Chapter 5: "Accident"

3.5K 42 2
                                        

Chapter 5: "Accident"

Julie: (Poker face)

Nanonood sila ng 'Conjuring'. Halos lahat ng classmate niya ay mamatay-matay na sa takot pero hindi man lang nag re-react si Julie. Hindi nga rin siya nagugulat kapag may nakakatakot na lumalabas sa screen.

Maqui: (Katabi niya si Julie) Girl, grabe ka naman. Pinaglihi ka ba sa horror? Dapat ikaw iyong matakot, pero sa itsura mo pa lang ikaw na iyong nakakatakot eh.

Julie: (Tinignan nang matalim si Maqui)

Maqui: (Napa-usog ng upuan malayo nang kaunti kay Julie dahil sa takot)

Badtrip si Julie ngayon. Wala pa kasing 'Elmo Magalona' na nanga-asar sa kaniya ngayon. Ang sabi ng professor niya ay hindi daw ito papasok dahil may sakit. Hindi naman naniniwala si Julie doon. Iniisip niyang tinatamad lang ito.

Julie's Mind: Iyon magkakasakit?! Eh ang lusog-lusog na non. Hay, nasaan ka na ba kasi?

Students (except for Julie): AAAAHHHHH!

Akala naman ni Julie kung anong nakakatakot ang lumabas sa screen kaya nagulat rin siya. Ayon pala may isang lalaking pumasok sa room nila, gulo gulo ang buhok nito. Umarko ang isa niyang kilay. Hindi ito naka-uniform. Umarko naman ang kabilang kilay ng dalaga. Wala rin itong dalang gamit. Marahas na pinikit ni Julie ang mga mata niya. Hirap na hirap nang magtimpi si Julie. Sobrang asar siya kay Elmo. Hinayaan niyang maka-upo si Elmo sa tabi niya.

Elmo: (Wide smile) Hi Julie! (Napansin na nakasimangot ito) Smile ka nga!

Maqui: (Sumingit) Kaunti lang! (With hand gestures)

Julie: (Hindi namansin)

Elmo: (Kamot sa batok) Galit ka?

Julie: (Roll eyes)

Elmo's Mind: Waah! Ano na naman bang nagawa ko?!

Natapos ang movie time nila nang hindi pinapansin ni Julie si Elmo. Sobrang nainis siya dito dahil hindi siya nito inalo. Ine-expect niya kasi na aamuhin siya ni Elmo pero hindi pala. Nakipag-usap na lang ito sa ibang babae.

Julie's Mind: Kainis! Bakit hindi ko pa kasi siya pinansin kanina! Tapos ngayon makikipag-usap siya sa ibang babae! Ewan ko sa kaniya! Asar!

Nang hindi na nakaya ni Julie ang inggit sa mga babaeng kausap ni Emo ay tumayo na siya sa kinauupuan niya at nagpunta na lang muna sa building ng classroom ni Bea. Alam niyang galit pa rin ito sa kaniya dahil sa nangyari last time pero she's sure na baka magkabati na sila ngayon.

Julie: (Nakita si Bea na palabas ng room nila) Bea!

Hindi naman siya nabigo dahil lumingon ito sa kaniya while wearing a big and wide smile.

Bea: (Todo kaway) Julie!!!

Julie: (Natawa na lang sa pinsan niya at lumapit dito) Bey! (Yumakap at nagbeso sa pinsan) I missed you!

Bea: Gaga ka kasi eh!

Julie: (Kumalas) Ako pa ngayon? (Natawa) Tama na nga iyan. Punta muna tayo sa Mini Stop. Magpapalamig lang ako ng ulo.

Bea: Why? What happened?

Julie: The Muppet happened!

Nagpunta sila ng Mini Stop at bumili ng ice cream si Julie while Mogu-mogu naman ang binili ni Bea. Ngayon naka-upo na sila sa table ng Mini Stop kung saan pwede kumain, naguusap rin sila tungkol sa nangyari kanina.

Julie: Hindi ba? Ang bipolar nya. Asar! (Hinigpitan ang hawak sa ice cream)

Bea: (Natawa) Ewan ko sa iyo! Ikaw kaya yung bipolar! Hindi mo pinansin tapos maghahabol habol ka.

Best FrieNeVers (JuliElmo)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon