CH4: AKWARD

709 80 56
                                    

Pumasok na siya sa loob ng kwarto pagkatapos na maihatid siya ni Shane.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Halo-halo ang nararamdaman niya. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya maiwasang hindi mag-sungit. Nabasa pa ni Shane ang message niya na para kay Rome na bestfriend niya at akala nitong boyfriend niya! Ugh!

"Very akward talaga,kainis! ‘’ Hindi niya maiwasang hindi mainis.Muhkang lahat ng mga plano niyang pag-eenjoy sa Probinsyang ito ay hindi na niya magagawa.Dissapointed siya ngayong araw.Inaasahan pa naman niya na makaka-bonding ngayong gabi ang pinapangarap niyang sister.Inilibot niya ang kanyang paningin.Namangha siya ng todo sa gamit na nasa kwarto niya.Hindi maipagkakaila na mayaman ang pamilya ni Shane. Baka maging boyish ako nito haha! Si Sakurage! Si Papa Naruto wahhh! Napalapit siya bigla sa mga favorite niyang anime characters wallpapers.Ngayon lang siya natuwa kay Shane.Hindi naman niya masisisi si Shane dahil expected din nitong lalaki siya.Lumundag siya papunta sa kama.Hindi ako makakatulog nito. Hay naku!

Tomorrow is another day,and also unpredictable.Hindi niya alam ang mga mangyayari bukas at talagang kinakabahan siya.Ngayon nasa lugar siya na wala siyang pamilyang kasama at mga kaibigan.Wish niya na sana maging maayos ang pakikisama niya sa pamilyang ito.Pagkatapos niyang magpalit ng damit pantulog,nahiga na siya at pinilit niyang makatulog.Nagtext na din siya kina Mommy at Daddy niya na ligtas siyang nakadating sa Pangasinan.Sinulat na niya sa diary niya ang naganap ngayong araw.

BOSS YOU HAVE A TEXT MESSAGE.

Tumunog ang phone niya.Kinuha niya ito at nakita niya kung kanino galing ang mensaheng iyon.

Sis Shane

Nalungkot siyang bigla dahil kailangan na pala niyang palitan ang name nito sa phone niya Hindi nga pala siya babae..

Ok ka lang ba diyan?

Pinag-iisipan tuloy niya kung magrereply siya,pero nagpasiya pa din siyang magreply dito.

Ok lang ako.Pasensiya ka na sa akin.


Pasensya ka na din,Nagharap tayo sa ganitong sitwasyon

Ok lang.Tulog na ako ah.Goodnight.

Maaga siyang nagising kinabukasan.Kahit pa hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa talagang namamahay siya ay pinilit niyang gumising ng maaga.Ayaw niya kasing siya pa ang unang gisingin ng mga ito.Nahihiya pa kasi siya talaga.Dahan-dahan siyang lumabas ng hallway at tuwang-tuwa siya dahil hindi pa gising ang mga ito,kaya pagkakataon na niyang gawin ang morning habit niya.Lumabas lang siya ng bahagya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya at inilabas sa kanyang bulsa ang cellphone niya.Hinanap niya ang paborito niyang tinutogtug tuwing umaga sa bahay nila, Pantulong na din sa pag-eersisyo niya.

 Wala pang tao ah, Makapag.exercise nga muna..

Tinugtog niya sa kanyang cellphone ang sikat na kanta ngayon ni Vice Ganda na kinagigiliwan niyang pinatutugtog ang 'Whoops Kirri" Luminga-linga muna siya upang siguraduhin na walang tao at hindi siya makikita ng sinuman sa gagawin niya. Aba! Iba na talaga kapag nagmukhang tanga ka dito! Matinik ata to! haha

Dahan dahan ginalaw mga braso niya at sinundan ang saliw ng musika.Inunat niya ang mga braso niya.Pagkatapos niyon ay nag-jumping jack niya.Ginalaw niya ang leeg niya sa direksyon ng kanan at kaliwa.Pinaikot din niya sa kanan at kaliwa motion ang beywang niyang napaka-slim na inalagaan niya sa gym.Pero ang totoo niyan,matakaw siyang kumain at marami ang pumupuna sa kanya kung bakit hindi siya tabaing babae.

Hindi na niya mapigilan ang sarili niyang mapa-indak na parang “Shout for joy” ang tinutogtog niya nang nasa korus na ang kantang nag-paplay sa cellphone niya.Kulang na lang ay ihagis niya ang sarili sa hagdanan sa sobrang hyper niya at nakalimutan niya na hindi niya pala bahay na kasalukuyan niyang sinasayawan. Who cares anyway?

A/N: [PAKIPLAY PO ANG NASA MULTIMED YOUTUBE]

Whoops Kirri Whoop Kirri Whoops

Everytime I see you

Whoops Kirri Whoop Kirri Whoops

I want to know you

Whoops Kirri Whoop Kirri Whoops

Hope you feel the same too

And I go Whoops Kirri Whoop Kirri Whoops

I think I love you

 “I Think i love you oohh yeah" Tawa siya ng tawa habang sinasabayan ang last stanza ng korus.Sinabayan pa niya ng pagwawasiwas ng buhok niya na tila nag-Whiwhip the hair peg siya.Tinigil  niya iyon ng hilong-hilo na siya.Para siyang high na tawa ng tawa magisa.Sumayaw pa siya ng sobrang hyper, tipong sobrang galawgaw,kembot doon kembot dito.Halos stage niya ang hallway at  hanggang sa napalapit siya sa pintong malapit sa hagdan.Hindi niya inaasahan na nakabukas pala iyon at nakita niyang naka-dekwatrong upo si Shane at may tingin na may halong ngiting mapang-asar sa kanya.Huli na para ayusin ang magulo niyang buhok na iwinasiwas siya sa kakasayaw.Lalong huli na din upang patayin ang musikang sinasayaw niya. O.o

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya.Para siyang bulating nabuhusan ng bato-batong asin.Nagkatitigan sila ni Shane.Kinabahan siya at hindi makapagsalita.Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya.And before she knew it,matagal na siya nitong nakitang nagsasayaw.The nerve! Ang lakas ng loob nitong panoodin siya! At ang ngisi nito sa kanya parang tuwang-tuwa pa ito sa kanya! Nanlalamig siya.Feeling niya natuyuan siya ng laway ng mga oras na iyon.Agad siyang nagbilang sa kanyang isip at pagsapit ng pagbibilang ng tatlo,Mabilis siyang tumakbo pabalik sa isang kwarto na sa sobrang pagmamadali niya maling pinto pa ang nabuksan niya.

"Wait!" Narinig niyang tawag nito sa kanya ngunit hindi  na siya lumingon.Nangangatog siya sa sobrang kahihiyan.Hinding-hindi na siya sasayaw ng kahit na anong sikat na kanta ni Vice Ganda,hangga’t wala siya sa tunay na bahay niya sa Manila.Lesson learned na dapat at tanging sa loob siya ng kwarto dapat magsayaw para mas safe sa kahit na sino.Huli na ng marealize niya na Fire Exit ang napasukan niya at hindi ang kwarto niya.

Sobrang kahihiyan naman nito, Paano ako haharap sa kanya nito mamaya? And Rico ano ulit iyong sinasabi mo kanina na matinik ka? Bulyaw ng utak niya.

--------------

 

“Wait!” Sigaw niya kay Rico na nagmamadaling tumakbo.Mali kasi ang pinasukan nitong pintuan.Entrance iyon para sa Fire Exit.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng pagbangon niya sa hingaan niya kanina ay ang pagsasayaw ni Rico ang nabungaran niya.Sinadya niyang panuodin ito ng hindi nito alam.Tawa siya tawa at halos maluha na siya sa sobrang pagpipigil.Ang cute kasi nito.Well in all fairness magaling itong sumayaw,yon nga lang nong hindi pa sikat ang salitang “sayaw” Paano naman talagang nagkakalat ito sa hallway nila! Mas lalo niyang tinatawanan,ang ginagawa nitong pagwawasiwas ng mahaba  nitong buhok paikot na parang nakikipag-showdown ito.Humingi man siya ng tawad dito,ngunit hindi niya maipapangako na kakalimutan niya ang nakita niya.Men! Hindi pa ako maka-moveon! Haha

Sabado ngayon at balak ng buong pamilya na ipasyal si Rico sa magagandang tourist attraction sa kanilang lugar.Pipilitin niya na maging close sila at hindi iyong puro na lang pagtataray ang lagi niyang natatanggap mula dito.Lalo pa't magkasama sila sa iisang bahay.Kailangan nilang kausapin ng maayos ang isa’t-isa.

Bumaba na siya sa kanilang kitchen upang mas maka-refresh sa napanuod niya kanina.Baka gutom lang si Rico kaya naging paranoid iyon.At ano ulit iyong sinasayaw ni Rico? Whoops Kirri? Matagal na ang kantang iyon,ngunit sa tulong ng komedyanteng si Vice Ganda,ayon namamayagpag ulit sa kasikatan.Ang Mommy niya,adik din sa kantang iyon.Nasisigurado niyang magkakasundo ang dalawang babae dahil sa kantang iyon.Pasipol-sipol siya habang nagtotoast ng tinapay ng marealize niyang natagpuan niya ang kanyang sariling iniisip pa rin si Rico,Kahit sa paghahanda niya ng breakfast ay ang hymm ng Whoops  Kirri ang kinakanta niya.

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon