Nakakamatay
****
Kagaya nga ng sabi ko kay Sha kahapon ililibre ko siya. Tapos na yung class namin, at di ko alam pero feeling ko gustong lumapit saakin ni Jaxx o baka ilusyon ko lang yon?
Nakabihis na ko. Syempre di naman ako mahilig pumorma kay naka tshirt lang ako ng binili ko sa Culture at isang pants. Tas naka rubber shoes.
Yun lang. Ganun lang ako kasimple. Nakapagpaalam na rin ako kay mama at okay lang sakanya. Hindi na nga raw niya rin nakikita si Sha. Hahaha namimiss din pala ni mama si Sha kahit super kulit nito.
Napagsunduan naming magkita na lang sa kanto.
Naglakad na lang ako keysa magside car pa, mapapagastos lang ako. Eh ililibre ko pa naman yung bruha na yon. Nakita ko na si Sha sa may poste, naka-dress 'to na floral.
"Hoy!" Sigaw ko. Grabe ang sweet ko sa kanya no? Maka-hoy lang eh.
Paglapit ko, tinasaan ako nito ng kilay.
"Anong problema mo?" Tanong ko. Nata-tanga na naman ata 'tong kaibigan ko.
"First at all, may pangalan ako. Ako si Sharlyn Mendes, aka Sha! Kaya wag mo komg iho-hoy no!" Sabi nito. Napa-roll eyes na lang ako.
"Ewan ko sayo. Dami mong alam. Tara na nga!" Sabi ko at hinawakan 'to sa kamay. Sumakay kami sa trycle at pumunta sa isa sa mga mall sa may bayan.
Habang nasa loob kami ng trycle eh, kitang kita kong naka-tingin saakin si Sha. Bigla akong lumingon.
"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko, umiling lang 'to tas tumitigna lang sa daan. Minsan talaga na we-weirdohan na ko sa bestfriend kong 'to. Kung di lang siguro siya babae eh, aakalain ko ng may guto siya saakin. Peeo sobrang imposible talagang magkaguso siya saakin.
Mamaya pa eh, nasa may mall na kami. Dahil nga libre ko siya eh, ako na rin ang nagbayad sa pamasahe namin.
Pumasok na kami sa loob. Agad kaming pumunta sa may arcade. Mahilig talaga kaming pumunta sa arcades sa mga malls. At ang favorite naming laruin dito ay yung sa karera.
Bumili ako ng token. Apat na token lang. Binigay ko sa kanya yung dalawang token. Naghulog na kami, at nagpabilisan. Nakaka-miss din pala yung pagbo-bonding namin Sha.
"Hahahaha! Grabe ang saya!" Sabi ko pagkalabas namin.
"Nakakainis! Natalo mo na naman ako."
"Alam mo kasi Sha, wala ng makakatalo sa Master ng mga arcades." Sabi ko at nagmacho pose pa.
"Tse! Tara na nga! Nagugutom na ko." Tinawaan ko na lang si Sha. Maglalakad na sana ako ng biglang magring ang phone ko.
Si Jaxx.
'H-hello?'
Nasaan ka? Pwede ba kitang makausap?
Ewan ko pero nagtatampo pa rin ako sa kanya. Ayoko pa siyang makausap saka ini-enjoy ko pa 'tong moment namin ni Sha.
'Ano.. may sakit kasi ako. *cough*'
Nagkunwari pa kong umuubo.
Ah okay. Dadalawin na lang kita diyan sainyo mamaya.
'What?! Wag na.'
Kaso binaba na nito ang tawag. Sht! Kailangan naming umuwi ng maaga ni Sha!
Sumunod na ko kay Sha sa loob ng McDo.
"Sha, amo kasi kailangan nating umuwi ng maaga."
"Bakit naman?"
"Ano kasi.. bigla akong ngkaroon eh."
"Really?! Let's go. Umuwi na tayo bago ka pa matagusan." Tumamgo na lang ako. Next time ko na lang siguro siya ili-libre.
----
Pagkadating ko sa tapat ng gate namin eh,nakahinga na ko ng maluwag.
Prenteng prente akong pumasok sa loob.
"Oh ayan na pala si Wyne eh." Naoatingin ako kay mama at na sa gilid nito si... JAXX!
Fvck sht!
Biglang nagsmirk saakin si Jaxx. Di ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Oh paano iwan ko muna kayo." Umalis na si mama. Biglang tumayo si Jaxx at hinila ako papunta sa room ko.
"J-jaxx.." nauutal kong sabi. Nakakatakot ang itsura ni Jaxx.
"Akala ko ba may sakit ka?" Walang emosyong tanong nito.
"Ah eh kasi..."
"What?! Bakit ka nagsinungaling saakin?! Bakit? At ano kasama mo pala yung Sha na yun!" Sigaw nito.
"So what?! Diba sabi mo lumayo ako kung gusto ko. Saka bakit ka po pala nandito MA'AM." Diinan ko talaga yung pagkakasabi ko ng ma'am.
"Wyne.. i'm sorry sa mga nasabi ko.. it because." Sabi nito at napayuko.
"Ano? Sige sabihin mo saakin bakit? Hindi ko kasi maintindihan eh! Wala naman akong nagawang masama sayo pero bakit kailangan mo kong pagtabuyuan!" Sigaw ko. Feeling ko sasabog ako pag di ko 'to nilabas.
Nabigla ako ng yakapin ako nito.
"Nakakamatay pala ang selos."
A-ano daw? Selos?
"Sorry sa mga nasabi ko. Ikaw kasi ang manhid mo. Nagseselos ako Wyne. Nagseselos ako sa Dave na yun at diyan sa Sha na yan!"
"W-wait. Bat ka naman magseselos?" Ito na. Lalong bumibilos ang tibok ng puso ko. Humiwalay 'to sa pagkakayakap. At tumitig sa mga mata ko.
"I like you Wyne." Ganun na lang tuwa ko ng sabihin yun ni Jaxx.
"Di ko alam kung kailan kung paano. Pero naramdaman ko na lang bigla eh."
"Pero babae tayo pareho Jaxx." Sabi ko.
"May aaminin ako. Dati akong lipstick lesbian. Na-broken hearted ako sa ex girlfriend ko at si Peter ang tumulong saakin para magmove-on. Akala ko babae na ko, lero ng makilala kita. Na-realize kong. Babae pa rin ang gusto ko."
"Paano kayo ni Peter?" Tanong ko. Ayaw ko namang makasira ng relasyon.
"Don't worry about him. Makikipaghiwalay na ko sa kanya. As soon as possible."
"Ewan ko Jaxx. Naguguluhan pa ko." Sabi ko at umupo sa kama. Hinawakan nito ang kamay ko.
"Do you like me too Wyne? Yes or no. I yes we will fight together." Tumingin ako sa mata niya. Siya lagi ang naiisip ko, siya ang nagpapasaya saakin, paglumalapit siya halos tumalon na ang puso ko..
Ngumiti ako.
"Yes i like you too.."
-------
Orayt! Nagkaaminan na sila, hahaha!
Add me on Fb: Audrey Medel
Vote. Comment. Fan.
Thank you!
-gyumybby
BINABASA MO ANG
My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQ
عاطفيةGagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na alam nyo ng GirlxGirl to at kung ayaw nyo sa ganun pwede nyo na tong iremove sa library nyo. Thank...