Chapter 26: Her Transformation

237 21 2
                                    

Rezza's POV

Oh! Antaray. First POV ko palang ata to? Haha. Anyway, nakikita ko ngayon ang paghihirap ng kaibigan ko. Kaya ng malaman ko kay Aki na napagtripan lang pala nila si Alys nung gabing nagkainuman sila sa bahay nila Greg kaya kahit si Aki ay hindi ko kinakausap o nilalapitan man lang. Dahil sa kaibigan niya naging miserable kaibigan ko!

Sa ilang months na break na sila ni Brett ay nakikita ko ang araw-araw na pagiging miserableng buhay niya. Kaya naaawa talaga ako ng todo sa kaibigan ko, ikaw ba naman yung kaibigan mo nakikita mo na araw-araw nakakulong sa kwarto. Umiiyak sa isang tabi at hindi kumakain eh!

Alam na din nila tito't tita ang nangyari kaya sila din ay galit na galit kay Brett. One time nga susugudin pa sana ng kapatid ni Alys si Brett pero buti napigilan, pero lahat talaga ng miyembro ng pamilya ni Alys ay gusto na talagang patayin si Brett.

Sinuggest ko kay Alys na bawian niya si Brett. Ewan ko nalang kung di siya magmakaawa kay Alys at lumuhod sa harap nito. Pero kapag nangyari yun ay sasapakin ko muna siya ng todo-todo at pagsasampalin, para maranasan niya ang sakit ng kaibigan ko!

Pagkatapos ng klase ay nagshopping kami ni Alys. Ayaw pa nga niya, pero sumang ayon rin naman siya nang malaman niyang part yun ng plano namin.

"Rezza naman eh.. Ayoko!" Nakangusong sabi ni Alys ng tanggalin ko ang salamin niya. Aish, pahirapan pa tong babae na 'to!

"Bes naman eh. Magcontact lens ka nalang!" Sabi ko at tatanggalin na sana ang salamin niya ng pigilan nanaman ako.

"Alam mo namang di ako nakakakita kapag di nakasalamin diba Rez?" Sabi niya.

"Ano pa silbi ng contact lens Alys,huh?" Sabi ko at nag smirk. Pumayag naman na siya kasi napapansin niya na pinagtitinginan na kami sa mall.

"Osige na tara na!" Sabi niya at hinihila na niya ako.

Una kaming pumasok ay sa Penshoppe. At bumili ng mga magagandang damit, accessories, sapatos at kung anu-ano pa. Okay lang naman sakin kasi pera niya naman gagamitin. Mehehe

Pagkatapos niyang magbayad ng lahat ng pinamili ay dun naman kami sa bench. Bumili ng limang klase ng pabango, ganun rin naman ako. Wala na rin kasi akong pabango eh! Haha

"San na punta natin?" Tanong niya at sa di kalayuan ay may natanaw akong parlor dito. Agad ko siyang hinila papunta doon.

"Ate? Pwede po pamake over siya? Pakulayan na din po yung buhok niya ng parang ganto.." Sabi ko dun sa parlorista at pinakita sa kanya ang gusto ko at babagay kay Alys.

"Oy anong pakulayan?" Kalabit sakin ni Alys at halatang kinakabahan siya.

"Remember part to ng revenge mo?" Sabi ko at nginitian nalang siya.

"Okaaay. Pero san ka pupunta?" Tanong niya.

"Bibilan lang kita ng damit na babagay sa buhok mo." Hindi ko na siyang hinintay na magsalita ay tumakbo na ako at naghanap-hanap ng mga damit.

Pumasok ako sa isang botique na ang gaganda ng mga damit. WOW! Just wow mga prend.

Naghanap-hanap ako ng damit at may nakita akong sobrang gandang kulay grey na damit. Simple lang pero maganda parin. Binili ko ito at naghanap hanap ako ng babagay dito na pambaba. Pumili ako ng jeggings at flat shoes na gray. PERFECT! nasabi ko nalang..

***
04/21/16-11:06pm

Woah. Napa wow ako sa transformation ni Alys! Iz so ganda naman <3 ano kaya masasabi ni Brett sa transformation na naganap? Lovelots! :*

Itutuloy...

A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon