Chapter 31: Backhug

299 13 4
                                    

Rezza's POV

Sa sobrang inis ko kay Brett ay napadabog nalang talaga ako! Ni hindi na ako lumingon kay Bes nung tinawag niya ako. Paano na 'to? Yung malinis na record koooo!!! T__T wala talagang magandang dulot yang Brett na yan eh.

Pumunta nalang ako sa library para makapag relax naman ako kahit papaano. Tss. Tinext ko nalang si Bes na nandito ako ngayon sa library.

"Hoy! Ano ang 'dabog-dabog-scene' ang ginawa mo kanina,huh?"

Tanong ni Alys. Ano nga ba?

"Ahh, nainis kasi ako dun sa walang magandang dinudulot sayo!"

Napalakas ang sabi ko kaya napatingin sakin ang librarian ng masama. tch. Tingin tingin pa, hinayupak!

"Hayaan mo na kasi. Rezz, gusto ako kausapin ni Brett pero dinabugan ko lang din at di ako pumayag."

Pagkatapos niya loko-lokohin bestfriend ko, may gana pa siyang kausapin to?! Aba ang kapal.

"TAMA LANG GINAWA MO!!!!"

Napatayo kong sigaw at ito na ang librarian umuusok ang ilong!

"MS. BLACK LABAAAAASSS!!!!"

Sigaw din nito hindi na ako prumotesta, at bago ako lumabas ay tinitigan ko muna siya ng masama!

"Uy Rezza at Alys... pinapatawag na kayo sa guidance!!"

Pag iinform samin ng isa kong classmate na tsismosang ulul.

"Mauna ka.."

Bored na sabi ko. Nakita ko naman si Alys na tumango nalang. Ay ambait talaga!!

"HA-HA-HA. Mga eskandalosa kase!"

Binelatan niya kami ni Alys bago umalis--- ayyy!!! Magka-rhyme. HAHA.

"Ano na gagawin natin niyan?!"

Nag hy-hysterical na sabi ko sabay gulo sa buhok. Wag kayo! May swag parin ako. Huahua.

"Kalma ka lang kasi. Hindi naman tayo ang may kasalanan eh."

Pagcocomfort ni Alys, pero kinakabahan parin ako. Pumunta nalang kaming dalawa sa G.O. short for guidance office.

Alys' POV

Kung di ba naman gumawa ng eskandalo si Brett edi sana di kami mapapa guidance nakakainis lang!!!! Grrr.... Pasalamat siya gus---ayy erase!!!

"Nasaan na si Mr.Madison?" Tanong ni Mrs.Ramos ang sutil naming guidance.

"Ewan ko ba mam!" Sigaw ni Rezza.

"Shut up Ms.Black" sigaw din ni mam at may hampas pa sa table

Napabalikwas naman si rezza kaya umayos siya ng upo. Duuuh sabi sa inyo eh!

Maya maya dumating na rin si Brett, umiwas ako ng tingin sa kanya kasi pagkapasok na pagkapasok niya sa loob sakin kaagad siya tumingin.

OKAYYYYY AWKWARD!!!

"Mr. Madison ano nanaman ang ginawa mo? Nag scandalo ka nanaman!!!"

Nanggagalaiting sigaw ni Mam kay Brett kahit na katapat niya lang ito

"Sorry mam, i will not do it again. My apologies."

Ay mabait na bata! O nagbabait-baitan lang?

"Okay... At kayo?"

Tinignan kami ni Rezza ni Mam Ramos.

Ayos mukha Alys!

"Wait mam..."

Pag iinterupt samin ni Brett. Wala talaga 'tong magawang matino!

"What now Mr.Madison?" Tanong ni mam

"Ahhh... Kasi po si Alys lang po talaga ang dapat na nandito, hindi si Rezza. Si Alys po kasi ang may kasalanan nang lahat."

Aba't!!! Sinusubukan talaga ako nito ah. Dinamay pa ako. Tinignan ko si Rezza at tila ba nagniningning ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Brett.

Kinurot ko si Rezza, tinignan niya lang ako ng may pang aasar.

"So paano ba yan mam? Alis na po ako... Wala naman po pala dapat ako dito."

Hindi pa nakakapagsalita si Mam Ramos ng kumaripas ng takbo si Rezza papalabas. Urrgghh!!!

"SO YOU TWO WILL HAVE A COMMUNITY SERVICE!!!!"

"Mam/But Mam!"

"Got a problem with that Mr.Madison and Ms.Saavedra?"

Nakataas na kilay na sabi ni mam... Taray! Di pantay ang kilay ng lola niyo! HAHAHAHAHA

"No mam!" Mabilis na sabi namin

Wewszx...

So yun nga! Uumpisahan na namin ang pagco-community service. Di kami papasok sa klase ng whole day. Jusko! Pahamak kasi itong kasama ko eh!

"Alys..."

Tawag sakin ni Brett

Nandito kami ngayon sa field... Nagbubunot ng damo! Nagawa pa niya talaga makipag-usap gayong ang dami naming gagawin ah? Kaasar!

"ANO?!"

Sigaw ko sa kanya kahit magkalapit lang kami. Alam kong nagulat siya kasi narinig kong nalaglag yung pang gupit sa damo.

"Fuck... You startled me!"

La! Ang oa nito oh... Masyadong late reaction amf!

"Ano ba kasi yun? Kita mong ang dami pa nating gagawin nagawa mo pa kong kausapin ha?"

Mataray na sagot ko. Ang epal niya kasi eh!

"I just want to say sorry.."

Yan! Diyan siya magaling! Ang magpanggap na kunwari totoo ang lahat pero hindi pala!

"Okay"

Tanging sagot ko at nagbunot na ng damo. Omayghad! Di ito bagay sa dyosang tulad ko.

"I mean it"

"Elel! Wag ako. Once mo na akong naloko. Sa tingin mo maloloko mo pa ako? Hell nah."

Umirap ako kahit na alam kong di niya iyon makikita dahil nakatalikod ako.

"I knew this will happen.."

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Alam kong mangyayari to... Yung di mo na papaniwalaan yung mga sasabihin ko sayo kasi nga niloko kita."

Ako naman yung nalaglagan ng panggupit sa damo.

Should I trust his words? Or stay away from him? Once is enough, twice is too much.

Ayoko na masaktan pa.

Lumayo ako at pupunta na sa iba naming lilinisan ng.....








bigla niya akong hinug

***

Continue?

A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon