Chapter 10: Coincidence or Fate?

84 3 0
                                    

Chapter 10: Coincidence or Fate?

Gia's POV

"Good morning po Nana!" Masigla kong bati sa katulong ko paglabas ko ng kwarto para magbreakfast. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit sa likod.

"Magandang umaga din po, Lady Gia. Ang saya po natin ngayon ah? May maganda bang nangyari?"

Kumalas ako sa yakap niya at masayang umikot. "Wala naman po. Maganda lang talaga ang gising ko." But the thing is, I'm super duper excited later because today's the day that I'm going on a date with my Rey. Mamayang gabi na, to be specific. I miss him so much. Almost a week na hindi ko siya nakita at tanging text at tawag lang ang communication namin. I really want to be with him.

"Ganun po ba. Oh siya. Kumain na muna kayo. Ihahanda ko lang ang pagkain niyo."

"Salamat, Nana." Habang inihahanda ni Nana Nancy ang pagkain ko, kinuha ko lang muna ang iphone ko at nag-selfie. Feeling ko kasi blooming ako ngayon kaya feeling kong mag-selfie ngayon.

After three shots, I stopped when I remembered something. "Hala. Wala pa pala akong susuotin." Agad na tumayo ako sa kinauupuan ko at patakbong pumunta sa kwarto ko.

"Lady Gia, saan po kayo pupunta? Heto na po ang pagkain niyo." Napalingon ako kay Nana at sinenyasan siya.

"Saglit lang po Nana. I'm just going to check something." I shouted back.

Dumiretso ako sa drawer ko pagpasok ko sa kwarto. Inilabas ko lahat ng dresses na naka-hanger doon at inilapag sa kama ko.

I rubbed my chin while looking at them. "Ano ba ang susuotin ko? Hmmm."

Kinuha ko ang black long sleeve turtle neck dress at ipinwesto sa harap ko. Humarap ako sa salamin. Napailing ako. "Nah. Mukha akong makikilibing."

Sunod kong kinuha ang green tube dress na hapit sa katawan ko at above the knee ang haba. "Ay. Mukha akong si Tinkerbell."

I tried to fit the simple floral dress. I like it because it was comfortable but... "Pagtatawanan ako nito ni Rey." Eh pano ba naman. Kung ito ang susuotin ko, I am more like attending a summer beach party rather than going on a date.

Sinubukan ko pang sukatin ang iba pero wala akong natitipuhan. I frustratedly sat down and messed my hair. "Ang hirap namang pumili ng isusuot!" I said. Hindi naman sa nag-iinarte ako. It's just that wala talaga akong mapili. Hindi ko alam kung anong susuotin ko. Sikat na fashion designer ang nanay ko pero hindi ko manlang nakuha ang fashion skills niya. I mean, I have my own sense of fashion, hindi naman ako baduy pumorma pero at times like this, hindi ko alam kung bakit napakahirap pumili ng susuotin.

"Geez. I guess I have to shop later."

---

Ryan's POV

"Anong ginagawa mo dito, apo?" Pagpasok ko ng kwarto ni Lola yan agad ang bungad niya sa 'kin. I gave her a questioned look.

"Para bantayan po kayo as usual. Bakit po?"

"Matilda, akala ko ba sinabihan mo na yang anak mo?" Lola talking to Mama.

"Oo naman Ma. Kahapon pa." My mother replied.

"Bakit nandito yan ngayon? Dapat naghahanda na siya para mamaya."

Lumingon sa 'kin si Mama. "Ah. Oo nga pala, nak. Hindi ka na pala dapat pumunta dito. Relax ka na dapat ngayon."

He's My What?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon