Chapter 13: Let's Make A Deal
Three days had passed after that day. Wala namang masyadong nangyari, back to normal lang lahat. I go to school, do my tasks, then go home kung wala ng gagawin pa sa school. Well, except for the changes.
Matapos ang gabing nagkasagutan kami ni Mommy at pumayag ako sa gusto nila ni Daddy, hindi ko na masyadong kinakausap siya. You can't blame me. Though pumayag na ako na maging fiancé ko si Sir Rye, I'm still mad at her.
Tinawagan ako ni Daddy nung isang araw, nalaman niyang pinagtaasan ko si Mommy ng boses, kaya naman napagalitan ako ng konti. Pero di kalaunan, bumawi rin agad siya nung malaman niyang pumayag ako sa desisyon nila ni Mommy.
Habang kinakausap ako ni Dad regarding on my wedding, hindi ko maiwasang hindi na naman mainis and at the same time, maiyak. They really are giving me to someone. Naisip ko nga, are they already tired of being responsible to me? Kasi kung hindi, hindi nila ako mamadaliin at ipagpipilitan ng ganito.
Gusto ko siyang sagutin at sabihin rin sa kanya ang sinabi ko kay Mommy pero hindi ko na ginawa. Nakakapagod ng magpaliwanag. He won't listen anyway.
Kahit nga si Sir Rye ay hindi ko pinapansin. To be exact, hindi kami nagpapansinan matapos ang insidenteng iyon. Unless kung may iuutos siya sa kin, yun lang ang time na kinakausap ko siya. Nevertheless, it's very awkward. Sobra. Knowing our situation, parang ang hirap tuloy kumilos.
Wala pa akong lakas ng loob para kausapin siya regarding on our set-up, but here I am, sitting straight across him, face-to-face, and still thinking for the right words for my opening statement.
"Do you want to marry me?" I was stunned by his sudden question.
Eh sino ba naman ang hindi mabibigla kung matapos ang sampung minutong walang umimik sa min ay aatakihin ako bigla ng isang tanong na akala mo nagpo-propose di ba?
I shook my thoughts away. "Sir, nagpo-propose ba kayo?"
Binigyan lang niya ako ng bagot na tingin na para bang may sinabi akong katangahan. "Do I look like proposing?"
"Uhh. Parang? Eh kasi naman Sir, pabigla-bigla lang po kayo eh. Aba malay ko ba."
Nakita kong tumaas ang isang kilay niya. "Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa teacher mo, Ms. Go?"
"Hindi naman Sir. But at this point, I'm talking to my fiancé, kaya pwede naman sigurong tanggalin ko ang honorifics di ba?" Ang awkward banggitin nung word na fiancé but I still have to act cool.
"Nasa loob tayo ng premises Ms. Go. And within the premises, you are a student and I'm a teacher so you better talk to me politely."
"Oo na Sir. Nasa loob nga tayo ng campus pero hindi naman school matters ang pag-uusapan natin kundi tungkol sa kasal natin." This conversation is supposedly awkward. But for some reason, natural lang lahat ng lumalabas sa bibig ko ngayon na para bang nakalimutan ko bigla na naiilang ako sa kanya.
"Kahit na. Mas matanda pa rin ako sa'yo so you should still pay your respect."
Sumandal ako sa couch at nakasimangot na humalukipkip. Ayaw niya talagang magpatalo eh no?
"Fine. Sige na nga!" Asar na sabi ko. Tiningnan niya lang ako na para bang mali ang pagkakasabi ko. Ugh.
I rolled my eyes and forced a smile. "Sige po Sir. Kung yan po ang gusto niyo. Masusunod po." Magalang na sabi ko sabay yuko pa sa kanya.
"So... mabalik tayo sa tanong ko. Do you want to marry me?"
Natigilan na naman ulit ako sa tanong niya. Grabe naman kasi makatanong si Sir. Sobrang seryoso at para talagang magpo-propose. Siguro kung may hawak pa yata siyang box na may singsing, aakalain ko talagang nagpo-propose siya eh.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomanceIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...