CH12 : Anonymous

546 63 34
                                    

Masakit kapag ang taong mahal mo masaya sa piling ng iba,pilitin mo man ikumble ang sakit ng iyong nararamdaman sa tuwing nasa harap ka nila,hindi pa din nawawala ang isiping sana ikaw na lang ang kasama niya.

Bakit ba kasi kailangan niya iyong maramdaman? Bakit sa dinami-dami ng pwede niyang mapili,sa taong iyon pa nahulog ang puso niya.Nasasaktan siya lalo pa’t nasa iba ang atensiyon nito.Napabuntong-hininga siya.Ang tagal niyang nagtiis para sa pag-ibig nito pero mukhang huli na siya,mukhang may minamahal na itong iba.Hindi siya makatulog dahil na din sa nakita niyang eksena kanina.Ang sweet ng dalawa.Talagang bagay  sila.Kulang na lang magwala siya sa nakita.

Nasa tabi  siya ng bintana.Nakatingin siya sa langit.Nagbibilang ng mga bituin baka sakaling makatulog na siya at panandaliang mawala ang lumalaking sugat sa puso niya.Ngunit sa pagkakataong iyon,hindi na  niya mapigilang pumatak ang mga luha niya ng marinig at madama ang sakit ng kantang iyon mula sa radyo.Pakiramdam niya,para talaga sa kanya ang musikang iyon.

Tulala lang sa 'king kuwarto

At nagmumuni-muni

Ang tanong sa 'king sarili

Sa'n ako nagkamali?

Mali lang siguro ang taong minamahal niya.

Bakit sa'yo pa nagkagusto?

Parang bula ika'y naglaho... 

Naglaho nga ba? O sadyang siya lang talaga ang nagpapaasa sa sarili niya?

Kahit hindi na niya naintindihan pa ang korus ng kanta,pakiramdam niya,ang parte ng kantang iyon ang mas masakit para sa kanya.Humagulgol na  siya ng iyak.

Porque contigo yo ya escoji?

Ahora mi corazon ta sufri

Bien simple lang I yo tapidi

Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti... 

Tapidi milagro

Vira'l tiempo

El mali hace derecho

Na di mio reso

Tapidi yo

Era ol vida yo contigo..

Kasalanan niya.Pinaasa niya kasi ang sarili niya na magugustuhan siya nito,ngayon siya ang nagdudusa.Maaaring sasabihin ng iba na galing siya ng break-up dahil sa iyak siya ng iyak,ngunit para sa kanya hindi lahat ng umiiyak iniwan ng mga mahal nila,dahil ang mga luha niya ay simbolo ng kabiguang hindi niya matanggap na kailanman ay hindi magkakaroon ng katuparan ang pag-ibig niya.

Bakit ikaw pa ang napili?

Ngayon ang puso ko ay sawi

Kay simple lang ng aking hiling

Na madama mo rin ang pait at pighati... 

Sana'y magmilagro

Mabalik ko 

Mali ay mai-diretso

'Pinagdarasal ko

Sa 'king puso

Na mabura ka sa isip ko...

ILOVEYOU (dikitdikit yan para mas maintindihan mo!) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon