Tutor
****
Sobrang hiya ko sa parents ko, paano ba naman bumagsak ako, ako na nga lang yung inaasahan nila pero ito ako sinasayang ang chance na makapagtapos. Pero naiintindihan naman daw nila ako. Ganun naman daw talaga. Minsan kailangan ko din daw maranasan 'to para sa susunod alam ko na ang mga gagawin ko. Kaya ito ako nagsusumikap na makapasa.
Araw araw akong tinuturuan ni Jaxx. Don kami lagi sa likod ng building. May puno kasi don at may isang table at bench. Walang pumupunta don kasi tago. Alam mo naman ang mga students ngayon mas trip pang tumambay sa canteen keysa mag-aral.
Tapos na ang class ko at hinihintay ko na lang si Jaxx.
Pang third day na ngayon niya akong tinuturuan.
Habang hinihintay ko siya biglang nagbeep ang phone ko.
09*********: I will wait for you. Tomorrow in Grand Hotel, 7 pm.
Pagkabasa ko pa lang nun kilala ko na agad kung sino ang nagsend. Si Dave.
Talaga bang hindi niya ako titigilan?! Naguguluhan tuloy ako, noong kami pa ni Dave eh, lagi akong na saknila, gusto gusto ako ng parents niya para sa kanya. Minsan nga sila pa ang nagbibigay saakin ng mga damit eh, at close din sila ng parens ko.
Pero nagbago ang lahat ng yun ng makita kong nakikipaghalikan si Dave dun sa hipon na yun! Hindi ko na siya hinayaan pang magpaliwanag pa.
Hindi ko alam kung bat niya nagawa saakin yun. Mahal na mahal namin ang isa't-isa pero.. hays.
"Oh bat ganan ang mukha mo?" Don ko lang napansin na kaupo na pala si Jaxx sa harapan ko.
"Nothing." Sabi ko at kinuha ko na yung book ko sa physco pati yung mga notes ko.
"Okay, answer this. Ito yung tinopic natin kanina. Sagutan mo yan para makita ko kung saan ka nahihirapan kanina sa mga tinuro ko." Tumango lang ako. Lutang ang isip ko habang nagsasagot.
Nakakainis kasi si Dave! Yan tuloy hindi ako makapagconcentrate.
After 15 minutes ng pagsasagot eh, tapos na ko. Chineckan na ni Jaxx yung mga sagot ko.
"Tell me Wyne do you have problem? wala kang tinama oh, miski isa. Kanina naman nakikinig ka sa class ko." Napayuko na lang ako.
Nagulat ako ng biglang nitong hawakan ang kamay ko. Para bang may butterfly sa tiyan ko na lumilipad. What's happening?
"Meron kang problema. Tell me, ano ang gumugulo sa isip mo ngayon?"
Kinuha ko yung phone ko at pinabasa yung text ni Dave.
"Si Dave yan. Iniimbita niya ko sa birthday party ng papa niya gusto daw akong umattend ni tito. Di ko alam king pupunta ba ko hindi."
"Look at me Wyne. Pumunta ka. Wala namang mawawala eh, magpapakita ka lang sa papa niya. That's it. Hindi pwera pumunta ka eh, magkakabalikan na kayo or what. Pumunta ka don para sa papa niya at hindi para sa kanya.."
"Nahihiya ako."
"Sasamahan kita."
"Really? Saamahan mo talaga ako?"
"Oo naman. Don't worry ako ang bahala sayo."
Ngumiti ako.
"Thank you.. ikaw talaga ang tigapaligtas ko." Nginitian lang ako nito, at nagturo na ulit.
Hindi ko maiwasang di mapantingin dito habang ngsusulat.
Kung ganito ba maman araw araw edi magpapatutor na lang ako.
Joke! Hahahaha!
Gusto kong maging proud saakin ang parents ko 'no.
Pero isa din 'to sa gumugulo saakin di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Jaxx. Yung tipong simpleng ngiti at hawak niya lang sa mga kamay ko eh feeling ko sasabog na ko sa kilig.
Nagkakagusto na nga ba ako sa kanya?
-----
Thank you!
Vote. Comment. Fan.
Sorry short update.
-gyumybby
BINABASA MO ANG
My Lesbian Teacher ML #2 Series #JustWriteIt #LGBTQ
RomanceGagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na alam nyo ng GirlxGirl to at kung ayaw nyo sa ganun pwede nyo na tong iremove sa library nyo. Thank...