Chapter 13: Unexpected

195 28 0
                                    

Alys' POV

Hindi parin makamoveon si Rezza sa ginawang pagtatanggol ni Brett sakin.

Ako din, hindi ko alam kung ano yung nakain niya kung bat niya nagawa yun. Eh kahit ilang years na kami magkaklase di niya ako magawang pansinin eh.

Uwian na namin at nauna na saking umuwi si Rezz kasi may pupuntahan pa daw sila nila Tita, ewan niya lang kung saan.

Kamalas-malasang araw ko talaga ngayon dahil nagtext yung driver namin na di niya daw ako masusundo dahil nagkaroon ng problema sa sasakyan.

Naglalakad ako sa kanto ng mapansin kong dumidilim at maya-maya pumatak na ang malakas na ulan.

Hindi ko alam kung saan ako sisilong, kaya tumatakbo nalang ako ng mabilis. Dahil ayoko rin namang magkasakit ako.

Napahinto ako sa pagtatakbo dahil may narinig akong tumawag sakin.

"Alys!" Tumingin ako sa likuran ko para malaman kung sino ang tumawag sakin. Ganun nalang ang gulat ko ng si Brett pala yun.

paktay! Bakit siya tumatakbo sa ulan gaya ko? Wala ba yung sasakyan niya?!

Nakalapit na siya sakin ng di ko alam. Dala na rin siguro ng pagkabigla ko at lumilipad na utak ko. Psh

"Bat ka naliligo sa ulan? Wala ka bang sundo?" Tanong niya. Syet! Yung wet face niya, ugh. Ang hot niya!

Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ahh-- uhm. Kasi wa-la nag-karoon ng problema sa sasakyan ng driver namin. Kaya di a-ko masusundo" nakatungong sabi ko

Nararamdaman kong nakatingin siya sakin. At nananatili lang akong nakatungo.

"Ugggh. Pareho pala tayo eh, naflat kasi gulong ng kotse ko kaya maglalakad nalang sana ako pauwi kaso umuulan, at saktong nakita pa kitang tumatakbo"

Tila may sumayang parte sa puso ko dahil makakasama ko siya ngayon.

"Ahmmm, uuwi na ko ah?" tumakbo na ako palayo sakanya dahil kumakabog na malakas ang puso ko

Pero di ko inaasahan ang sunod na ginawa niya...

Hinawakan niya ang kamay ko.

shit!!

*dug dug dug dug dug dug dug*

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlalaking matang tumingin ako sa kanyang mga mata at nakatingin din siyang deretso sa aking mga mata.

"Pwede bang sabay nalang tayo umuwi Alys?" Seryoso at nakatitig sa aking mga mata niyang sabi

"Okay" ayun nalang ang tanging tugon ko

Nag-umpisa na kaming maglakad pauwi. Mas lalong lumakas ang ulan. Malas talaga

Tinanong niya sakin kung saan ako nakatira at sinabi ko naman sakanya.

Feeling ko bumabagal ngayon ang oras dahil kasama ko siya. Ansaya ko ngayon, lahat ng nangyari ngayong araw ay first time.

Sinilip ko siya at nakita niya akong nagnanakaw ng tingin, agad naman akong umiwas.

Di ko napansin na nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"We're here. Go inside Alys, its cold here. take a shower first before you sleep. Bye"

"Brett thank you" nauutal kong sabi. Ngumiti lang siya at tumatakbong umalis.

***
2/6/16-4:35pm

Itutuloy...

A Dare To Remember (DaraGon Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon