CH6 : Legendary Dambana

597 69 40
                                    

Lutang pa din ang isip niya ng mga oras na iyon.Kati-kating na ang mga palad niya na sampalin ang pagmumukha ni Shane sa ginawa nitong paghalik sa kanya.Hindi siya makapaniwala na sa tagal na inalagaan niya ang labi niya sa mga mapanuksong poster ni Enchong Dee sa kwarto niya sa Manila,kahit sobrang tama niya sa celebrity na iyon ay hindi niya talaga iyon nilalapa.Hangga’t maaari,hindi siya nagpapaligaw sa kahit na kanino,inaalagaan niya kasi ng sobra ang kanyang sarili.Ngayon,sa isang iglap ang mga labi niya’y nadapuan ng isang K-I-S-S,at sa taong 2 araw pa lang niya na nakikilala! Hindi na talaga siya aatras at mamayang gabi,gagawa na siya ng GOGOdolls.

Yong feeling na sa sobrang inis na inis ka na,sasabog ka na,hindi niya magawang magalit ng todo-todo,dahil si konsensiya niya ginagatungan ang pag-iisip niya at sinasabi nitong kulang pa ang halik ng isang DemiGod. Haller kadiri!

“Hija ok ka lang ba?” Bumalik ang kanyang matinong pagiisip sa tanong na iyon ni Tita Daisy.Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya dala na din ng malayo niyang pagiisip.Kasalukuyan na silang nag-aayos ng kanilang gamit dahil aalis na sila sa Calasiao.Linggo na at kinabukasan ay pasukan na niya.Kahit bitin ang pag-stay nila sa Resort ay kahit papaano ay nag-enjoy talaga siya.

“Opo naman Tita Daisy”

“Muhkang may bumabagabag sayo?”

Napangiti siya sa sinabi nito.Talagang straight itong magtagalog at walang tono.Pati si Shane,at ang Daddy nito.Walang tono ang pagsasalita ng mga ito,kumpara naman sa mga naririnig niyang nagtatagalog kanina.

“Ahm wala po Tita,medyo naiinis lang”

“Alam mo ba,dito sa amin may para-paraan kami pantagal ng inis sa aming dibidib,tara sama ka sa akin labas tayo saglit sa Garden dito” Sabi nito na lumabas at siya naman ay sumunod.Curious siya ng makitang nasa harap na sila ng mga Santan flowers at madami din siyang nakikitang puno ng hindi niya mawari kung ano ang mga iyon.

“Tita ano pong ginagawa natin dito?”

Hindi siya nito sinagot.Bagkus dahan-dahan itong lumapit sa mga punong nanduon.Nakita niyang kinukuha nito ang maliliit na kulay pulang prutas na iyon.Hindi niya talaga alam ang mga iyon.Sorry lumaki kasi ako sa lungsod at wala ito doon! Haha Kumuha ito ng ilang piraso at inabot sa kanya.

“Hija paborito ito ni Shane noon at sigurado akong magugustuhan mo ito”

“Tita,ano po ba ito,ngayon lang po ako nakakita ng ganito.Ka-kainin ko po ito?” Takang tanong niya.Hindi siya sure kung talagang kinakain iyon.

Ngiting-ngiti sa kanya si Tita Daisy niya,nakikinita niya sa muhka nito ang ‘Mukang ignorante look’.Paano ba?,eh hindi niya talaga alam ang mga iyon.Tumango lang ito at kinain niya ang tatlong pirasong binigay nito na muhkang kamatis style.Hindi niya alam ang magiging pakiramdam niya,para siyang naging bata ng mga sandaling iyon.Ang tamis lang ng mga iyon,ibang-iba ang lasa at talagang nakakagaan iyon ng pakiramdam.Halo-halo din ang texture niyon.Ang sarap at gusto pa niya.Nabitin siya dahil napaka-unique ng lasa nun.

“Alatiris ang tawag diyan iha”

Alatiris pala ang tawag dun,ngayon alam na niya.Binigay din ni Tita Daisy niya ang isang tangkay ng santan.May ginawa muna ito sa bulaklak na iyon pero hindi niya tiyak kung ano iyon.Inabot na lang nito ang manipis na nectar ng santan flower at sinabi tikman niya ang liquid thingy don.Like duh? Seriously? Titikman? Ano siya butterfly? NapaOMG siya! To the highest level ang mga new experiences niya.Ang sarap lang ng syrup na galing sa santan.Ang dami niyang bagong naranasan.

OMGiness Tita ang tamis!” Effective nga parang nawala ang lahat ng inis niya sa dibdib.Ngunit kung kelan naman ok na siya,saka naman niya ulit nakita na papalapit sa kanila si Shane.Agad siyang nagpaalam kay Tita Daisy at dali-dali siyang lumayo palayo mula sa lugar na iyon.Hindi niya gustong makita ito,maiinis lang siya!

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon