Omg! Omg! OooMmmGGG! At last terminal na ako.Grabe kaloka sobra pagod!
Mula sa kinauupuan niya,kita niyang unti-unting nagbababaan ang mga pasahero at dahil sa pagod niya,ipinagpasiya niya munang paunahing bumaba ang mga ito.Napabuntunga-hininga siya.First-time niyang magtravel ng magisa at ganun pala ang pakiramdam,sobrang fulfilling sa dibdib.Hindi naman sa hindi siya marunong magbyahe mag-isa kundi hindi lang talaga siya pinapayagan ng kanyang Parents.Pagkatapos ng 6 oras na bugbog sa pagbabyahe at last nasa terminal na siya ng mga bus sa San Carlos.Tumayo na siya at nagpasiyang bumaba na.Hinagilap niya ang phone niya at agad siyang nagtext kay shane.
Shane dear!!! Nandito na ako!!!,Nasan ka na?
Naalala pa niya na bago siya umalis ng bahay nila may huli silang chitchat ni Shane kung paano sila magkikita ng maayos at para na din hindi sila mahilo kakahanap sa bawat isa.
Look for my t-shirt.It's color Pink.. Pink.Pink.Pink! Tama Pink daw.Naalala din niya kung ano ang sinabi niya dito kung ano ang kulay ng damit niya para ayon dito matunton agad siya.
Ikaw, Ano naman kulay ng damit mo,para mauna akong makita ka?
LOl naka-stripped red ako
Naka-stripped red dress siya,at malamang baka makita siya agad nito.Balak pa naman niya uunahan niya ito, gugulatin at tatawanan niya ito ng bongga.Yong tipong magiging super feeling close siya dito.Makikipagkulitan siya para maipakita dito na masaya siya dahil sa wakas nakita na niya ang magiging accompany for 6 months slash sister na din! Naglakad na siya papunta sa crowd.Medyo nahihilo na siya at hindi maganda ang pakiramdam niya dala na din ng nabugbog sa byahe.Madaming tao at palingon lingon siya.Naglakad siya patungo sa mga upuan na andoon para makapagpahinga kahit konti.Naupo siya tutal hindi pa naman nagrereply si Shane sa kanya.
BOSS YOU HAVE A TEXT MESSAGE
Napakislot siya sa pag-vibrate at ringtone ng phone niya.Ang laki ng tuwa ng makita si Shane ang nagreply sa kanya.Binasa niya ang mensahe nito.
I wear pink tshirt Rico,San ka banda?
Hanapan talaga silang dalawa,Gosh hirap naman ng ganito.Expected niyang magiging madali lang ang pagkikita nila.Asan ba kasi sumusulpot ito at bakit kailangan maghanapan pa sila nito?.Mas madali sana kung sa bench ito naghihintay para sa pagdating niya.Tumayo na siya baka sakaling magkakitaan na silang dalawa pero sa kanyang pagkakadismaya hindi niya padin ito makita.Agad siyang tumipa ng mensahe sa kaniyang telepono.
Naka-stripped Red ako Shane.
Agad niyang pinadala ang mensaheng iyon.Nangangati na ang mga paa niya at gusto na niyang makita si Shane. Shane nasan ka na ba?
At last may nakita na akong naka-pink!
Tuwang tuwa siya ng may makita siyang naka-pink tshirt dahil nag-iisa lang itong nakasuot ng ganoon doon.Pero agad ding napawi ang katuwaan niya at talagang dissapointed siya dahil hindi babae ang nakita niyang naka-pink kundi isang Matangkad at Chinitong lalaki na nakasandal sa isang pader na malapit sa bilihan ng passenger’s ticket.Na-amazed siya sa taglay nitong ka-gwapuhan.Ewan niya pero bigla siyang natulala, hindi niya maiwasang titigan ito lalo pa’t sa tingin niya ay muhka itong naiinip base na din sa ekpresyon ng gwapo nitong muhka.Hindi niya gawain ang tumitig sa isang lalaki pero sa pagkakataon na ito,hindi niya mapigilan.Muntik na niyang malimutan na may hinahanap pala siya.Napailing siya at napangiti na din.
Hindi naman siya ang hinahanap ko e..
Naiinip na siya at sinasabayan pa ng pagkahilo ang pakiramdam niya.Nagtext ulit siya dito
Shane dear hindi talaga kita makita eh, sad na ako dito Lol
Napasulyap ulit siya sa lalaking iyon na nakasandal sa pader na iyon.Grabe ang dating nito sa kanya.Hindi niya mapigilang pakatitigan pa ito.Nakita niyang palinga-linga din ito at muhkang may hinahanap tulad niya.Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa,hindi talaga maitatanggi na perpekto ang physical look nito na kahit na sinong babae ay hindi maiiwasan na magkagusto dito.Akala niya dati kapag ang lalaki ay nagsuot ng kulay pink na damit ay awkward tignan pero para sa lalaking iyon ay hindi! Mas nagbibigay pa ng emphasis ang kulay pink sa pagkatao ng isang lalaki at dahil sa lalaking iyon na kanina pa niya tinititigan napatunayan niya ang sinasabi niyang emphasis.Talagang bagay na bagay ang kulay pink tshirt dito,lalong itong nagmumuhkang masculine.Iniisip niya tuloy kung ilang packs ng Abs meron ito.
Hmm yummy! Lol ano ba itong naiisip ko!!!Maniac na ko nito eh,ako ba talaga ito?
Nagtext ulit siya dito bago pa magtransform ang sarili niya into a Yummyhunknaper.Swear magpipigil lang ang alindog niya! Chos!
Dito ako sa bench,Remember naka-stripped red ako..
Mga limang minuto pa lang niyang nasesend ang message na yon nang maisipang ibalik ang mga mata niya sa Chinitong lalaking iyon,saktong pagtingin niya ay nakatingin din ang lalaking naka-pink sa kanya.Nagkatitigan silang dalawa.Bakit ganoon hindi niya maialis mga mata niya dito?Kinakabahan siya dahil lumalapit na ito sa kanya!
Dinig na dinig niya ang pagtambol ng dibdib niya at pakiramdam niya mangangailangan na siya ng oxygen tank para masuportahan ang nangangapos niyang paghinga.Bakit ganoon na lang ang epekto ng lalaking papalapit sa kanya?Ni hindi nga niya ito kilala. Hindi din niya ito magawang ngitian sa sobrang tense niya.Bakit ito lumalapit sa kanya? O sadyang assumera lang siya?I feel like a statue here OMG!
"Y-yes?" Sabi niya dito ng makalapit ito sa kanya.Medyo ramdam niya ang panginginig niya at naweweirduhan siya sa sarili niya.O dahil sa mas lalo lang itong gwapo sa malapitan?Kinikilig kili-kili niya! Bakit sa pakiramdam niya ramdam din niya ang pagiging kabado din ng ekstranghero na nasa harap niya.Pero bakit?
"Ikaw ba si Rico?” Sabi nitong walang kangiti-ngiti.Wow ah muhkang suplado! Hmp!
“Yes.W-why?” Sobrang naguguluhan na siya sa nangyayari sa kanya ngayon.Hindi niya alam kung bakit pa niya ito sinasagot sa mga tanong nito gayong hindi naman niya ito kilala.Unang pagkakataon din na kumausap siya ng estranghero.
Narinig niya na nagsalita ito ng pabulong na hindi naman niya naintindihan at kasama pa iyong pagkagulat sa muhka nito.Siya naman ay talagang naguguluhan na.Saka hindi naman sinabi sa kanya ni Shane na may susundo sa kanyang family driver na ubod ng gwapo.Kung lahat ng family driver ay ganito ka-good looking,magpapahire na siya kay Mommy niya! Well back to reality,hindi niya masasabing family driver ito,Una gwapo ito,Pangalawa gwapo talaga ito at Pangatlo gwapo pa din ito!.Saka sabi sa kanya ni Shane,Ito mismo ang susundo sa kanya sa terminal.Nanlalamig na talaga siya.Hindi na siya mapakali.Parang natatakot na siya sa maaari niyang malaman,at sa katotohanan na umiikot na ang sikmura niya.Nahihilo na siya!
"And if that's the case,kailangan mo ng sumama sa akin”sabi nito,kinuha na nito ang mga dalahin niya.Nagulat siya sa mga sinabi nito.Bumangon din ang takot sa dibdib niya.Hindi kaya kikidnapin siya nito? God please help me! Hindi din maganda ang pakiramdam niya. Baka anumang oras sumabog ang bituka niya!
“Wait, I am waiting for someone, and excuse me hindi kita kilala,bakit naman ako sasama sayo!?” Hindi na niya maiwasang magtaray dito.Imagine hindi niya ito kilala at sasabihin nitong kailangan niyang sumama dito?Attracted nga siya dito pero hindi siya easy to get!
“Aww ang sungit. Proven na ang exclamation point habits mo,pero nasan na ang sweet dear mo sa akin?”
Natigilan siya.Una sa lahat hindi siya masungit,sadyang lumalabas na lang iyon kapag kailangan.Pangalawa,anong exclamation point ang sinasabi nito?Oo malakas siyang magsalita pero minsan lang mas proven iyon sa text.Pangatlo yong dear na sinasabi nito,nakasanayan na niya iyong banggitin para lang sa mga ka-close niya especially girls. So paano nitong nalaman iyon?Nanigas siya sa kinatatayuan niya at ngayon lang niya narealize at napagtagpi-tagpi ang kaengutan niya—Ang lalaking naka-pink na nasa harap niya ay OMIGASHHHH! Plastik penge nasusuka na ako! Puno na siya ng pagdududa.Hindi kaya...?Im going to collapse catch me please!!Nagkatinginan na sila.
"A-are Y-you..?" Nanginginig na ang boses niya.Masama na talaga ang pakiramdam niya dala ng byahe.
Ito na ang nagsalita "Yes Rico, Ako si Shane" Sa pagkakataong iyon,nailabas niya lahat ang mga kinain niya.
BINABASA MO ANG
ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]
Teen Fiction[RT] "Isa yan sa signature sign of strong love ko sayo at tanging para sayo lamang Rico,at promise ko sayo na hindi yan mawawala sa pagiging cursive.Dikit dikit dahil hindi magkakalayo parang tayo" -SHANE "Dont worry Rico , just let me be like this...