Chapter 25: Her Revenge

225 21 2
                                    

Alys' POV

Nalaman na ni Rezza na hindi na kami ni Brett matagal na. Dahil naging usap-usapan ito sa school. At nakikita din nila si Brett sa school na may kasamang babae.

Alam kong kahit hindi kami official na nagbreak-up ay klaro na sakin na WALA NANG KAMI. Kaya tatanggapin ko nalang kahit masakit pa.

"Bes ano kaya kung bawian mo si Brett?" Sabi ni Rezza isang araw ng kumakain kami sa canteen.

Ilang months na din kasi kami walang communication at tanggap ko naman yun. Ang di ko lang talaga matanggap ay yung niloko niya ako at paglaruan. Iniisip ko nang bumawi sa lahat ng ginawa niya sakin. Pero paano? Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

"Hayaan nalang natin na ang karma ang bumawi sa kanya Rezza." Sabi ko at kinakain ang chips na binili ko.

Naging usap-usapan din ako sa school. Pag tuwing dadaan nga ako sa kumpol na mga estudyante eh palagi nila akong pinag-uusapan na kesyo assuming daw kase ako eh hindi naman daw ako magugustuhan ni Brett kahit kailan eh. At saka hearttrob daw sa school magkakagusto sa isang nerd? Hindi ko nalang pinansin yun lahat.

"Pwede ba yun Alys? Sinaktan ka rin niya no! Kaya bawian mo nalang. Kaya kung bumawi ka parang quits na yun!" Sabi ni Rezza. May sumibol namang tuwa sa dibdib ko. Oo tama lang na gawin ko, sinaktan niya ako kaya kailangan quits na rin kami. Hindi lang naman siya ang pwedeng mangloko saming dalawa.

Sasaktan ko rin siya gaya ng sakit na idinulot niya sakin. Gagawin ko lahat para marealize niya na MALI siya... na sa aming dalawa ay hindi lang siya ang pwedeng maglaro.

"Sige, di na ako tututol. Nang dahil sa kanya mas maraming nagalit sakin dito sa school, nang dahil sa kanya sinasaktan na ako ng mga babaeng may gusto sa kanya. Nang dahil sa kanya kaya ako nasasaktan, NANG DAHIL SA KANYA NAGING MISERABLE AKO!!" Sabi ko kay Rezza at tumulo na ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.

"Tama yan Alys. Saktan mo rin siya! Gawin mong miserable buhay niya." Pagsang ayon sakin ni Rezza.

I WILL DO ANYTHING... JUST TO MAKE HIM SUFFER.

***
04/19/16-1:09pm

oki. Short update onleh. Malalaman na ba natin kung ano ang gagawin ni Alys para maging miserable si Brett? OH HINDI PA? Hahaha. Joke. Lovelots! :*

Itutuloy...

A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon