A life with you
****
"Jaxx kukunin ko lang gamit ko sa bahay." Sabi ko. Pero umiling 'to.
"Anong gagawin mo pagnakita ka nila na nag-e-empake? Pipigilan ka lang nila!"
"Pero.."
"I have many clothes. Ibibili pa kita, just please.. Wag ka ng umuwi." Ngumiti ako at tumango. Niyakap ko siya.
"I love you so much. Thank you for this sacrifice for me."
"Gagawin ko lahat para sayo Wyne. Mahal na mahal kita." Hinalikan ako nito sa noo.
"Let's go. Help me pack my things." I nod at tinulungan siya. Dalawang maleta ang nilabas niya. Yung isa daw saakin. Madami nga siyang damit. Paano ba naman, may walk in closet!
Hindi ko aakalaing magsasama na kami. Hays. Sana mapatawad ako ng mga magulang ko..
"Tara na?" Tumango ako at bumaba na.
---
Kaba at halong excitement ang nararamdaman ko.
"Are you ok?" Tanong ni Jaxx.
"Oo kinakabahan lang." Hinawakan nito ang isa kong kamay.
"Don't worry, nandito ako lagi para sayo my loves." Nginitian ko na lang siya.
Mga 2 oras lang ang biyahe namin. Pumasok kami sa isang condo. Hindi siya bonggang condo di gaya nung kay Jaxx.
Pumunta si Jaxx sa may counter so, naupo muna ako. Tumingin tingin ako sa paligid ko. May malapit na mall dito actually, ilang blocks lang ang layo sa condo.
Nabaling ang tingin ko sa lalaki sa may elevator. He looks familiar. Sht! Agad akong tumayo at nagtago sa halamanan. Please wag mo sana akong makita... Napapikit na lang ako.
"Ay butiki!" Ganun na lang gulat ko ng may humawak sa balikat ko pagtingin ko si Jaxx lang pala. Tumingin ulit ako sa elevator wala na'to don.
"May problema ba?" Tanong ni Jaxx, umiking ako. Baka nagkakamali lang ako.
"Tara na, sa room 264 tayo." Tumango ako papunta kami sa elevator, di pa naman ako sure kung siya nga yung nakita ko.
Kamukha niya si Dave, pero imposible kasi.. Pang-ordinaryong condo lang 'to, paano siya mapapunta dito?
"Ah Jaxx." Tumingin 'to saakin.
"Pwede bang may hagdan na lang tayo?"
"Bakit naman? Mas mabilis pag elevator, saka 13th floor pa yung unit natin." Tumango tango ako. Hays.
Pagtingin ko sa taas ng elevator, tumigil 'to sa 13th floor! Ghad! Minamalas ata ako!
"Uy Wyne!"
"Huh?"
"Bukas na yung elevator." Don ko lang napansin na bukas na yung elevator at nasa loob na si Jaxx. Hays. Napa-paronoid lang ako. Dat i-enjoy ko 'to.
A life with her is good wait let me repharse it, it' inexplainable.
Pagdating namin sa unit eh, nag-ayos na kami ng gamit. Iisa lang kama, at ano pa bang maasahan niyo? Edi tuwang tuwa na naman si Jaxx. Hahahaha.
Pagod ang inabot namin kakaayos ng unit namin, may sala set na kasi ina-arrange lang namin ulit.
Napa-upo kami sa sofa.
"Hay kapagod!" Sabi ko.
"Pagod ka ba my loves? Gusto mo ipagluto kita ng spaghetti?" Biglang kumislap mata ko. Tumango ako na parang bata.
"Hahaha ikaw talaga. Sige maligo ka na, after mong maligo tapos na 'to." Tumango ako at naligo na.
Hay... Para kaming mag-asawa.
Ay! Ano ba 'tong sinasabi ko. Asawa agad? Pero why not? Hahahaha
----
Sorry super late update, busy lang ako.
Thanks!
-gyumybby
BINABASA MO ANG
My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQ
RomanceGagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na alam nyo ng GirlxGirl to at kung ayaw nyo sa ganun pwede nyo na tong iremove sa library nyo. Thank...