Truth
****
After akong turuan ni Jaxx eh, siya na mismo naghatid saakin sa bahay. Pansin ko din na hindi na siya sinusundo ng boyfriend niya, wala na kaya sila?
Gusto ko siyang tanungin kaso nahihiya ako. Para saan naman kung tatanungin ko diba?
"Salamat Jaxx ah? Salamat kasi tinutulungan mo kong makapasa, importante talaga saakin 'to eh."
"No worries, basta pag may problema ka sabihin mo lang ha?" Ngumiti ito tumango ako at binuksan ko na yung pinto, lalabas na sana ako ng hawakan nito ang braso ko.
"Bakit?"
"Just text me tomorrow, pag ready ka na. I will pick you up."
"Sige. Salamat ulit." Binitawan na ko nito at tumango. Tuluyan na kong lumabas sa kotse niya. Nagbusina ito bago umalis kumaway na lang ako.
"Ma!" Sigaw ko habang nasa gate pa lang ako. I'm so hungry ano kayang niluto ni mama?
"Ma ano pong---" di ko na natapos yung sasabihin ko ng makita ko si Dave na nakaupo sa sofa.
"Oh anak nandiyan ka pala. Tara dito." Sabi ni mama.
"Anong ginagawa niya dito ma?" Sabi ko habang matalim na nakatingin kay Dave.
"I'm here kasi ibibigay ko lang 'to sayo.." may kinuha 'tong malaking box sa gilid.
"This is your dress for tomorrow. Accept it, si dad talaga ang nagpatahi nan."
Tinitigan ko lang yung box.
"Ah eh, hijo akina ilalagay ko na kwarto niya. Iwan ko muna kayo." Sabi ni mama at kinuha na yung box.
"Alis. Tapos na yung pakay mo diba?" Sabi ko.
"Salamat Wyne at pinagbigyan mo ko."
Nagsmirk ako. "I'm not doing this for you, i'm doing this for tito. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung di ako pupunta. So, don't assume Dave Emmans Lirio."
Sinadyan ko talagang buoin yung pangalan niya.
"Okay. Aalis na ko. Thank you again." Umalis na 'to saka lang ako nakahinga ng maayos.
Umakyat na lang ako sa kwarto at nakita ko si mama na nandun pa din.
"Anak." Malumanay na tawag nito saakin. Sht! Mukhang alam ko na ang mangyayari.
"Ma.." sabi ko tas niyakap ko siya, hindi ko na rin napigilang di umiyak.
"Masakit pa din ba? Sorry ha, wala magawa si mama."
"A-ayos lang po.." sabi ko.
"Makakayanan mo din 'to. After ng party na yan, di na dapat pa siya lalapit sayo. Kundi papabugbog natin siya sa mga kuya mo." Pabirong sabi ni mama.
"Ma naman eh!" Reklamo ko, magpapatawa pa kasi eh, nagdadrama na nga yung tao.
"Joke lang anak. Wag kang mag-aalala nandito pa kaming pamilya mo."
"Salamat ma, mahal na mahal ko po kayo."
"Mahal na mahal ka din namin anak." Hinalikan ako ni mama sa noo.
--
Nakaayos na ko, di na ko nagpa-make-up. Minake-up-an ko na lang sarili ko. May alam din naman ako sa pag ma-make-up kahit pa-paano.
Isang baby pink dress ang binigay saakin ni Dave. May white heels na rin sa loob nung box. 3 inches lang ang taas nito.
I look so simple in this dress. Alam na alam pa rin talaga ni tito ang pananamit ko.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQ
Roman d'amourGagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na alam nyo ng GirlxGirl to at kung ayaw nyo sa ganun pwede nyo na tong iremove sa library nyo. Thank...