CH10 : Strange

560 68 12
                                    

Nabuod na niya ang buong buwang kaganapan sa kanyang pananatili sa Pangasinan.Lalo na ang iba’t-ibang tao na nakakasalamuha niya sa kanyang pinapasukang University.Tulad na lang ng mga Powder Puff Girls na hindi pa pala alam ng mga ito na iyon ang bansag sa kanila.Grabehan din kasi ang foundation sa mukha ng mga ito.Si Dulce – ang dakilang laitera na akala mo napakaganda,wrong grammar naman palagi at may dakilang dialect accent.Si Gabbana na minsan kung saan-saan na lang kinakamot ang kamay nito at pasimpleng aamoyin.Gross! Minsan natatawa talaga siya ng aksidenteng nakita niya ito.Ayaw na niyang alalahanin pa.Si Carrie naman na feeling mayaman,na puro branded kuno ang gamit,pero ang totoo niyan suki ito ng UKLand.Ukay Ukay land. Yong lider ng mean girls si Melanie? Ewan ba niya pero parang pamilyar ang mukha nito.Para kasing nakita na niya ito sa facebook pero hindi niya maalala.Tahimik lang ito at balita niya modelo daw ito ng RT clothes line.Sikat na kompanya ng damit sa San Carlos.Mean girls lang naman ang kinaiinisan niya sa University,the rest wala naman siyang problema.

“Rico! Rico dali!” Sigaw ni Leslie ng makita siya.Bigla siyang nagulat sa tinuran nito.Nasa gate pa lang siya at hindi pa tuluyang nakakapasok ng tawagin siya nito.Umagang-umaga ang ingay nito.

“Ano meron? Bakit ang ingay-ingay mo?” Sabi niya ng makalapit siya dito.Hindi niya nakasabay sa pagpasok si Shane dahil madaling-araw pa lang umalis na ito ng bahay.May practice kasi ito ng Arnis.Tuloy magisa lang siyang pumasok.

“Sinadya ko talagang abangan ka dito,wala lang.Para mahamugan ako ng kagandahan mo,chos!”

“Charot talaga,aga-aga gumaganyan ka talaga”

Sabay na silang naglakad papasok.Lahat ng mga students ay binabati siya.Nakakagoodvibes.Malapit na din palang matapos ang buwan ng July.Ang bilis ng panahon at magiisang buwan na pala siya sa Pangasinan.

“Chichi!” Swabeng boses iyon sa kanyang pandinig.Parang kilala niya kung sino ang tumatawag.Hindi niya alam kung sino ang tinatawag nito.Ayaw naman niyang lumingon.Pero si Leslie,lumingon at nakita niya ang butas ng ilong nito na lumaki,at hindi niya iyon maintindihan.Sa pagkakataong iyon,lumingon siya at tama nga siya si Carlo ang nakikita niyang papalapit sa kanya.

“Ulitin mo nga yang sinabi mo?”

“Chichi!”

“Inaasar mo ba talaga ako?”

“Chichi!”

“Isa pa,makikita mo pagsusuutin kita ng school uniform!” Inis na sabi ni Leslie

Teka ano bang problema ng mga ito? Nagaaway ba ang mga ito? At ano iyong chichi na sinasabi ni Carlo?

“Guys..teka nagaaway ba kayo? Dialect niyo ba yang asaran niyo?” Takang tanong niya

“Hi Princess ko,Magandang umaga sayo.” Tanging sagot nito sa kanya.Malaki ang mga ngiti nito sa labi .Nakabaling lang ang mga mata nito sa kanya,at hindi na nito pa iyon inalis.Hindi niya alam ang mararamdaman.Para siyang natutunaw sa mga titig nito,kung hindi lang ito hinampas ni Leslie,hindi mawawala ang mga titig nito.

“Bawiin mo ang sinabi mo Mr.Perez!”

“Chichi!”

Naguguluhan na talaga siya? Ano ba kasing ibig sabihin non?

“Bakit ba? Ano ba iyon?” Hindi na talaga siya makatiis,gusto niyang malaman kung ano iyon.

“Pano kasi Rico,yang lalaking iyan na nakasibilyan at ayaw maguniform,lagi niya akong binubully.Chichirya daw ako,founder daw ako ng Clover,pano porket lang ang pangalan ko na Leslie,chichi agad agad?” Nakatulis na nguso ni Leslie na sabi sa kanya. Kaya pala,ngayon gets na niya.Hindi niya tuloy mapigilan ang tawa niya.Leslie Clover..

“Pppfffttt!” Pigil na tawa niya.

“Ano ba pati ba naman ikaw Rico?” Gulat na sabi ni Leslie

“Kitams pati Princesa ko.. Chichi!” Tawang sabi ni Carlo na hindi na nakailag pa ng hampusin ito ni Leslie ng malaki nitong bag.Doon hindi na niya talagang mapigilang matawa.Nagsimulang maghabulan na ang mga ito paakyat ng hagdanan.Si Carlo pala ay sadyang mapagbiro,masayahin at mapang-asar.Medyo sweet din ito.Yon lang medyo parang siga ito ng school at walang kinatatakutan base na din sa hindi nito pagsuot ng school uniform.

“Princesa ko,sunod ka na lang samin ah,hintayin kita sa room.Iligaw ko lang itong si Chichi!” Inis na inis dito si Leslie.Siya naman tawa ng tawa.Kapag naaabutan ito ni Leslie,nakakatikim ito ng hampas.Pero bakit ganoon? Bakit nakadama siya ng konting pakiramdam na hindi niya maintindihan sa nakita niyang pakikipaghabulan ng dalawa?

-------

 

 

Lunch nila ng tanghaling iyon at hindi siya dumiretso ng Canteen kundi sa restroom. Kanina pa kasi siya nagpipigil,kaya laking pasasalamat niya ng makaraos ang kanyang pantog.Hindi niya inaasahan ang taong makikita niya sa harap ng salamin.Nagsusulay ito at nagreretouch ng makeup.

“Hi” Tanging nasabi niya.Hindi niya alam kung paano ito kakausapin.

Tumingin lang ito sa kanya.Walang kaemo-emosyon ang mukha ito.Ni hindi ito ngumiti sa kanya.

Aba ang sungit!

Hindi na lang siya umimik,tutal walang balak naman itong kausapin siya.Dali-dali siyang naghugas ng kamay.Hindi kasi siya sanay ng ganoon.Parang nakapa-eerie ng paligid.Nabibingi siya sa katahimikan.Medyo nagulat pa siya ng nagsalita si Melanie.

“Kumusta ang pakiramdam na ang trato sayo dito ay prinsesa?” Tanong nito sa kanya.Hindi niya alam ang mararamdaman sa sinabi nito.Hindi din niya alam kung inis o galit ba ang tono nito.Hindi niya alam ang sasabihin.Hindi din friendly ang boses nito.

“Oh I am sorry,Ang ibig kong sabihin,ang pagsstay mo dito lalo na sa bahay ng boyfriend ko.”Hindi siya maaring magkamali.Hindi siya bingi para hindi maramdaman ang sarcastic tone ng boses nito.Galit ba ito sa kanya?

Hindi kita maintindihan.Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nevermind” Tipid na sagot nito.Lumabas na din ito ng restroom.Sinabi nito na boyfriend.Ano ba ang ibig nitong sabihin.Naguguluhan siya.Ipinagwalang bahala na lang niya iyon.Gutom lang siguro ang nararamdam niya.Lumabas na lang siya ng restroom.Pero lahat ng nagpapagulo ng utak niya ay nabigyan ng kasagutan.Nakita niya si Shane na kasama si Melanie at HHWW ang mga ito! Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat.Si Melanie pala ang tinutukoy nina Jeza na sabit ni Shane! Kaya pala puro picture ng babae,mapa-DP at mapa-album ang FB ni Shane at hindi niya nalaman na lalaki pala ang may-ari ng FB account nito.Kaya pala familiar ang mukha ni Melanie dahil talagang nakita na niya ito sa FB.So???

Why Shane? Why! Bakit ka napunta sa bruhildang iyan! Tss..

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon