Chapter 5: Punishment or Revenge?

99 4 0
                                        

Chapter 5: Punishment or Revenge?

"Lady Gia, Lady Gia. Gising na po."

Nagising ako nang marinig ang boses ni Nana Nancy, yung katulong ko sa bahay. Umungol lang ako at dumapa sabay takip sa ulo ko.

"Lady Gia. Gising na po. Male-late na po kayo sa pasok niyo."

Hindi ko siya pinansin. Bumalik ako sa pagtulog. Gusto ko pang matulog. Gusto ko pang matulog. Inaantok pa ako. -_____-zzz

"Lady Gia, gising na po." Bigla akong nainis nang inalog niya ako.

"Gusto ko pang matulog Nana. 15 more minutes please." Pakiusap ko.

"Eh ma'am. Kanina pa po yang 15 minutes niyo. 30 minutes na po kayo diyan simula nung una kitang ginising."

"Pagbigyan mo na ako Nana. Inaantok pa talaga ako."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Yes! Susuko na siya.

"Oh siya. Sige na nga. Panghuli mo na po 'to."

"Yes Nana. Maraming salamat." Sabi ko. Pag-alis na pag-alis niya, bumalik ulit ako sa pagtulog at natulog ng mahimbing. Second day of classes palang ngayon so okay lang naman siguro kung ma-late ako ng konti di ba?

---


"Nanaaaaaaa! Ba't di mo po ako ginising?!" Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita kung anong oras na ngayon. Geez! It's already 7:01 in the morning and yet kagigising ko lang! 7:30 pa naman ang pasok ko at... at...

'Shet! Lagot! Pinapasok pala ako ngayon ng maaga ni Sir Rye!'

Hinihingal na pumasok si Nana Nancy sa kwarto ko. Mukhang tumakbo yata siya nang marinig ang sigaw ko.

"Ginising po kita kanina Lady Gia. Tatlong beses po pero sabi mo palagi 15 minutes pa. Kaya ayun. Pinagbigyan po kita. Tapos po nung pang-apat na subok ko hindi na po ako nakapasok ng kwarto niyo kasi po ni-lock niyo po yung pinto." Katwiran niya.

"T-talaga po? Ginawa ko yun?" Nagtatakang tanong ko. Ba't wala akong maalala?

She just nodded. Nasapo ko nalang yung noo ko. Nalintikan na Gia.

Imbes na magdadakdak ako sa sarili ko, kumilos agad ako para magpalit ng uniform. Hindi na ako naligo dahil one hour late na ako! T^T Kahit nga paghilamos manlang ay hindi ko na nagawa.

"Kumain ka muna Lady Gia. Baka mapagalitan kayo ni Madam Myra." Sabi ni Nana Nancy pagkarating ko sa dining area.

"Wag na po. Mamaya na. Nagmamadali po ako." Pagtanggi ko. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa sasakyan. Agad kong inutusan si Kuya Eddie na bilisan ang pagdrive papuntang school.

Pagdating na pagdating ko sa Guville University, kumaripas ako ng takbo papunta sa office ni Sir. T-Teka. Saan nga pala ang office ni Sir?

"Business Administration Department! Tama! Ang talino mo Gia!" Puri ko sa sarili ko. Naisip ko kasing major subject instructor ko siya so probably, nandun ang office niya.

Mabilis naman akong nakarating sa harap ng BA Department. Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok at pumasok.

"Uhm. Excuse me po. Pwede pong magtanong kung nasaan ang office ni Sir Ryan Gua...dal...ope? Ay hindi. Guadalfider? Ay hindi pala. Uhm. Ano... Basta yung bagong teacher dito." Tanong ko sa lalaking student-assistant sa loob. Ang hirap naman kasing isaulo ang apilyido niya eh. Nakakabulol.

He's My What?!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon