Bakit ba ako nandito?

Elmo: Eh nakatulog ka na sa balikat ko kaya dinala kita sa kwarto ko tapos kinumutan kita tapos lumabas na ko tapos sa sofa ako natulog. (Pout) Wala nga akong electric fan eh!

Julie: Gaga! Fully air-coned naman itong condo mo eh!

Elmo: But still. Tss!

Julie: Anong 'tss'? Tss. Hatid mo naman ako sa amin, please.

Elmo: Gusto mo na ba talagang umuwi? Baka naman mamaya may mangyari na naman sa iyo ah.

Julie: Hindi iyan. Ayos na ako.

Elmo: Sige, sabi mo eh.

Habang nasa kotse sila ni Elmo, walang ibang ginawa si Elmo kung hindi asarin nang asarin si Julie. Kesyo daw may panis na laway ito, kesyo daw hinalikan pa siya ni Julie bago ito makatulog... Hanggang sa hindi na nakayanan ni Julie ang panga-asar ni Elmo.

Best FrieNeVers (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon