Chapter 1: In His Arms

252 4 0
                                    

Chapter 1: In His Arms

Gia's POV

"Rey, matagal pa ba? Nakakangalay na." Panay ang reklamo ko sa kasama ko dahil kanina pa ako naglalakad nang hindi nakikita ang daan. In other words, nakapiring ang mga mata ko at gina-guide lang ako ni Rey.

Mukhang may surprise chu-chu yata siya but I don't have any idea kung ano ang pasabog niya ngayon. It's not even our monthsary dahil tapos na kaming magcelebrate last week. Hindi rin naman namin anniversary. Kung birthday man, sa susunod na buwan pa naman ang birthday niya. Yung sa akin naman next three months pa. So wala talaga akong idea kung para saan ba ang surprise niya ngayong araw.

"We're almost there. Konting-tiis nalang okay?" He said gently.

"Rey," I called him.

"Yes?"

"Kinakabahan ako." I stated honestly. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"I know right." Sabi niya sabay pisil sa nanlalamig kong mga kamay. "Bakit ka nga pala kinakabahan? It's not even the first time I going to surprise you."

Ngumuso ako. "Eh kasi naman! Baka mamaya dalhin mo ako sa rooftop tapos pagtinanggal mo na yung panyo sa mata ko, magugulat ako, tapos ano? Ire-reveal mo yung real motive mo na papatayin mo ako tapos tatanungin kita kung bakit mo ginagawa sa 'kin 'to, kung anong naging kasalanan ko sa'yo tapos bigla mo nalang akong itutulak at mahuhulog sa building tapos mamatay ako!"

"Yun nga ang gagawin ko. Pano mo nalaman?"

I stopped walking and glared at him kahit na hindi niya nakikita ang mata ko. "You're not really going to kill me, are you?"

He chuckled. "Of course not. Bakit ko naman gagawin yun sa taong mahal ko? Matagal ka na ngang nahulog sa 'kin, ihuhulog pa ba ulit kita? That's double kill. Hulog na hulog ka na sa 'kin niyan."

Natahimik ako. I pulled away my gaze and looked at the other direction. "Hmp! Nice try. Pero ang korni mo!" Pagdedeny ko at nagsimulang maglakad ulit. Inalalayan naman niya ako.

"Sus. Kinilig ka naman." He teased. I bit my lower lip and mumbled. "Korni pa rin, pero in fairness may tama siya." Narinig kong tumawa siya pero hindi na niya dinugtungan pa yung pang-aasar niya.

"We're here." Aniya. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko nang maramdaman ang lamig ng hangin na dumampi sa balat ko. "Relax, Gia. Hindi ko gagawin ang iniisip mo." Mukhang napansin niya yata ang pagkabalisa ko dahil halos hindi ako huminga.

I took a deep breath and counted from one to ten. Maya-maya lang ay narelax na din ako. I'm nervous. I really am. Not because of my paranoid thoughts but because I am thrilled of his surprise. Hindi ko alam kung paano magre-react kapag tanggalin na niya ang takip sa mata ko. Baka sa sobrang tamis ng surprise niya ay baka mamatay na ako sa kilig.


"Fine now? Tatanggalin ko na." Pagpapaalam niya. Tumango ako.


Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang panyo mula sa  pagkakakapiring. Nanatili muna akong nakapikit nang tuluyan na itong matanggal. Then slowly, I opened my eyes.


At first, everything was blurry. I could only see different lights from below. Pero nung maka-adjust ng konti ang mga mata ko, nagkaroon na ako ng clue kung nasaan kami. Mabilis na binalik ko sa pagkakasara ang mata ko.


"B-bakit nandito tayo?! Akala ko ba hindi mo ako dadalhin sa rooftop! May balak ka ba talagang patayin ako?!" Sigaw ko. Yung mokong kasi, literal na dinala ako sa rooftop. Lesheng! Baka patayin nga ako ng kumag!





"Stop over thinking, Gia. Just open your eyes. I won't harm you." Napanatag ako sa sinabi niya. Nag-oover act lang yata talaga ako.




"Wow." Yun lang ang tanging nasabi ko nang tuluyan ko ng binuksan ang mga mata ko.

"Beautiful, isn't it?" Nakangiting sabi ni Rey. Sumang-ayon naman ako. I'm very much amazed sa view na nakikita ko ngayon. I could see the shining and shimmering sparkling lights of the city. Mukha silang mga bituin sa ibaba. Ang ganda. Super.


Naputol ang pagkamangha ko sa lugar nang maramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko. Hinawakan ko ito at tiningnan. It was a silver necklace—with an infinity symbol.


Humarap ako kay Rey nang matapos niyang ikabit ang kwintas. "Rey, bakit—" Naputol ang sasabihin ko dahil nasurpresa na naman ako nung tumalikod ako.


"Surprise?" Patanong na sabi ni Rey. Nakatayo siya malapit sa mesa habang hawak ang isang boquet.


Hindi ko alam kung maiiyak o matatawa ako kay Rey. This guy is really good in making stuffs like this. His surprises never failed to amuse me. He really got some skills.


"Ano bang meron ngayon ha? Bakit may ganito ka pang nalalaman? Katatapos lang nating mag-celebrate ng monthsary ah!" Maluha-luha kong sabi.


Lumapit siya sa akin. Nakangiti. "Wala naman. Gusto ko lang na i-surprise ka."




"Eh kahit na! Wala namang something special ngayong araw. Hindi ka na dapat sana nag-abala."



"Porke may surprise ako, may okasyon agad? Hindi ba pwedeng isu-surprise kita dahil gusto ko lang na mapasaya ka?"



This time, napaluha na talaga ako sa saya. "Psh. Palagi mo kaya akong pinapasaya. Kahit naman walang ganito masaya na ako eh. As long as you are by my side, I'm satisfied, and happy as well." I said as a matter-of-fact.


Nakangiting pinunasan niya ang pumuslit na luha sa mata ko gamit ang thumb niya. Pagkatapos ay maingat na hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniangat ang tingin sa kanya. "My heart flatters when my girl is happier than the usual. Kaya ikaw, imbes na punahin mo ang surprise ko, why don't you just appreciate everything and thank the person behind all these?"

Alam kong biro lang ang sabi niya pero tinamaan ako ng konsensya. Tama nga siya. Ano pa ba kasing pinag-aarte mo, Gia? Nag-effort na nga yung tao para mapasaya ka tapos magrereklamo ka pa?


I clung my hands on his nape and grabbed him for a five-second kiss. "Okay na ba yun?" I asked.

Natawa ako sa reaction ni Rey nung binitawan ko siya. He was blushing and still left in shock. "Hoy. Ayos ka lang?" Natatawa kong sabi.

Kumurap-kurap muna siya ng ilang beses bago makaimik. "H-ha?" Yun lang ang sabi niya. Haha! Ang cute niyang kiligin. Hindi makapagsalita.


Nakangising umiling ako. "Wala. Ang sabi ko, THANK YOU. Salamat sa effort at pagmamahal mo. Pinasaya mo ako ngayon. I love you a lot."



"I love you more than a lot. Halika nga dito." Kinabig niya ako papalapit sa kanya at kinulong sa kanyang mga bisig. Mas mataas siya sa akin kaya madali para sa kanya ang mayakap ako ng buo. "Akin ka lang Gia ha?" He sounded so possessive but I just liked it. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapangiti sa sinabi niya.


"Yes, boss." Masigla kong sagot.

"Good. Let's seal it with a kiss." Bago pa man ako makaangal ay inangkin na niya ang mga labi ko. It was longer and sweeter than the kiss we had earlier. It was more passionate and intense. Kung hindi pa tumunog ang sikmura ko ay hindi kami nagpapaawat. Dahil nga may pagka-bossy and tiyan ko ay inuna muna namin ang pagkain. Masama kayang nagpapagutom no! Sayang naman ang pagkain kung hindi namin kakainin. Masarap pa naman yung kiss-- este yung pagkain pala.


After the dinner, we then spent the rest of the night cuddling and kissing (sometimes) with each other. No words could explain how much blissful I was with Rey. Sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko pansamantala ang totoo kong mundo.

He's My What?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon