7

21.7K 282 8
                                    


Sleep Over: Part 2

****

  Habang hinihintay kong matapos sa cr si ma'am eh, bumaba muna ako sa kusina. May mini fridge ako sa room, kaya pwede kong iligay don yung mga pwede naming kainin mamaya.

Naghanda ako ng banana split, mura lang 'to hahahaha. Buti at nagdala si ma'am ng prutas. At sakto at may banana.

Kumuha ako ng dalawang banana at dalawang sachet ng milo. Yap, milo lang sapat na, hahahaha. Kumuha rin ako ng asukal. Sinimulan ko ng baltan yung saging.

"Anong ginagawa mo?" Ganun na lang ang gulat ko ng biglang magsalita si ma'am sa gilid ko. Muntikan pa kong makapagmura. Ano ba naman 'tong si ma'am, nanggugulat na lang bigla!

Wala ng tao sa baba, mukha nasa kani-kanila ng kwarto.

"Banana split." Sabi ko tas binuksan yung milo at binuhos sa banana sabay lagay ng sugar.

"Pwede mo po ba kong tulungan ma'am?" Sabi ko.

"Sure ano ba yun?"

"Dalhin natin po natin mga yan sa kwarto." Tukoy ko sa mga junk foods, sandwich at dalawang baso.

"Sure." Tinulungan naman ako ni ma'am na iaakyat yun sa kwarto ko. Niligay ko lahat sa mini fridge ko yung mga pagkain.

Bumalot sa buong kwarto ang katahimikan. Eh. Ang awkeard tuloy. Paano ba mag-approach?

"Wyne?" Napa-tingin ako kay ma'am.

"Po?"

"Pwede bang humingi ng favor sayo?"

"Hmm. Sige ano po ba yun? Basta yung kaya ko lang po huh!" Aba kung pera ang hihingin niya wala ako nun!

"Can you stop calling me 'ma'am', pag tayo na lang dalawa? At wag ka ns ring mang-'opo.'"

"Pero bakit po ma'am?"

"I already told you. Don't call me 'ma'am'." Sabi nito.

"S-sorry di lang kasi ako sanay."

"Masasanay ka din." Bat ba gusto niyang ganun ko lang siyang tawagin?

After nun wala na naman kaming ma-topic.

"Let's sleep. May pasok ka pa bukas." Tumango lang ako at humiga na, at dun ko lang na/realixe na tabi kami at hati lang kami sa iisang kumot!

Nakatingala lang ako sa kisame, di ako makatulog! Para bang kiti-kiti tuloy ako dito sa kama eh. Kinuha ko na lang yung phone ko at naglaro na lang ng color switch.

"Wow." Napatingin ako kay Jaxx.

"Astig naman nan, turuan mo naman ako." Jusko, akala ko kung ano na. So, yun tinuruan ko siya at laking pasalamat ko sa color switch at nawala na yung ilang sa pagitan namin. Binuhay ko yung tv after naming maglaro. Nilabas ko na rin yung banana split.

"Matagal ka na bang nagawa nito? Sino nagturo sayo?"

"Yan? Ako lang naka-diskubre nan. Gutom na kase ako nun eh, saging at milo lang laman ng ref. Kaya yun nag experiment ako."

"Alam mo pwede kang pumasok sa baking class."

"Nako, gastos lang yan. Pwede naman akong manood sa youtube tas gagayahin ko."

"Matalino ka talaga."

"Syempre ako pa!" Ppoud kong sabi. Afte naming kumain eh, nilabss ko yung tunduay ice. Yun pa lang kase ang pwedeng inumin kong alcohol drinks sa bahay eh.

"Cheers." Sabi ko.

"Tunduay ice huh? Pero pag nasa labas jack daniels at lambanog ang inuupakan." Napatawa tuloy ako. Grabe nga ako mag-inom pag nasa labas. Nagagawa ko lang naman yun kasi gusto kong takbuhan mga problema ko.

"Tell me about you Wyne." Biglang sabi ni Jaxx.

"Huh? Ano namang iku-kwento ko sayo?"

"Hmm.. i don't know? Ikwento mo na lang kung paano kayo naging magkaibigan ni Sha. You two seems so close."

"Ah, oo naman. Elementary pa lang kami, magkasama na kami. Halos di na nga kami mapagkahiwalay eh."

"May boyfeiend na ba si Sha?" Napaisip ako.

"Wala, puroc rush lang po kasi yung isang yun. Di pa daw po siya ready na pumasok sa isang seryosong relasyon."

Biglang nagbago ang ekspersyon ni Jaxx.

"Anyare sayo?" Tanong ko.

"Sa tagal nyo ng magkasama, nakikita mo ba siyang nakatulala sayo?" Tumango ako. Lagi ko ngang naabutang naka-tingin saakin si Sha eh.

"Bakit amo bang meron?" Tanong ko.

"Nothing. Let's sleep. It's alredy 11:33 pm. WE should sleep now." TumAngo ako taS nagtoothbrush ulit, may dala namang toithbrush si Jax kaya di na ko naglabas ulit ng bago.

Nakahiga kami ng biglang nagsalita si Jaxx.

"What if may gusto sayo si Sha?"

"WHAT?! SI SHA?!" Humgalpak ako ng tawa.

"Shhh... what if nga lang eh."

"Impossble yun. Babaeng babae si Sha no!"

"I said what if."

Napaisip ako. "I dont know."

"Iiwasan mo ba siya?"

"Di ko alam." Sabi ko, naguguluhan na ko.

"Okay. Let's sleep." Tumagilid na saakin si Jaxx. Tumagilid na lang din ako. Ang gulo rin niting kausap eh!

------
Comment. Vote. Fan.
Add me on facebook - Audrey Medel
-gyumybby

My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon