Hindi siya masyadong nakapag-concentrate sa last subject niya.Nasa isip pa din niya ang eksenang nakita niya mula kina Melanie at Shane.Labis niya iyong pinagtataka.Pagtataka na hindi nagpapatahimik sa kanya.Nakita niya si Leslie,kumakaway sa kanya,ngunit tanging ngiti lang ang isinagot niya doon.Mga kamag-aral na panay ngiti sa kanya,ewan ba niya pero parang lutang siya ng hapong iyon.
“Prinsesa ko!”
Shane naman,bakit ang lambing ng boses mo..Teka Shane ba ang nasabi ko?
SHANE?! YUCKS!
Halos maduwal duwal siya nang marealize niya ang sinabi ng kanyang utak.Grabe naman ang utak niya,pati si Shane iniisip din nito.Teka teka Rico,sino ba ang may-ari ng utak na sinasabi mo?
ABA ABA! Sumasagot ka pa!
Para siyang baliw na nakikipagtalo sa sariling utak niya.Hindi talaga siya makapaniwala.Ngayon lang siya nakadama ng sobrang pagtataka sa buong buhay niya.
Mukha mo Rico! Pagtataka o Pagseselos?
“Carlo ikaw pala” aniya ng makalapit sa kanya si Carlo.
Dissapointed huh? Oh C’mon Rico..
“Sabay na tayong umuwi,ok lang ba sayo?” Tanong nito na nakangiti pa din sa kanya.Ewan ba niya kung bakit pumayag agad siya gayong ang balak niya ay sasabay pauwi kasama si Shane,pero paano niya iyon gagawin,kasama naman nito si Melanie at ayaw pa niya na makigulo sa dalawa.
“Saan ka ba nakatira Carlo?”
“Diyan lang sa bungad ng gate ng subdivision papasok sa inyo”
Teka paano niya nalaman bahay ko?
“Kung magtatanong ka kung paano ko nalaman bahay niyo,simple lang kinulit ko ang Dean natin”
“Batas ka ba? Bakit ata lahat napapasunod mo?” Nagtataka na naman siya.Bakit ba kasi nauso ang term na pagtataka? Siya kasi ang nahihirapan ngayon.
Ngunit imbes na sumagot ito sa kanya,ikinagulat niya ang paglalagay ng pink na bougavilla na bulaklak sa tenga niya.Hindi agad siya nakapagsalita.Wala siyang mahanap na sasabihin lalo na nang tumingin ito sa kanya.May gustong sabihin ang mga mata nito.Mga limang segundo din silang nagtitigan bago nito iniwas ang mga mata sa kanya.
“Princess tara turo muna tayo bago ka umuwi,ok lang ba?”
Hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito dahil tanging mga mata nito ang ngayong nasa alaala niya.Unti-unti niyang dinama ang tapat ng dibdib niya,malakas ang kabog ng puso niya.
Natauhan lamang siya ng tinawag siya ulit nito.May hawak itong streetfoods.Hindi niya iyon alam.Sa Maynila kasi,kwek kwek,fishballs at iba pa ang alam niya.
“Ano yan? Ngayon lang ako nakakita niyan.”
Iba’t-ibang hugis ng turo ang nakikita niya.Talagang naamaze siya.Parang lahat gusto niyang matikman.Sa pagkakataon na iyon,nahuli niyang nakatingin si Carlo sa kanya at malaki ang mga ngiti sa labi.
“What? Do I really look funny?” Ok lang na sabihin nito na ignorante siya pero para talagang sosyal ang turo sa Pangasinan.Parang nuggets with matching different shape and size.
“Manong pwede bang ubusin na namin ang tinda niyo? Itong kasama ko kasi masarap kasama at walang arte,mukhang mauubos niya ang turo niyo.”
Narinig niyang tawa ng tawa si Carlo dahil sa walang awat niyang pagkain ng turo.Hindi na siya nito makausap dahil sa katakawan niya.Pati ang mga sawsawan kakaiba ang lasa.Ang sarap lang talaga,kahit kakaiba ang hitsura ng turo na iyon,talagang kinabog ang panlasa niya.
“Hinay lang Princess madami pa naman..”
“Carlo ang sarap talaga..iba talaga ang lasa nito sa fishballs”
“Mabuti nagustuhan mo,akala ko mapili ka sa kakainin mo,nagkamali pala ako,mas nagugustuhan tuloy kita ngayon..”
Feeling niya nagblush siya sa sinabi nito.Iniba na lang niya ang sasabihin niya,naiilang din kasi siya kay Carlo na kanina tingin ng tingin sa kanya.Madami din silang pinagusapan habang naglalakad na pauwi.Masarap din pala itong kasama.Tawanan lang sila ng tawanan.Nalaman din niya na mahilig talaga ito sa corny jokes.
“Teka nga pala,bakit ba ang lakas mo sa University? Hindi ka nila sinisita kahit nakasibilyan ka?”
“Bakit hindi ba bagay sakin?”
“Bagay nga sayo Carlo,kaso nasa eskwelahan tayo at hindi yang damit na yan angkop na sinusuot ng isang estudyante”
“Alam ko naman yan,mas komportable lang ako dito,pero dahil sayo naliwanagan ako..”
Nang makarating na sila ni Carlo sa bahay niya,nagpaalam sila sa isa’t-isa.Nag-enjoy siyang kasama ito.Si Shane ang nagbukas ng gate para sa kanya,nakita niya ang kakaibang titig nito sa kanya.Nahuli din niya ang tingin nito mula sa labas ng gate,hinabol nito ng tingin ang lalaking kasama niya at ang dala niyang turo.Hindi na talaga siya naawat sa pagkaing iyon kaya nagpatake-out siya.
“Hi Shane” bungad agad niya,inalok pa niya ito ng dala niya.
“Gabi na ah,bakit ngayon ka lang? Saka bakit kasama mo si Carlo?”
Wow ah tatay? Tatay?
“Pssssttt! Shane take it easy take it easy.Dami mo namang tanong..kaya isa lang ang sasagutin ko.Kumain lang kami ng turo diyan,may dala pa nga ako eh,see?” Sabay taas ng balot ng plastik na dala niya.
“Ano yan?”
Ipinakita niya dito ang masarap na pagkain na sinasabi niya,tinawanan lang siya nito.
“Kumakain ka niyan? Rico hindi ko alam na mahilig ka pala sa turo na iyan.”
“Bakit? Masarap kaya siya,katunayan niyan inubos namin yong tinda ni Manong eh”
“Alam mo ba kung ano yang kinakain mo?
Oo nga noh? Kanina pa niya iyon kinakain pero hindi niya iyon alam.Ni hindi din niya naitanong kay Carlo.Basta kasi masarap kakainin niya.Hindi kasi siya mapili sa pagkain.Umiling siya kay Shane,ang alam lang niya parang nuggets iyon.
“Frog nuggets iyan Rico,dito tawag diyan Patang turo.Sa tagalog PALAKAAAA”
“Ah palaka lang naman pala eh,masa---“
Tama ba ang narinig niya? Frog nuggets? Bakit lasang manok?
PALAKA..
PALAKA..
PALAKA..
Pakiramdam niya umiikot ang sikmura niya.Lahat ng kinain niya naguunahang lumabas sa bituka niya.Hindi na niya kaya pa ang nararamdaman niya,naghuhurementado na ang lahat ng kinain niya paakyat sa esophagus niya.
“Rico are you alright?”
“Shane saglit lang ang sakit tiyan ko.”
Walang sabi-sabing mabilis niyang tinakbo ang banyo.

BINABASA MO ANG
ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]
Fiksi Remaja[RT] "Isa yan sa signature sign of strong love ko sayo at tanging para sayo lamang Rico,at promise ko sayo na hindi yan mawawala sa pagiging cursive.Dikit dikit dahil hindi magkakalayo parang tayo" -SHANE "Dont worry Rico , just let me be like this...