“Anong nangyari sayo?” Pagaalalang tanong na iyon ni Shane na naghihintay sa kanya.Nanlalamig ang mga buong katawan niya sa nalaman niya.Takot na takot siya.Paano nangyari iyon na si Rodjun at Melanie ay mayroong relasyon gayong wala pang buwan mula ng maghiwalay ito at si Shane.
Hindi ba ako ang dahilan kung bakit mo siya iniwan noon?!paulit ulit iyon sa kanyang isipan
“Inaro..”
Nagulat pa siya ng tawagin siya ni Shane.”Ok ka lang ba?” tanong nito
Kailangan ko bang sabihin sa kanya? Paano na lang,,paano na lang ..
Nagaalangan siya.Natatakot.Paano na lang kung malaman nito ang lalaking naging dahilan ng naging hiwalayin nila ni Melanie at ang damuhong babae ay patuloy pa palang nagtataksil habang karelasyon pa nito si Shane?
“A-eh oo naman ok lang ako”
“Akala ko hindi ka na nakamoveon sa native egg na iyon” tumawa pa ito.Siya naman ay nakisakay na din dito.Kakalimutan na lang niya ang nangyari,tutal ayaw din niyang makialam sa nakaraan nito.Bumalik na sila sa venue at puno na naman ang buong dancefloor dahil sa piniplay ng DJ na dance for all na Harlem shake,hindi niya mapigilan na matawa sa paraan ng pagsayaw na nakikita niya muhka silang mga bulateng nabuhusan ng asin!
Hindi na siya umupo sa gitna dahil ayaw na niyang maisayaw pa,umupo na lang siya sa labas ng boundaries malapit sa puno ng mga manggang nandoon kasama si Shane,hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya at naiisipan niyang magtanong tungkol sa past nito.Tulong na din siguro iyon kung dapat ba niyang sabihin dito ang mga nakita niya.
Maingay ang paligid at talagang nagsasaya.Ang mga Classmates niya ay kanya kanyang partner sa dancefloor.Sina tita Daisy niya at Tito Marky niya andoon at sumasayaw din. Si Carlo hindi niya makita.Mahigpit naman ang hawak ni Shane sa mga kamay niya.
“How’s the breakup between you and Melanie 3 years ago?” wala sa kawalang naitanong niya,wala lang naitanong lang niya.Matagal na din niyang gustong itanong iyon,wala din siyang pagkakataon dahil nagaalangan siya.Baka isipin pa nito masyado siyang nakikialam.Padaplis lang naikwento sa kanya ni Shane ang nangyari pero hindi lahat ng detalye.
Medyo gulat itong tumigin sa kanya,then looked away again”Bakit mo naman naitanong yan inaro?
Mas curious na ako ngayon kasi mas mahal na kita ngayon,yan ok na bang sagot yan sa tanong na yan??
“Gusto ko lang naman malaman” totoo gusto niyang malaman para hindi naman siya tanong ng tanong at sagot din ng sagot magisa
Matagal bago ito nagsalita,maya maya bumuntong hininga naman ito,
“Inaro pwede ba,wag mo naman akong bugahan dyan”
Hindi ito nagreact sa sinabi niya.Naghihintay siya ng sasabihin nito,pero bakit naghihintay siya ng matagal? Talaga bang mahirap dito na magkwento ito tungkol sa X nitong si Melanie?Nasasaktan tuloy siya at hindi siya makapagsalita.
“3 years ago,masaya kami..”maya maya sabi nito pagkatapos ay bumuntong-hininga
Cge buga pa! Ano ba yan pabitin!
“Then suddenly sinabi niyang kailangan niyang magtransfer ng school,kahit masakit sa akin hinayaan ko na lang siya,kaso bigla na lang niyang sinabi na hindi niya ako mahal at kailangan na naming maghiwalay”
Nakatingin lang ito ng diretso”Masakit sa akin ang ginawa niya,hinanap ko siya pero wala talaga,then after two years bumalik siya at humihingi ng chance kung kailan nakamove on na ako,hinanap ko sa sarili ko kung pwede pa at ayon sinubukan pa namin ulit.Pero ganoon nga siguro ang tadhana,hinahayaan ka niyang masaktan para makita mo ang hindi na dapat, ngayon ko lang narealize na hindi ko na pala siya minamahal”
Nalungkot siya sa mga sinasabi nito,ano nga bang panalo niya eh nahuli siya ng dating at si Melanie ang nauna kay Shane?.Nasasaktan siya,ano nga ba ang tamang gawin?
Nagulat pa siya dahil dumampi ang mga labi nito sa kanyang pisngi.Nanlaki ang mga matang napatingin siya dito.Nakangiti itong nakatingin sa kanya
“Pero alam mo siguro talaga sinadya na iyon ng pagkakataon na mangyari dahil alam nilang dadating ka para talagang mamahalin ko”
Napangiti siya,napakasweet talaga nito”Teka bakit bigla natin na napagusapan ito? Anong meron?”
Hindi na siya nagsalita,past is past.Mahalaga ay ang ngayon at sila ang magkasama.
“Naaalala mo pa ba nong una tayong magkakilala?” tanong nito,Paano ba niya malilimutan iyon?
“Oo naman,sa email at facebook lang tayong nagpapalitan ng komunikasyon noon pero ngayon magkasama na tayo” totoo masaya siya,at hindi niya iyon maipaliwanag.
“Para tayong tanga na hindi nalaman ang totoong identity ng bawat isa,sino bang makakapagakala na tingin ko sayo ay lalaki at tingin mo sakin ay babae?”
“Anong parehas tayong tanga? Ikaw lang!” sabay tawa pa siya “Sobrang excited ko na kasi na magkaroon ng sister at hindi ko man lang pinagkaabalahan na tignan ang profile mo”
“Parehas tayo inaro,hindi mo lang alam kung gaano kalapit na akong himatayin noon sa terminal ng bus”tumawa ulit ito totoo ? hindi nga? Ang matcho matcho nitong tignan tapos ganon? Buti na lang nakapink tshirt siya non haha
“Pero tignan mo nga naman na mauuwi tayo sa ganito” si shane na sumandal pa sa balikat niya
“Oo nga,promise me inaro na hindi mo ako iiwan,at hindi tayo magkakahiwalay” humarap siya dito at tumingin sa mga mata nito , ganoon din ang ginawa nito
“Hindi lang promise inaro kundi with action din.Hindi tayo magkakahiwalay.Iloveyou inaro”
“And iloveyou too”
Sumimangot ito.Nagulat siya. Anong problema?
“why?” agad na tanong niya,worried siya
“kulang eh,may nakalimutan ka”
“kiss?”
“haha kaw ah gusto mo lang umiskor sa akin sorry ka,strict ang parents ko haha” kapal naman ng muhka ng lalaking ito mafeeling eh nagtatanong lang naman ako napahiya ako don ah hmp!
Tatayo na sana siya paano pinagtitripan siya ng damuhong lalaki itong ngunit hinila nito ang kamay niya dahilan mapayakap at mapasandal sa mga dibdib nito.Niyakap din siya nito.Hindi na niya narinig ang pagtawa nito.Naging seryoso na ito.
“Iloveyou inaro Rico at i promise na dikit dikit yan dahil hindi magkakalayo parang tayo.”
Pagkasabi nito ang mga katagang iyon ay pagyakap lang ang ginawa niya.Hindi na siya nakapagsalita pa.Masaya siya at nawala ang takot na nararamdaman niya.Alam ni Shane kung paano siya mapapasaya nito kapag malungkot at may problema siya,kung paano nito mapapawala ang takot sa kanya,ang pagalis nito ng badtrip niya,Dahil sa pagiging sweet nito,lalo siyang nadadala at naiinlove dito.
Iloveyou inaro Shane and i promise na lagi itong dikit dikit dahil hindi ito kailanman magkakahiwalay parang tayo.
BINABASA MO ANG
ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]
Fiksi Remaja[RT] "Isa yan sa signature sign of strong love ko sayo at tanging para sayo lamang Rico,at promise ko sayo na hindi yan mawawala sa pagiging cursive.Dikit dikit dahil hindi magkakalayo parang tayo" -SHANE "Dont worry Rico , just let me be like this...