Chapter 8: Realize
Friday na. So meaning Saturday na bukas. Oh yeah! Makakapagpahinga na rin ako sa wakas. Dalawang araw palang akong nagsisimulang gawin ang mga punishment ko pero yung feeling na halos isang buwan na ang ginawa ko. In other words, nakakapagod. Lalo na ngayon...
Hapon na. Vacant ako ngayon. Kakapasok ko palang ng office ni Sir matapos tahakin ang Architecture Unit (dalawang building ang layo mula sa Engineering Building) para ibigay kay Mrs. Calibre ang papel na hindi ko alam kung para saan dahil inutusan lang naman ako ni Sir. At dahil wala si Mrs. Calibre sa office niya at may class session siya ngayon, kinailangan ko pang umakyat sa third floor ng Architecture building para lang mapapirmahan ang papel na dala ko. Pagdating ko dun, agad na ibinigay ko sa kanya yung papel. Binasa naman niya ito ang kaso nga lang, hindi niya pinirmahan ito dahil mali daw ang pagkakaspell sa pangalan niya. Napagalitan pa nga ako eh.
"What happened to my name? Kailan pa ako naging lalaki?! I'm Antonia Calibre not Antonio Calibre! Ibalik mo yan. Ibalik mo yan! I'm not going to sign it unless you spell my name properly!"
Kaya ayun, no choice ako. Kahit nakakapagod, bumalik ako sa office ni Sir.
"Sir...Hindi po pinirmahan ni Mrs. Calibre yung papel."
He stopped manipulating his laptop and looked at me. "Why? What's the problem?"
"Eh kasi daw po mali po yung pangalan niya. It should be Antonia hindi po Antonio. Tingnan niyo po." Sabi ko sabay turo sa papel kung nasaan ang pangalan ni Mrs. Calibre.
"Ah. Okay. Na-mali ako ng pagkakatype. Here. Edit this one. Magprint ka ulit." Tinanggap ko ang flashdrive na binigay niya.
Habang hinihintay ko na magbukas yung computer, inikot ko yung swivel chair na inuupuan ko at humarap sa mesa niya.
"Nga pala, Sir. Thank you nga po pala sa snack kahapon! Nabusog po ako." I said, smiling. Oo ayaw ko pa rin sa kanya dahil ang dami niyang utos pero hindi naman ako ganun kasama para hindi siya pasalamatan. Nag-iwan siya ng snack kahapon so kahit papaano ay nabawasan ang hate meter ko sa kanya.
Naghihintay ako ng sagot sa kanya pero hindi manlang siya sumagot. Busy pa rin siya sa kakatype sa laptop niya. Sabi ko na nga ba't hindi siya bumait.
I crossed my arms and shook my head. "Pambihira. Nagpasalamat na nga yung tao hindi manlang sumagot ng 'your welcome'. Tsk. Tsk. Tsk. Gusto niyang ginagalang siya pero siya naman 'tong rude. Ano ba yan." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"I can hear you, Ms. Go." Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita siya. Agad na umikot ako paharap sa computer at nagpalusot na nag-eedit. Geez. Ang talas naman ng pandinig niya. Ni hindi ko nga nilakasan ang boses ko eh.
Hindi na ako nagsalita pa. Mahirap na at baka pagalitan niya ako. Tinapos ko nalang ang pinapagawa niya.
"Oh baby? Napatawag ka?" Napatigil ako sa ginagawa ko nang magsalita si Sir. Nilingon ko siya at nakitang may kausap siya sa telepono.
Baby? May girlfriend si Sir? Akala ko ba single siya?
"Talaga? That's good then. Pupunta ako diyan right after my class." He said smiling. "Tell her I miss her too. Yeah. Yeah. See you later. Love you too, baby."
Kinusot ko ang mga mata ko at kumurap-kurap. Si Sir ba talaga ang nakikita ko?
"Tapos ka na?" Nabalik ako sa wisyo nang tinanong niya ako.
"A-ah...O-opo." Tarantang ibinigay ko sa kanya ang na-print kong papel. Lumapit ako sa kanya at ibinigay iyon. Hindi pa rin mawaksi sa isip ko ang mukha ni Sir kanina. He seemed very happy earlier while talking someone at his phone. First time kong makita ang full smile niyang iyon that's why I'm very much flustered with it. Akala ko pagsusuplado at pagseseryoso lang ang alam niyang gawin pero hindi ko alam na may magandang ngiti pala siyang tinatago. But what really bothers me was his conversation with someone on his phone. Baby? I miss her? Love you too baby? Naguguluhan ako. Was that his girlfriend or his child?
![](https://img.wattpad.com/cover/68323111-288-k250366.jpg)
BINABASA MO ANG
He's My What?!
RomanceIsa lang naman ang gusto ng isang Gianna Marie Ara Go - ang mamuhay ng simple sa kabila ng pagiging anak ng bilyonaryo at ang malayang makapagmahal ng taong gusto niya. But then, she never thought that arranged marriage would exist. As she was desti...