CH9 : The POVs

593 71 41
                                    

June , 20**

Hey hey Diary..

Alam mo bang hindi ako maka-moveon sa mga nagaganap sakin? Tiyak maski ikaw maiingit kung ikaw ang nasa kalagayan ko haha chos! Sabi ko nga,makakaranas ako ng kakaibang experiences dito!!!! Hindi nga ako nagkamali.Naku grabehan lang iyon parang naging celebrity ako ng maihatid ako ng mga opisyal ng LES sa University na iyon,tapos si Shane takte hindi siya nawala sa tabi ko oha?!!!!!!!! HAHAHA Speaking of Shane,,Ang bait niya,kabaliktaran sa mga iniisip ko sa kanya.Kaso alam mo ba,balita ko may jowa na siya.HAHAHAHA bakit parang naging dismayado ako? Ahhaha pakialam ko!!!!!!!!

Hey hey at alam mo ba,kinikilig ako kay Carlo,,Napakasweet niyang guy.Kung nakita mo lang ung eksenang nilagyan niya ako ng bulaklak sa tenga ko parang tanga lang ako tapos yong ano, yong sa klasrom sabi niya sakin daw niya matutunan ang pagmamahal! Aysus! Anebe? Kinikilig ako grabe hahahha.

Alam mo din ba,nagbukas ako ng inaamag na atang twitter account ko,paano alone ako dun,hindi ko alam gamitin iyon,grabe ha,halos maduling ako sa tuwet ba yon? Oh tweets? Oo tama teeth,ay peste! Pwe! Tweets!!! Ayan grabe andami!!!! Hulaan mo ilan ang followers ng bebe mo? HAHAHA konti na lang at kasing dami na non ang population sa Pangasinan State University na halos isang milyon! Hahaha OA ba? Enebe? Sabog na sabog ang account ko grabe! Kailangan ko lang palang maging LES para dumugin si twitter eh.

So paano ba yan? Nakwento ko na nangyari sakin ngayon.Sana hindi ka na magtampo.Isang araw lang naman akong hindi nakapagkwento sayo eh.Uy matutulog na ako ah.Teka pahabol pa pala,nauso na pala sa University namin yong Iloveyou na dikit-dikit at yong naka capslock.Eh paano ako nagpauso eh.hihi share lang XD

Goodnight. Iloveyou-dikitdikit yan para mas maintindihan mo!

Ricoganda.

Matapos niyang maisulat sa kanyang 4 years old na diary ang kaganapan niya sa buong araw,Nahiga na siya sa kanyang kama.Nakasulyap pa siya sa kisame habang naghihintay siyang makatulog.Hindi pa siya dinalaw ng antok kaya’t kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtext sa kanyang Mommy at Daddy.Naghintay pa siya ng ilang minuto ngunit hindi pa siya madalaw ng antok.Kinuha niya ang headset sa may lagayan  ng lampshade,at inisert niya ito sa kanyang phone.Pinatugtog niya ang naging paborito na niyang kanta simula noong nasa Resort siya.Ang kantang naging memorable sa kanya,ang kantang tinugtog sa may dambana.Ang glory of love na agad agad niyang dinawload pagkauwi niya sa bahay ng araw na iyon,at ginawa na niyang pampatulog sa kalagitnaan ng gabi.Ang kantang nagpapaisip sa kanya kay Shane. Toink!? Wait! Wait!!! Sinabi ko bang Shane?

-------------------

Hindi siya makatulog.Panay bangon siya sa kanyang higaan.Nakakatawa mang isipin pero hindi niya maikakaila na may hinahangaan ang kanyang mga mata.Sa unang pagkakataon,nagkaroon ng kulay ang buhay niyang napakaboring.Siguro nga,makulit siya,maloko,palabiro at minsan pa nga sobrang pasaway na pero nagiiba na siya pagdating sa pagseseryoso.Siya ang klase ng taong walang pakialam sa iba lalo na sa mga sasabihin ng mga ito sa kanya.Hindi uso sa kanya ang salitang Rules ang Regulation.Gayunpaman,pasaway man siya,mataas naman ang mga grado niya sa kanyang mga aralin.Hindi siya bumabagsak.Ano ba ang tawag sa nararamdaman niya ngayon? First time niyang may hinangaan,at unang pagkakataon din na nakadama siya ng ganito.Hanggang biro lang kasi siya at hindi nagseseryoso.

Napatingin siya sa wall clock at naiinis siya dahil pasado ala-una na ng madaling araw.Hindi siya makatulog.Kinuha niya ang isang clearbook.Binuklat niya ito.Walang sawa niyang pinakatitigan ang sari-saring litrato ng babaeng iyon.Humiga ulit siya at hinayaang ang sariling balikan ang unang pagkakataon na nakita niya ang pinakamagandang babaeng nakita niya.

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon