Chapter 7: Bad Day? No, Not Really
I'm not used to wake up early in the morning but here I am, forcing my body to get up even though I still wanted to lie in my bed. I don't want to commit mistakes again so I have no other choice but to prepare for school early.
Time check. It's 4:00 in the morning. Masyado pang maaga para bumangon. Sinadya kong tatlong oras ang paghanda ko dahil ang bagal kong kumilos. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang naliligo. Halos manigas naman ang buong katawan ko dahil sa lamig ng tubig. Geez. Hindi ako sanay.
Mabilis kong tinapos ang pagligo. Hindi ko na kasi kakayanin ang lamig ng tubig. Ni hindi ko na nga rin nabanlawan ng maayos yung buhok ko sa pagmamadali. Suot ko na ang bathrobe ko pero nilalamig pa rin ako. Kaya naman kumuha ako ng dalawang tuwalya-- yung isa ipinulupot ko sa katawan ko at yung isa naman para sa buhok ko. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Nana Nancy.
"Nana, gusto ko po ng hot chocolate. Pakigawa po ako ng isa please." Sabi ko. Nasa kusina siya at naghahanda ng makakain ko. Umupo ako habang naghihintay sa kanya.
What was my first task again? Ah. Buksan ang office niya at ipagtimpla siya ng kape.
Napasimangot ako ng maalala kong hindi pala ako marunong magtimpla ng kape. Kahit nga ang magtimpla ng gatas ay hindi ko alam. Usually kasi, si Nana ang gumagawa nun para sa 'kin. And besides, hindi rin ako mahilig sa kape kaya wala talaga akong alam pagdating sa pagtitimpla. How will I even do that?
"Ah. Nana. Paano po ba magtimpla ng kape?" Tanong ko kay Nana. Siya naman ang tagatimpla ko so I assume na alam niyang magtimpla ng kape.
Nagtaka ako nang bahagyang tumawa siya. "Madali lang naman. Bakit mo natanong?" She asked while serving my hot chocolate.
"Yung teacher ko po kasi inutusan akong magtimpla ng kape niya. Kaso hindi ko naman alam kung paano. Pwedeng turuan niyo ako?"
Tumawa ulit siya. "Oo naman. Halika."
Sumunod ako sa kanya. Lumapit kami kung saan nakalagay ang mga pangtimpla. "Ano bang klaseng timpla ang gusto ng teacher mo?" She asked while preparing a cup and the coffee.
Tumingin ako sa taas at nag-isip. "Brown coffee daw po. Hindi masyadong matapang at hindi rin masyadong matamis."
Kumuha siya ng kape. Pinagmasdan ko siya habang nilalagay niya ang tatlong scoop ng kape sa cup. Tapos naglagay siya ng dalawang kutsarita ng asukal dun at nilagyan ng creamer. Nagsalin siya ng mainit na tubig.
"Ganun lang po?" Takang tanong ko. Ang bilis lang kasi niyang ginawa iyon.
Ngumiti siya at tumango. "Tikman mo." Iniabot niya ang kape sa 'kin matapos niya itong haluin.
Dahan-dahan kong tinikman iyon. "Wow! Ang sarap naman nito Nana! Bilib na talaga ako sa magic niyo!" Masiglang turan ko. Sigurado akong magugustuhan 'to ni---
*ting!*
Aha! Alam ko na ang gagawin ko. Hihi.
"Nana, nasaan na yung favorite cup ko po? Yung may nakasulat na 'I'm not a paper cup.'"
"Nasa cabinet, sa taas. Gusto niyong kunin ko po?"
Nakangiting tumango ako. Kinuha niya iyon at napapalakpak ako nang makita ang cup ko. Excited na tinanggap ko iyon sa kanya at isinalin ang kaninang tinimpla niyang kape.
Ang galing, galing mo Gia! Very good idea! Oo nga't tinuruan na ako ni Nana kung paano magtimpla ng kape but I'm not confident enough to make him coffee. Baka sumemplang ang timpla ko at hindi umayon sa panlasa ni Sir Rye. Kaya, thumbs up para sa 'kin! Isa akong henyo. Mehehehe.
BINABASA MO ANG
He's My What?!
Любовные романыIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...