Third Person's POV
Napatungo nalang si Alys sa nasabi ni Brett sa kanya. Namumula ang kanyang pisngi kaya ayaw niya itong makita ni Brett.
Humalakhak muna sa reaksyon ni Alys si Brett bago niya ito niyayang pumasok.
Pagkapasok palang nila sa venue ay umalingawngaw na ang malakas na tugtog, kasabay ng mga estudyanteng naka-maskara at nakasuot ng gown.
"Alys? I hope you don't mind kung pupuntahan ko muna sila Greg?" Pagpapaalam niya kay Alys.
Medyo nautal pa siya ngunit kalaunan ay pumayag na rin siya.
Nakita niya ang babaeng palinga-linga at walang maskara, napagtanto niyang si Rezza ito ng titigan niya pa itong mabuti.
"Rezza!!" Sigaw niya dahil baka hindi siya marinig sa sobrang ingay.
Nang hindi siya nito narinig at patuloy sa paglinga-linga ay lumapit na siya rito.
"Hoooooy!!" Panggugulat niya.
"Ay kabayo!" Napahawak pa ito sa dibdib sa sobrang gulat.
"Ay sorry! Sino ka ba at nanggugulat ka?" Medyo iritado nitong sabi.
"Ganyan ka ah! Porket tinanggal ko lang eyeglasses ko di mo na ko kilala." May bahid ng pagtatampo ang kanyang boses.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at nanlaki ang mata ng makitang ang pinakamatalik niyang kaibigan ito.
"Did you recognize me already?" Tanong ng kaibigan
Tumango-tango ito na parang aso sabay halakhak.
"Sorry bes kung di ko narecognize yang mukha mo.. Magbihis dyosa ba naman ang isang manang kung manamit eh, sino ba makakakilala sa kanya diba?" Sabi nito
Tama ang kaibigan niya. Nginusuan niya na lamang ito dahil wala na siyang masabi.
Maya-maya ay may nagsalita na sa harap na lalaki na naka maskarang itim at pormal na damit.
"Students? After a minutes the party will begin.. So wear your mascara's." Sabi nito sa harap.
Nakita niya ang mga estudyanteng excited na excited na at sinuot na nila ang kanilang mga mascara's. Ganun din ang ginawa nilang dalawa ni Rezza.
Makalipas ang ilang minuto at nagsimula na ang Ball Night. Marami-rami din ang pumunta kaya hindi alam ni Alys kung saan hahanapin si Brett. Lalo na't ang mga tao pa rito ay puro naka-mascara kaya malabo talaga nila mahanap ang isa't isa.
Nagpaalam sa kanya ang kaibigan na magbabanyo daw muna ito dahil naiihi. 'Ako nanaman mag-isa?' bulong ni Alys sa sarili.
Habang nagsasayawan ang mga estudyante at nagsasaya, tinitignan niya lang ang mga ito. Dahil na rin siguro sa hindi siya party-goer at hindi gantong kaingayan ang kanyang gusto.
***
4/9/16-12:00amA/N
As I promise... Lovelots! :*
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)
Fanfiction"Sorry for all the pain that I've caused. I know I've been a pain in your ass but if we can start again, I'll promise that I will be a better man if you let me do it so. And I know that you know how much I love you,right?" Ipinagdikit niya ang amin...