A/N
Happy 1.09K reads guuuys~ 🎉🎉 paparty na ba ako? HAHAHAHA. At dahil diyan, may UD ako ngayon. Stay support tayo dito! Hehe :> lovelots! <3
***
Alys' POV
Nang marinig ko ang pinag-usapan nila Brett na talagang nagpawarak ng puso ko ay tumakbo na kong may luhang umaagos sa aking mga pisngi. Wala na kong pakielam kung malaman nilang narinig ko ang usapan nila. Basta ako ang taging nararamdaman ko lang ay sakit,poot,galit,pagsisisi at kirot sa aking puso.
Niloloko niya lang pala ako. Yung mga matatamis na salitang sinabi niya, yung pagiging gentleman niya sakin everytime na magkasama kami. Yung paghalik niya sa cheeks ko, yung pagtatanggol niya sakin sa Espasol Squad. All of it was just a game, its just part of a game na kinaadikan ko.
Umuwi na ako ng bahay namin, hindi ko pa alam kung pano ko umuwi ng nakayuko lang ako at umiiyak. Ansakit ng puso ko, akala ko totoo na ang lahat, akala ko seryosohan na... Akala ko lang pala yun.
"Oh nak? Bat ka umiiyak?" Bungad na tanong sakin ni mama ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni mama, dahil patuloy parin ako sa pag-iyak hanggang sa makapasok ako sa loob ng aking kwarto at nilock iyon.
Tinignan ko ang mga pictures namin ni Brett na magkasama. Yung isang kuha na masayang-masaya ako, ganun din siya ay kuha ito nung Masquerade Ball. Isang buwan na din pala makalipas simula nung Masquerade Ball na yun, at isang buwan na rin ang makalipas simula ng sagutin ko siya. Napaluha ako ng todo todo nang maalala ko nanaman ang mga sinabi niya sakin nung araw na yun.
Siguro nga laro lang ang lahat ng to sa kanya. Siguro nga dare lang talaga ng mga kaibigan niya to na paibigin ako. Siguro nga gusto niya talaga akong masaktan. Yes I did fall inlove, but he didn't catch me. That's the sad truth.
May natanggap akong message, bigo ako ng hindi pala si Brett ang nagtext sakin kundi si Rezza.
From Rezza:
Bes, san ka pumunta?! Hindi ka bumalik sa English Class natin, hindi ka nakapag review!!!! NASAN KA BA?!
Tinext ko naman din siya.
To Rezza:
Nandito ko sa bahay Rez, mamayang uwian pwede bang punta ka sa bahay? May sasabihin lang ako. :(
From Rezza:
Sige sige. Hintayin mo ako, Arraseo?
To Rezza:
Oo.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang iyak. Nagising na lamang ako ng may kumakatok ng malakas sa pinto. Alam kong si Rezza yun kaya pinagbuksan ko siya.
"Oh bes? Bat namumugto yang mga mata mo? Ano nangyare? May umaway ba sayo? Nasan si Brett?! Tatawagan ko siya!!" Akmang kukuhain na sana ni Rezza yung cellphone niya ng hawakan ko ang kamay niya.
"Wag Rez. Wag mo siya tatawagan, please?" Sabi ko ng nagmamakaawa at umiiyak na din.
"Alys ano ba talaga nangyari ha? Umalis ka ng walang paalam. Nag alala ako tas hindi ka pa bumalik kanina sa room ng English." Nag aalala niyang sabi. Siguro di ko na muna sasabihin, tsaka na pag talagang nakumpirma ko na ang lahat.
"Rez, just let's not talk about that. Okay? Gusto ko lang magpahinga. Tsaka please dito ka na matulog? Paalam ka kay tita. I need someone to comfort me." Sabi ko at bumalik sa pagkakahiga. Narinig ko pa ang buntong hininga niya at nag Okay na lang siya sakin.
I'm in sorrow now..
***
04/16/16-10:16pmOuch. I can feel the pain. Sana maging okay na si Alys :< papasamain kita sa story na 'to Brett! Joke lang. Haha. Anyways, lovelots! :*
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)
Fanfic"Sorry for all the pain that I've caused. I know I've been a pain in your ass but if we can start again, I'll promise that I will be a better man if you let me do it so. And I know that you know how much I love you,right?" Ipinagdikit niya ang amin...