CARLO's POV

445 52 43
                                    

Author’s note: first time magka.POV ni Carlo Perez.(haha sa dalawang characters lang kasi ang revolve ng story eh)Para malaman niyo din ang nasa isip ni Carlo . Enjoy reading !

Hindi siya nag.atubili na habulin si Rico.Hindi siya namamalik mata at talagang nakita niya itong lumuha.Masakit para sa kanya na umiiyak ito at alam na niya ang dahilan kahit pa hindi nito sabihin sa kanya ang nasa loob nito.

“Rico what’s wrong?,why are you crying?”tanong niya ngunit hindi ito sumagot.Tumitig lang ito sa kanya.Hinintay niya ang sagot nito ngunit tuloy lang ito sa pagiyak.Maya maya ay yumakap ito sa kanya at hindi niya sinayang ang pagkakataon at gumanti din siya ng yakap.

“ang sakit,sakit carlo dit-o”maya maya sabi nito itinuro pa nito ang bandang dibdib.Hindi  niya talaga maipaliwanag ang sakit sa puso niya ng mga oraS na iyon.Ang makitang nasasaktan ang taong mahal mo,walang kasing sakit iyon.

Itinayo niya si Rico  at pansamantalang inilayo sa practice nila,alam niya dissapointed sa knila si megan sa ginawa nilang pag walkout,naririnig niya ang pagtawag nito sa kanila.

Kanina ramdam niya si Rico,ang pag.katuliro nito,ang pagiging tahimik nito at higit sa lahat ang inasal nito nang dumating sina Shane at melanie na magkasama.

Si Rico ang dahilan kung bakit nasa Pangasinan siya,pinilit talaga niya ang tita niya na anak naman ng Principal ng school nila na siya na ang piliin na maging LES.Nakita niya si Rico noon sa Bus na sumakay noon sa manila,at dahil punuan siya ang nag.volunteer na ibigay ang upuan niya dito.Ewan ba niya pero agad na nabighani siya dito.Inaamin niya naging stalker din siya nito,natatawa man siya sa mga ginagawa niya pero iyon lang ang paraan para mapalapit siya dito.Ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito.Lahat ng effort na gugustuhin ng babae na gawin ng isang lalaki ay ginawa na niya.

TANGA. Siguro iyon na ang maitatawag niya sa kanyang sarili dahil nagmamahal siya sa taong may mahal ng iba. Oo , alam na niya na may gusto itong iba at si Shane ang lalaking iyon.At alam din niyang the feeling is mutual dahil Lalaki siya at nakikita niya iyon kay Shane

Napamura siya sa kanyang isipan.Nasasaktan siya pero patuloy pa rin siyang nagmamahal.

ano bang mali sa akin??

Dinala niya si Rico sa lugar kung saan sila unang nagkausap ng matagal.Umupo sila doon at hinayaan lang niya itong umiyak.Kung alam lang nito na handa siyang maging panakip butas lang,kahit masakit sa kanya kaya niya iyong tanggapin,makasama lang niya ito,wala siayng hihinging kapalit.

I am stupid and i know it :-(

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon