Who's that guy?

18 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!"gulat na sambit niya sa bagong dating na lalaking nasa harap niya.Hindi pa din siya makapaniwala na nasa harap niya ito.Halos tatlong buwan at kalahati na din ang lumipas.

"Hindi mo ba ako namiss Rina Colline?Sobra akong nagalala sayo nang mabalitaan sa Campus natin sa Manila yong nangyari sayo.Kaya agad na nagpaalam na ko sa Dean natin na liliban ako ng 2 araw para makita kita"Ang thoughtful lang talaga ni Rome.Classmate niya ito noong Grade School niya hanggang ng mag-College sila.Maituturing na niyang bestfriend ito.Ito lang din ang nakakaalam kung ano at paano siya inisin.

"I bet you,nainis ka kanina diyan sa crew ng Conveniece store no?Sinabihan ko kasi yong crew na idialect ka para inisin ka pero well mukhang di kinaya ang kagandahan mo" tumatawa pa ito habang sinasabi iyon.

Well sinasabi na nga ba niya eh,hilig talaga siya nitong asarin at ibully.Minsan pag naiinis siya dito hindi na lang niya ito pinapansin.Inirapan niya lang ito.Binabawi na niya ang nasa isip na namiss niya si Rome.Napalingon siya sa dalawang lalaking tumatawag at tumatakbong papalapit sa kanya.Parehas na nakasimangot ito.

"Bakit mo niyakap si Rico?Sino ka ba ha?"Inis na sabi ni Shane.Hinawakan nito ang kamay niya palayo kay Rome.Ngayon may naaamoy siyang trouble.

"Sino ka?Alam mo bang kasalanan yang ginawa mong pagyakap sa prinsesa ko?"Si Carlo na seryoso na din ang mukha na unti-unting lumalapit kay Rome.Ngunit hindi naman natitinag sa kinatatayuan si Rome.

"Rina Colline,Please tell me sino ba ang dalawang asungot na ito?"Hindi na din maganda ang timpla ng mukha ni Rome.Kilala niya ito.Hindi din ito papatalo kahit kanino.Kaya nitong ipagtanggol ang sarili nito.Katunayan niyan sikat ito sa Campus nila dahilan sa Varsity ito ng iba't-ibang sports sa University nila.Well kung itatanong niyo kung ano ang forte nito? Muay thai lang naman.

Bago pa lumaganap ang tensyon sa pagitan nilang apat,nagpresinta na din siya na umuwi na sila.Pagabi na din at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila sa daanan.Habang naglalakad sila tensyonado siya.Panaka naka kasi siyang sumusulyap sa tatlong lalaking kasama niya at takot siya dahil masama ang titig ng mga ito sa isa't isa.

Napatigil sila sa paglalakad ng huminto din sa paglalakad si Rome.Kita niya sa muhka nito ang mga tanong na nais nitong itanong sa kanya.Malapit na sila sa bahay dahil tanaw na niya ang gate nina Shane.

"Bakit ba iba ang pakiramdam ko na kasama natin ang dalawang iyan?"Si Rome na pinatutungkulan nito sina Carlo at Shane.

"Bakit Pare may problema ka?" Si Shane ay halatang nagtitimpi lang.Kung ano ang kaamo ng mukha nito, kabaliktaran naman kapag galit.Hindi siya manhid alam niyang pinoprotektahan lang siya nito at nagpapasalamat siya dito.Kung alam lang nito na hindi ito dapat magselos dahil magkaibigan lang sila ni Rome.

"Paano kung sabihin kong meron?" sabi ni Rome na palapit ng palapit kina Carlo at Shane.

"Ano ba! Tama na nga iyan! Malapit na tayo sa bahay oh,baka makita pa kayo nina Tita Daisy na ganyan,nakakahiya!" sabi niya sa mga ito.Infairness,tumahimik nga ang mga ito.Tumahimik silang lahat.Nagpatuloy na sila sa paglalakad.Maya maya nagtanong siya.

"San ka ba tumutuloy dito Rome?Magisa ka lang bang pumunta dito?"Curious na tanong niya.Kanina pa kasi sila naglalakad at wala pang binabanggit ito.Well hindi na siya magugulat kung paano nito natunton kung nasan siya.Alam kasi ng Campus ng school niya sa Maynila kung saan ang address niya ngayon.Di ba nga LES siya?

"Yan nga ang problema eh,hindi ako agad nakapag.in sa hotel dahil una talaga kitang hinanap.Kung ok lang makikituloy muna sa inyo?" patay!

"Ano?! Hindi pwede!" Napalakas ang boses ni Shane sa narinig.Nanlaki ang mga mata nito.Napahinto tuloy sila sa paglalakad.

Hindi siya makapagsalita.Paano niya sasabihin kay Rome na kina Shane siya nakatira?Tanging Magulang lang niya at ang Staff ng University sa Manila ang nakakaalam.Confidential kasi ang information ng LES.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon