~ P R O L O G U E ~
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Nasa study table siya at hindi magkandaugaga sa kanyang ginagawa habang nakaharap sa laptop.
Tumikhim muna ako bago magsalita.
"S-sir—este... R-Rye. Handa na yung pagkain. Tara sa baba." Naasiwa kong sabi.
'My ghad! Bakit ba kasi ang hirap bigkasin ng pangalan niya? Isang syllable lang yun pero bakit ang sakit sa lalamunan? Mas gugustuhin ko pa yatang tawagin siyang 'Sir' kesa naman tawagin ko siya sa pangalan niya. Grabeh bes! Ang awkwaaaaaard! T___T
Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi manlang siya lumingon. Kaya naman. Tinawag ko siya ulit.
"R-Rye. Kakain na tayo." Sabi ko pero wala pa rin. 'Naririnig niya ba ako o hindi? Baka nagbibingihan lang? Or baka hindi niya talaga ako marinig dahil mahina ang boses ko?'
Tumikhim ulit ako at medyo nilakasan ko ang boses ko. Pero sa di malamang dahilan, iba ang lumabas sa bibig ko. "SIR. Alam kong naririnig niyo po ako. Kakain ba kayo o hindi? Kasi po nagmumukhang tanga po ako dito habang hinihintay ang sagot mo. Kung ayaw mong kumain, bigyan mo naman ako ng sagot at least. Hindi yung tumutunganga lang ako dito sa kahihintay sa'yo." Dire-diretso kong sabi.
Umikot ang swivel chair niya at humarap sa direksiyon ko. Mukhang noon lang niya napansin na nandon pala ako. "Oh, Sorry. I was busy doing my course syllabus. Kanina ka pa diyan?"
Natahimik ako. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa baba. 'Nakakahiya ka, Gia!'
"H-hindi naman po. OA lang po talaga ako. Waaaah! Sorry! Baba nalang po kayo!" Nagmamadali kong sabi at kumaripas ng takbo papuntang kusina.
***
Simula nung maupo kaming dalawa sa mesa hanggang sa natapos kaming kumain, walang may umimik sa 'min. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at super duper awkward. I tried to break the silence so many times but I always end up on saying nothing. Mukhang hindi rin naman siya interesadong makipag-usap kaya naman nanahimik nalang ako.
"I'm done." Sabi niya. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Tapos na rin ako pero mas nauna akong matapos kesa sa kanya. Akmang liligpitin na niya ang pinagkainan namin nang pinigilan ko siya.
"A-Ah... Ako na." Kusang sabi ko. "Ako na magliligpit."
He looked at me for seconds before he nodded. "Okay." Tipid na sabi niya at iniwan ako sa kusina.
'Wow. Akalain mo nga naman. Did I just volunteer? Ako magliligpit? Ako ang maghuhugas? The heck! No way, no! I don't even know how to do that. I just said it out of... reflex?'
Tinawagan ko si Nana Nancy para magpatulong pero habang nagda-dial ako, bigla akong may naalala. Pumasok sa isip ko ang huling sabi ni Mommy.
YOU SHOULD LEARN THE HOUSEHOLD CHORES. I AM NOT SENDING ANY MAID ON YOUR HOUSE. KAPAG MALAMAN KONG MAY TINAWAGAN KANG MAID TO ASK FOR HELP, YOU'RE DEAD.
Nanlumo ako bigla at nagpapadyak sa tabi. "Waaaaaaahhh! Bakit ba kasi kailangang maging ganito? Hindi na sana ako dapat nag-volunteer! Huhuhu! Nakakainis! Tanga mo talaga, Gia!"
***
Pumasok na ako sa kwarto 'ko'. Nadatnan ko pa rin siya sa study table pero hindi na laptop ang kaharap niya kundi isang mala-encyclopedia ang kapal na aklat. Gaya nung kanina, hindi niya napansin ang pagpasok ko. Dumiretso lang ako sa banyo at nagshower. Pagkatapos kong magpalit ay humiga na ako sa kama.
Kinuha ko ang iphone ko at tiningnan ito. Napabuntong-hininga ako nang makitang wala pa ring text o kahit na tawag galing sa 'kanya'. I miss him. Sobra. It's almost a week simula nung hindi na siya nagparamdam sa 'kin. Kumusta na kaya siya? Bakit bigla nalang siyang nawala? Kumusta na ba kami? Iniisip niya ba ako? Alam na ba niya ang sitwasyon ko? Haaaay.
Tumagilid ako at humarap sa direksiyon ng lalaking nasa study table. I am facing his back so he won't see me.
Bakit kasi ikaw pa? Bakit ikaw pa ang kailangan kong makasama? Bakit sa kin pa nangyari to?
"Sleep, Gia. You still have classes tomorrow." Nagulat ako sa sinabi niya. Napalakas ba ang sabi ng isip ko? Alam niya bang nakatingin ako sa kanya? Bakit hindi manlang niya ako nilingon kanina nung pumasok ako sa kwarto kanina?
Hindi na ako nagsalita. Baka marinig lang niya ang hikbi ko. Humarap ako sa kabilang side at pinilit na matulog.
"Goodnight." I heard him said before I fell asleep.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomanceIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...