First Day
****
Kahit ayaw ko pang bumangon eh, bumangon na ko mapilit kasi 'tong si Jaxx eh.
Di daw niya ko papansinin pag di ako gumising. Kainis naman eh, ganda ganda pa naman ng tulog ko oh!
"C'mon Wyne! Mala-late tayo nan eh!" Sabi nito habang inaayos ang lamesa. Walang gana akong umupo. I want to sleep! Ugh!
Nabigla ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Do this for me, for us. You need to study, para maipakita mo sa parents mo na kahit may girlfriend ka eh, di mo pa rin napapabayaan ang pag-aaral mo."
"Sorry My loves..." Nakakahiya ako, grabe.
"It's okay, sa ngayon let's eat at maligo ka na after okay?" Tumango na lang ako, masaya kaming kumain ng breakfast.
Hindi ko alam kung anong susuotin ko, public university ako papasok. Ako na humiking nun kay Jaxx, nakakahiya kung sa private pa ko. Baka wala na kaming kainin non.
Sa bandang huli eh, napili kong magsuot ng pants at sweater actually di siya sweater, basta kung ano man tawag don. Nabili namin yun ni Jaxx nung pinagshopping niya ako ng mga damit ko.
Pagbaba ko eh akala ko naka ready na yung car ni Jaxx.
"Hmm my loves bat di tayo makokotse?"
"Ah eh sira kasi. Saka mabuti na 'to matuto kang magcommute." Napapout ako. Ang init init kaya!
Sumakay kami sa jeep, papunta sa school ko. Syempre bawal PDA kaya we act mormal people lang. Saka naka teacher uniform siya at ako naman ay halatang student dahilsa ID na 'to. Psh.
Pagbaba namin eh, parang ayaw ko na siyang paalisin. Gusto ko yung magkasama lang kami, yung nagbobonding.
"My loves wag ka ng umalis oh.."
"Ano ka ba naman love, para kang kinder nan eh. Magkikita naman ayo mamaya eh."
"Kahit na. Namimiss ko agad yung time na nagbobonding kang tayo sa condo."
"Sige na love pumasok ka na, baka malate ka pa nan. First day na first day eh."
"Ewan. Sige na nga. Bye na." Nakasimangot akong tumalikod kaso hinawakan nito ang kamay ko.
"Opss. Nasaan na?" Napakunot ang noo ko.
"Ang alin? May naiwan ka ba?"
"Srsly? Nasaan na nga?"
"Aba! Ewan ko. Saan mo ba nilagay? Mahalaga ba yun?" Napakamot ito sa ulo.
"Wala. Sige na, pumasok ka na." Ngayon siya naman yung nakasimangot.
"Hahahaha! Ito naman di mabiro. I love you so much. Hahaha wag na magtampo okay?"
"Oo na po, i love you too. Pasok ka na. Text me if pauwi ka na okay?" Tumango ako at pumasok na sa loob.
Hinanap ko yung, room kung saan ako. Nakalagay yun sa schedule ko.
Mamaya pa eh, nasa third floor na ko. Nakita ko na yung room 163. Pagpasok ko eh, madami ng tao, buti wala pa yung prof. Namin. Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa likuran.
I like to sit in the back. Di agad ako napapansin ng mga prof. Especially kapag recitation, hahaha. Tuwing test lang ako nagsisipag. Saka i do home study, kaya okay lang.
Mamaya pa eh, dumating na yung prof. Namin. Pero ganun na lang ang gulat ko na may kasama pa pala 'to.
"Okay class, we have two transferee. This one is Dave. Dave introduce yourself."
"Hi, i'm Dave. I hope na makilala pa natin ang isa't-isa." Ngumiti lang 'to pero grabe na kung magsikiligan 'tong mga babae na ito! Nakooo!
"Okay thank you. So, nandito na ba yung isa pang transferee? Miss Jacobe?"
Sht! Sigurado akong makikilala ako ni Dave! At di niya pwedeng malaman na nandito ako! Ghad! Paano na?!
"Sor nandito po siya." Sht ang daldal naman ni ate eh! Dahan dahan akong tumayo, kaso nakayuko ako. Lumapit ako sa unahan kaso nakayuko pa din ako. Nasa gilid ko lang si Dave, at alam kong namumukhaan na niya ako.
"Okay please introduce yourself. Don't be shy." Sabi nung prof. Namin.
Dahan dahan akong tumunghay.
"I'm Wyne!/WYNE?!" Sabay pa kaming nagsalita ni Dave. Nalintikan na! Nakilala na niya ako!
"Excuse me magkakilalal kayo?" Sabi nung isang student.
Magsasalita pa lang sana si Dave kaso inunahan ko na siya.
"Ah oo, schoolmate ko siya sa dati kong univeristy. Btw, i'm Wyne Lia Jacobe." Pagkatapos nun eh, sabay kaming umupom at kung minamalas ka nga naman oh, magkatabi pa kami!
Alam kong madami siyang gustong itanong kaso nakayuko lang ako. Ayaw ko siyang kausapin.
----
Sorry late uldate, at dahil don dalawang update ang gagawin ko.
Thank you! Comment pleaseeeeee para sipagin naman ako
-gyumybby
BINABASA MO ANG
My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQ
RomanceGagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na alam nyo ng GirlxGirl to at kung ayaw nyo sa ganun pwede nyo na tong iremove sa library nyo. Thank...