A/N:(Start of roleplay RT :D) Sorry sa kabaliwan ko :)
“Mommy,Daddy!”Malakas na sambit ni Rico.Kita niya na naluluha na ito sa kaligayahan ng patakbong lumapit sa mga magulang nito.Siya naman nanigas sa kinauupuan nang marinig ang mga sinabi ni Rico.Parents niya? Ang aga naman ng biyaya ng Diyos,kahit hindi pa ako handa,eto ngayon sila..Thank you Lord. Sa kabila ng pasasalamat niya,ang ngiwi sa mukha niya hindi niya maialis.Well dahil na rin sa kabado siya.
Tumayo na siya at unting-unti lumalapit kina Rico,kulang na lang ay gumamit siya ng saklay dahil sa pangangatog ng mga binti niya.Ang saya saya niya dahil makikilala na niya ang mga magulang nito dagdag pa na nakikita niya si Rico sa sobrang kaligayahan.Hindi niya ito masisisi,magaapat na buwan na din kasi ang nakalilipas at alam niyang sobra na ang pangungulila nito sa mga magulang.Hindi niya namalayan na nauna na palang nakalapit si Rome sa mga ito.Well ano pa nga ba? Si Carlo ayon nakapagmano na din.Bakit ba lagi na lang siyang nahuhuli?
“Tita Marina,Tito Richard mabuti at nandito na kayo.Kanina ko pa po kayo hinihintay,mabuti at nalaman niyo ang exact address dito?” sabi ni Rome.Naguumpisa na naman itong umepal.Kanina pa siya talaga naiinis dito,bakit ba kasi nandito ito sa bahay nila? At bakit hindi agad nagpapaliwanag si Rico sa kanya kung sino ba talaga si Rome?
Agad din na winelcome ng mga parents niya ang mga parents ni Rico.Nagkamustahan ang mga ito tungkol sa byahe.Abot hanggang tenga ang mga ngiti nilang lahat dahil sa kasiyahan.
“We really miss you darling.Sobra kaming nagalala tungkol sa nangyari sayo kaya nagpasya na din kami na bisitahin ka dito”si Tita Marina ang nagsasalita.Ang kagandahan nito ay hindi pa din kumukupas sa tingin niyang edad nitong 40’s.Talagang may pinagmanahan si Rico.Napayakap lang si Rico dito.Magyayaya nang umupo si Rico ng may tinawag si Tito Richard sa labas ng gate.Curious siya? May iba pa bang kasama ang mga ito?
“Mga iha halika kayo dito”tawag nito sa mga babaeng nakatalikod sa gate nila.Sinabi nito na ang mga babaeng iyon ang tumulong sa kanila upang marating ng mas maaga ang kanilang bahay.Nang unti unting humarap ang mga ito at naglakad papasok ng pinto nila,naliwanagan talaga siya.Ano ang ginagawa ng mga ito sa bahay nila?
Nagkatinginan silang tatlo nina Carlo at Rico.Ayaw niyang magisip ng kung ano pero bakit?Lahat sila nasa sala habang si Rome inulit ang kantang naudlot kanina nitong kinakanta.Si Carlo mataman lang na nakikinig at nakikipagkwentuhan kay Tito Richard.Si Rico tahimik lang habang nakikinig sa kwentuhan ng mga parents niya at the same time sumusulyap na din sa mga babaeng iyon.At siya? Ayon OP,as in oping palaka.
“Shane,iho kumusta ka naman?salamat sa pagaalaga sa prinsesa namin ah”bumilis tibok ng puso niya,hindi agad siya nakasagot,kinakabahan siya.Nagulat din siya dahil bigla na lang nagsalita si Tita Marina.Pwede ba niyang sabihin na tita mahal ko po si Rico,at aalagaan ko po siya talaga.Pwede ko na po ba siyang pakasalan?,kaso hindi pwede! Baka pagalitan pa siya ng mga ito.Ang bilis naman niya!
“Ahm mabuti naman po Tita.Kayo po?Kumusta po biyahe?”gusto niyang itanong kung bakit kasama ng mga ito ang mga babaeng iyon,ngunit nahihiya siya.
“Ay iho,muntikan na kaming maligaw.Pumunta kami ng University niyo kaso sabi ng guard umuwi na daw ang LES.Si Rome naman nagtetext samin at sumama na sa inyo.Mabuti na lang at nag.magandang loob ang mga ihang ito” sabay tingin nito sa mga babaeng iyon.Matagal na din na wala na siyang naging balita sa mga babaeng iyon pati na din sa babaeng nasa harap niya.Ilang linggo na din ang nakakalipas.
“Iha ano bang pangalan mo?”tanong ni Tita Marina
“Melanie po Tita,at walang anuman po.Alam ko naman po talaga ang pagpunta dito.”May diin ang salitang ‘talaga’ ng sabihin nito.Kasama din nito ang Powder Puff Girl,na grabe ang mga powder sa muhka na kala mo laging may foundation day.
BINABASA MO ANG
ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]
Teen Fiction[RT] "Isa yan sa signature sign of strong love ko sayo at tanging para sayo lamang Rico,at promise ko sayo na hindi yan mawawala sa pagiging cursive.Dikit dikit dahil hindi magkakalayo parang tayo" -SHANE "Dont worry Rico , just let me be like this...