Chapter 20: You look so beautiful tonight...

165 25 1
                                    

Alys' POV

Pumayag naman ako ng humingi sakin ng permiso si Brett, syempre tatanggi pa ba ako kung gayon na matagal ko na rin naman yun inaasam at pinapangarap. Kaya di na ko nagpaligoy ligoy pa.

Dumaan ang isang araw bago ang Ball Night at sa buong araw na yun ay walang ibang ginawa si Brett kundi ang suyuin ako ng suyuin. Nakakatuwa kasi nakikita ko yung mga efforts niya para mapasagot niya ko.

And at the same time, may doubts parin ako siyempre. Pano kung pakana lang pala to ng mga kaibigan niya? Yung paibigin ako at pag inibig ko na siya eh malalaman ko lang pala na niloloko niya lang ako. Masakit yun diba? Pero sana hindi naman ganun.

Sinabi ko na rin kay mom na sa darating na biyernes na ang Masquerade Ball, at bilang supporter na ina binilhan niya pa ko ng isang mamahalin na gown para dito. Patube na gown ito at sa ibaba naman ng gown ay puro flower, kasama na dito ang red na maskara.

Maganda nga ito ngunit sa tingin ko ay hindi 'to babagay sakin. At inuulit ko lang kay mom na di ako masyadong reveal kung manamit at ayokong naghi-heels ako. Kaya medyo nagtalo pa kami dito ni mom. Pero bilang maganda ang taste niya ay pinilit niya ko at wala na kong nagawa.

Mamayang 6 ng gabi mag-uumpisa ang Masquerade Ball kaya ang naging usap-usapan ng mga estudyante simula siguro nung pumasok sila ay ang event mamaya.

Hindi ako excited, pero mukhang etong si Brett ay kulang nalang at patakbuhin ang oras para mag ala sais na. Sabik din siyang makita ang aking gown na susuotin mamaya kaya hindi siya magkamayaw.

Pagkatapos namang pauwiin kami ng maaga at para na rin daw makapag-prepare ay nagpaalam na si Brett na uuwi na nga siya para makapaghanda na rin daw. Ganun rin ang ginawa ko ng sunduin ako ng driver namin.

"Mom? I'm home!" Tawag ko kay mom ng pagkauwi ko. Hindi ko kasi siya nakita sa salas, probably nasa kwarto niya.

Agad may kumalabog sa taas sign na may sumarang pinto. At nakita ko si mom na kumakaripas na ng takbo pababa.

"Careful mom!" Halakhak ko. Nang tuluyan ng makababa si mom ay lumapit agad siya sakin.

"Nak magbihis ka na anong oras na, aayusan ka pa't pagagandahin. Kaya't halika na." Hindi na ako nagprotesta dahil anong oras na nga, kailangan nandun na kami sa school before 6 so probably mga 5 palang ay kailangan nandun na ang mga estudyanteng dadalo.

Naligo na ako at pagkatapos nun ay bumaba na para ayusan ng hinire ni mom na taga make-up.

Omy. Eto nanaman ba? Hindi talaga ako kumportable sa mga gown,heels,make-up. Allergic ako dun kung di niyo lang alam.

"Nak upo ka na dito at para maayusan ka na."

Sinunod ko ang utos ni mom at aba ang bakla nairita ako ng tatanggalin na sana ang glasses ko ng walang permiso!

"Uhm? Ako nalang magtatanggal ng salamin ko,pwede?" Hindi ko naiwasang tarayan ang boses ko. Mukha naman atang nagulat kaya ayun tinanggal ko na.

I heard mom chuckle kaya I turned my head just to look at her. Nang lumingon ako ay nag-iwas ng tingin si mom at palihim paring tumatawa. Ay!

Minakeup-an ako, inayusan ng buhok, tinanggal ang aking nerdy glasses. And beng! In one click, I saw again the real me and the beautiful side of me. My jaw dropped.

"Wow baby, you're beautiful. I never saw you like this before, and to proudly admit... Mana ka talaga sa kagandahan ko." Nagtawanan kaming tatlo kasama na rin ang baklang nagmemake-up sakin sa sinabi ni mom.

"Syempre mana sayo mom." Kinindatan ko si mom

"Ay siya, nangbola pa. Sige na nak magbihis ka na para makaalis ka na rin." Sabi ni mom na tumatawa parin.

"Brett's gonna pick me up mom." Nahihiya kong sabi

"You mean yung crush mo dati pa?" Amazed na tanong ni mom.

"Ah--yes mom! And actually nangliligaw din po siya sakin." Napatungo ako sa huli kong sinabi.

"Hmm.. nako nak mukhang marami ka pang di nakekwento sakin ah? Hala't umakyat ka na dahil baka mamaya dumating na yung manliligaw mo!" Natawa nalang ako sa inasta ni mom. Si mom talaga!

Umakyat na ako at nagbihis, how sad. Sobrang cute ng gown pero mukhang hindi parin talaga ito babagay sakin.

Narinig kong sumisigaw na tinatawag ako ni mom sa baba. Sabi niya nandun na daw si Brett, at sa sobrang taranta ko ay napasigaw na rin ako na bababa na ko.

Pagkatapos kong suotin ay bumaba na rin ako at nagpaalam na kay mom na aalis na kami ni Brett. Medyo inentertain pa nga daw ni mom si Brett kanina eh.

Nang dumating na kami ay agad siyang umikot sa kabilang pinto kung nasan ako at agad akon pinagbuksan ng pinto. I thanked him at inalalayan niya ko pagbaba dahil medyo malaki laki ang gown ko.

"Alys..." lumapit si Brett sa tenga ko at bumulong,

"You look so beautiful tonight' at ngumiti ng matamis.


***
4/8/16-12:02pm

A/N

Sorry sa matagal na panahong pagkawala, pambawi lang tong chapter <3 next update will be tomorrow! Lovelots ! :*

Itutuloy...

A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon