CH7 : Pasukan na!

628 70 39
                                    

“Rico!”

Malakas na tawag niya kay Rico.Kasalukuyan itong naunang lumabas ng pintuan ng bahay nila at nasa hardin na ito.Siya naman papalabas pa lang ng pintuan.Ang buhok nito ay sinayaw ng hangin ng lumingon sa kanya.Ang sikat ng araw ay tumama sa makinis nitong pisngi na nagpalitaw ng mala-rosas nitong kutis.Hinawi nito ang buhok na napunta sa pisngi papunta sa tenga nito.Bigla siyang natigilan ng ngumiti ito sa kanya.Hindi niya tuloy alam ang susunod na sasabihin.

“Shane!”

“Ah-Eh hintayin mo ako?”

“Ahm dito lang ako sa may gate?”

“A-akala ko kasi mauuna ka na?”

“Dito lang ako,at saka malamang first day ko sa University niyo.Alangan na mauna ako sayo?”

Natawa siya bigla.Para silang nagtatanungan.Saka niya lang narealize na masyado siyang OA.Tama din ang sinasabi nito.Pagkatapos ng nangyari sa kanila sa Hidden Valley Resort,ngayon lang sila nakapagusap ng maayos ng walang taasan ng boses.Nagpapasalamat siya at Okey na sila.Siguro isang signal na din ang naganap dahil sa pagtapak nila sa Legendary Dambana na andun at ngayon maayos na ang samahan nila,hindi tulad ng una nilang pagkikita.

“Ah-Eh sabi ko nga eh”

Sabay na silang lumabas ng gate ng bahay nila.Naghihintay na kasi ang mga Officials ng Local Exchange Student Program.Yon kasi ang first time ng buong bansa na magkaroon ng LES,at naganap pa iyon sa University nila.Ang lahat ay sobrang excited sa kahihinatnan ng buong Program.Ihahatid sila papunta sa Unibersidad at ipapakilala sa lahat si Rico.Kinakabahan siya dahil haharap sila sa mga boss ng LES.Unti-unti  siyang lumapit kay Rico.

 “Rico, Whoops Kirri ka nga” Wala sa sariling sinabi niya.Baka sakaling mawala ang tensyon sa dibdib niya.

“Ano? Sinabi mo nga ulit?” Medyo tumaas kilay nito at  bigla siyang nagpanic.Ano ba kasing nakain niya at iyon ang nasabi niya?!

“Ahm ang sinabi ko ano nararamdaman mo ngayon? Kumusta ka?” Ok sana hindi failed!

Ah akala ko kamukha ko si Vice Ganda eh,Sorry Shane talagang mauupakan kita joke haha” Ok laughtrip siya dun,sayang maganda ito, Yon lang bingi pala.

“Shane kinakabahan ako.Please wag mo akong papabayaan ah kundi dead ka sakin!” Aba Aba! Pinagbantaan pa ako? Tss,babae talagang ito!

“Don’t worry nandito lang ako,hanggang matapos ang unang araw mo sa University.”

Sumakay na sila sa Official Service ng LES.Abot-abot ang kaba niya,para siyang natatae na ewan.Ngayon lang siya kinabahan buong buhay niya.Bawat bump na madadaanan ng sasakyan nila,pakiramdam niya sabay ding lalabas ang utot niya doon.Dumungaw siya sa bintana at hindi niya talaga mapigilan na lumaki ang mga mata niya sa nakikita.

“Oh my Giness Shane! Bakit ganito! Bakit ganito! Answer me!” Nangingisay na ito sa kinauupuan.

Nagpapanic na si Rico at pinatutunog nito ang mga daliri sa mga kamay nito.Ang lahat ng mga estudyante sa University ay nasa labas na ng School Gate,ang ilan naman ay may hawak hawak na banners bawat isa.Huminto na ang service at kinailangan na nilang bumaba sa sasakyan.

“R-Rico,Ok lang yan dito lang ako.” Sabi niya dito bago siya tuluyang bumaba.

“Salamat Shane”

Nagmistulang mga celebrity silang dalawa.Mas lalong naging matunog ang pangalan niya sa buong University dahil sa pagiging accompany niya sa LES.Dagdag pa dahil isa siyang Arnis Master.

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon