What?!
****
Buong oriention time eh, nakayuko lang ako. Gusto kong umiwas sa mga tanong niya.
Kaso sadyang malas talaga ako dahil nung uwian na eh, hinarang niya ako palabas. Hays.
"Tabi.." Sabi ko habang nakayuko, dahil hanggang ngayon pinagdadasal ko pa din na huwg niya akong mamukhaan kaso alam kong imposible yun pero malay nyo naman diba?
"Let's talk, madami kang sasabihin saakin."
"Sino ka ba para pagsabihan ko? Alis! Uuwi na ko."
"Uuwi? Balita ko naglayas ka daw sainyo. Alam mo bang nag-aalala na mga magulang mo sayo?"
Biglang bumilis tibok ng puso ko. Nag-aalala na sila saakin. Paano na?
"K-kamusta na sila?"
"Hay.. Ayun parang tangang naghahanap sa taong nagtatago!"
Lalo akong napayuko. I feel guilty.
"Now tell me. Bakit ka naglayas?" Umupo ako sa isang desk. Hinarap ko siya. Kilala ko si Dave, kahit manloloko yan eh mapagkakatiwalaan pa din naman yan.
"May ka live in na ko."
"What?!"
"Shut up. Ako muna okay?" Tumango naman 'to. Umubo ubo pa ko bago magsalita.
"Kilala mo si Ms. Emmanuel? Siya. Siya ang ka-live in ko."
"P*tangina! Ano?!" Nasapo ko na lang ang noo ko. I know, ganan ang ire-react niya.
"I said shut up diba?"
"Pero paano?"
"Basta long story, so yun na nga siya ang ka-live in ko. Nilayo nya muna ko kasi di ko na kaya ang mga problema ko. Una, ikaw. Sunod si kuya at ngayon ang bestfriend ko naman."
"Alam mo naguguluhan na ko."
"Ako din naman eh! So please stop questioning me okay?!"
"Hay okay. So, saan ka nakatira?"
"Bakit gusto mong malaman? Sasabihin mo sa parents ko?" Tumayo na ko.
"No. Gusto kong makausap si Miss Emmanuek na yan."
"For what?"
"Basta.." Nasa pinto na ko bago ko siya sinagot.
"Kung saan ka nakatira. Magkacondo lang tayo." Pagkatapos nun eh, naglakad na ko papalayo. Binilisan ko na ang lakad ko. Naghihintay na rin kasi si Jaxx sa may gate at di niya pwedeng makita si Dave.
Maaga siyang umuwi ngayon dahil gaganaping contest sa dati kong school. I miss my friend in there. Hays.
Nakita ko na ang kotse ni Jaxx kaya dali dali akong sumakay.
"Bat mukgang nagmamadali ka?"
"Wala. Namiss lang kita." Palusot ko. Ngayong alam na ni Dave kung saan ako nakatira eh, baka puntahan niya ko.
"Sus ikaw talaga. Let's go to mall? Kain muna tayo." Tumango lang ako. Bago umandar ang kotse eh nakita ko si Dave sa may side mirror. Mukhang alam na niyang kay Jaxx 'tong kotse.
After naming kumain h, umuwi agad kami. Dapat talaga manonood pa kami ng sine eh, kaso wala nga ako sa mood kaya umuwi na lang kami. Alam kong ramdam yun ni Jaxx kaya pumayag na siyang umuwi na lang kami.
Pagdating sa unit namin eh, humiga na agad ako. Pipikit na sana ako to take a nap kaso biglang nagbeep ang phone ko.
09**********: Let's meet tom. After school. In Creek Cafe. ~Dave
Napabangon ako sa nabasa ko. WHAT?!
Akala ko matatahimik na ang buhay ko pero hindi pa pala!
------
Thank you!
-gyumybby
![](https://img.wattpad.com/cover/65723732-288-k740567.jpg)
BINABASA MO ANG
My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQ
RomanceGagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na alam nyo ng GirlxGirl to at kung ayaw nyo sa ganun pwede nyo na tong iremove sa library nyo. Thank...